Kahit na isang dosenang salita ang lahat-lahat na sinabi nito, dalawa lang sa mga ito binigyan niya ng atensyon: Qiao Anhao
Noon, matagal na panahong hindi sila nagkita ni Qiao Anhao. Hindi rin ito kakilala ng mga taong nakapaligid sakanya kaya paulit ulit lang ang dalawang salitang iyon sa kanyang isip. At nang bigla niyang marinig na may bumanggit ng pangalang nakaukit sa kanyang puso, sobrang nagulat siya. Medyo matagal bago siya nahimasmasan pero ang tinging tumatakbo sa kanyang isip ay""magpapanggap siya na asawa ni Qiao Anhao."
Malinaw sakanya na hindi siya gusto nina Xu Wanli at Han Ruchu pero matapos niyang manahimik ng ilang sandali, bandang huli ay pumayad din siyang gawin ito.
Pumayag siya ng hindi humihingi ng kapalit o gumagawa ng kahit anong kundisyon.
Hindi ito para kung kanino, kundi para lang sa dalawang salita – Qiao Anhao.
Kahit na kailangan niyang tiisin ang lahat ng poot at galit, balewala ang mga yun sakanya.
Walang ibang nakakaalam ng tungkol dito. Sobrang naging excited niya noon. Pakiramdam niya ay parang pinagkalooban siya ng langit ng isang napakagandang oportunidad; rason para muling makasama si Qiao Anhao.
-
"Jiamu!" mas naunang nakita ni Qiao Anxia si Lu Jinnian. Kumaway at ngumiti ito sakanya.
Mabilis na lumingon si Qiao Anhao na kasalukuyang nakatalikod kay Lu Jinnian. Naglakad siya papalapit kay Lu Jinnian. Ngumiti siya rito at tinawag, "Brother Jiamu."
Brother Jiamu…ang boses ng babaeng iyon ay malumanay at malambing, Ang dalawang salitang lumabas sa pagitan ng mga ngipin nito ay halatang punong puno ng emosyon.
Hindi siya tinatawag ng ganito ni Qiao Anhao. Madalas kasi ay parang lagi itong naiilang o masyadong magalang kapag tinatawag siyang 'Mr. Lu' nito. Pero kanina, sobrang napasaya siya nito noong dalawang beses nitong tinawag ang kanyang pangalan.
Pinilit ni Lu Jinnian na huwag ipahalata ang inggit na nararamdaman at tinignan niya si Qiao Anhao ng puno ng lambing. Hinila niya ito at niyakap ang malambot nitong bewang.
Kahit na nakasuot si Lu Jinnian ng parang kay Xu Jiamu, hindi pa rin nagbago ang kanyang amoy kaya noong niyakap ni Qiao Anhao ang kanyang bewang, biglang bumilis ang tibok ng puso nito nang naamoy nito ang amoy na siya lang ang mayroon. Bigla siyang nahiya at bakas ito sa kanyang mga mata.
Ang mga bagong kasal ay hindi nagpapigil ng kanilang pagmamahalan, kaya nagpanggap silang dalawa na sobrang sweet at affectionate sa isa't-isa.
Pwedeng magbago ang itsura ng isang tao, pero hindi ang kanilang boses, kaya sa tuwing lalapit si Lu Jinnian sa mga kakakilala nila ni Qiao Anhao, ginagawa niya ang lahat para hindi magsalita.
Sa paglipas ng oras, nakumbinsi ang lahat na dahil sa pinsalang naidulot kay Xu Jiamu ng car accident kaya biglang nagbago ang personalidad nito at kung bakit hindi rin ito masyadong nakikipagusap.
Dahil doon, ngumiti at tumungo lang si Lu Jinnian noong binati siya ni Qiao Anxia.
Pagkatapos ng car accident, walang problema kay Qiao Anxia ang tahimik na 'Xu Jiamu' kaya itinuro niya nalang si Chen Yang na nasa kanyang tabi para ipakilala, "JIamu, ito ang boyfriend ko, si Chen Yang."
Inilabas ni Chen Yang ang kamay nito para makipagkamay. "Hello."
As usual, hindi nagsalita si Lu Jinnian ng kahit ano at nakipagkamay lang kay Chen Yang.
Kinakabahan si Qiao Anhao na kapag mas tumagal pa ang paguusap ng mga ito, malaki ang posibilidad na mahuli sila ni Qiao Anxia kaya nagmadali siyang gumawa ng paraas para magpaalam. "Aalis muna kami ni Brother Jiamu para batiin ang iba pang mga bisita."
Hinantay lang ni Qiao Anhao na tumungo sina Qiao Anxia at Chen Yang at agad siyang kumapit kay Lu Jinnian at umalis.
-
Eksaktong alas otso ng gabi noong nagsimula ang birthday party ni Xu Jiamu. Kinakabahan din sila Xu Wanli at Han Ruchu na baka mahuli sila, kaya inumpisahan nila ang party sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga birthday wishes. Umakyat si Han Ruchu sa podium para magsalita.
Tumayo din si Lu Jinnian sa podium at hinintay na matapos magsalita si Han Ruchu. Itinaas niya ang basong hawak niya bilang senyas sa sabay-sabay na paginom ng lahat.
Hinawakan ni Qiao Anhao ang siko ni Lu Jinnian habang bumababa ng stage. Humarap sila sa mga bisita at itinaas ang kanilang mga baso para makipag'toast bago sila maglakad ng dahan-dahan papunta sa isang gilid, at ipaubaya ang mga bisita kina Han Ruchu at Xu Wanli.
Kahit na wala masyadong tao sa gilid na pinuntahan nila, mayroon pa ring iilang mga naglalakad. Para maiwasan ang mga pagdududa, tahimik lang silang nakatayo at iniiwasan nilang magusap sa takot na baka may makahalata.
Habang binabati nila ang mga bisita, maraming nainom si Lu Jinnian na dapat ay para kay Qiao Anhao. Bago ang dinner, hindi pa siya kumakain ng kahit ano. Biglang sumakit ang kanyang tyan kaya sumandal muna siya sa sofa.
Sobrang saya ng mood sa main hall, rinig na rinig ang mga nagtatawanan.
Habang patuloy na nakikisalamuha sa mga nag-uusap at nagtatawanan, naalala ni Qiao Anhao ang mga nangyari bago magumpisa ang pagdiriwang. Naglakad si Lu Jinnian papunta sa sasakyan nito para magsigarilyo matapos itong hindi pansinin nina Han Ruchu at Xu Wanli. Sobrang nasaktan siya para Lu Jinnian, at bigla niya itong naalala kaya hinanap niya ito.
Kasalukuyang nakahiga si Lu Jinnian sa sofa habang nakapikit ang mga mata. Kahit na may mga peklat ang mukha nito at medyo nagayos din ito ng onti para mas maging kamukha ni Xu Jiamu, naaninag pa rin ni Qiao Anhao ang tunay nitong itsura at ang perpektong mukha nito.
Napuno ng lambing ang mga mata ni Qiao Anhao habang tinitigan niya ito.
Habang nakatingin siya kay Lu Jinnian, unti-unting nabubuo sa kanyang isipan ang tunay na itsura ni nito at tanging mukha nalang nito ang nakikita niya kaya hindi niya mapigilang mapangiti.
Bandang huli, tuluyan na ngang natulala si Qiao Anhao, bakas sa kanyang mukha ang lambing at pagmamahal.
Nang maramdaman ni Lu Jinnian na mas mabuti na ang kanyang pakiramdam, iminulat niya ang kanyang mga mata at napatingin kay Qiao Anhao na nakatulala: Ang tingin nito ay masyadong malagkit at medyo nakakawala ng kontrol.
Parang biglang tumigil ang tibok ng puso ni Lu Jinnian at hindi niya na kaya pang tumingin sa iba. Makikinang at magaganda ang mga mata ni Qiao Anhao pero ang nakikita ni Lu Jinnian sa mga ito ay walang iba kundi si Xu Jiamu.
Nagbago ang kanyang itsura, hindi siya nakagalaw ng ilang segundo bago niya naalala na nagpapanggap nga pala siya bilang si Xu Jiamu.
Kaya ba ganun nalang makatingin sa kanya si Qiao Anhao? Nakikita niya kaya ito bilang si Xu Jiamu?
Paano niya nga ba makakalimutan…madalas yumuyuko ito o kaya naman ay tumitingin sa iba tuwing nagkakatinginan sila, pero ngayon kaya nitong tignan siya ng diretso sa mga mata.
Parang biglang nanikip ang dibdib ni Lu Jinnian na para bang may sumaksak dito. Dumaloy ang sakit sa kanyang buong katawan at biglang nandilim ang mga mata niya. Pinilit niyang tanggalin ang tingin niya kay Qiao Anhao para maitago ang kanyang mga nanlilisik na mata.
Walang ideya si Qiao Anhao na siya pala ang dahilan kung bakit biglang nagbago ang istura ni Lu Jinnian. Patuloy lang siya sa kanyang imahinasyon at hindi niya pa rin kayang tanggalin ang kanyang tingin dito.
Kahit na ibinaling na ni Lu Jinnian sa iba ang kanyang tingin, ramdam pa rin niya na nakatitig ito sakanya. Natutuyo na ang kanyang mga labi habang paulit ulit niyang naririnig ang voice record sa kanyang isip.
"In my whole life, I will love you the most."
"In my whole life, I will only love you."
Nanginginig siya sa galit at nang hindi niya kinaya ay bigla siyang tumayo.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES