Pag sapit ng halos 7:40, nagumpisang magsidatingan ang mga bisita.
Walang may ideya kung saan nagpunta si Lu Jinnian. Samantalang sina Han Ruchu, Xu Wanli at Qiao Anhao naman ay natayo sa may pintuan para masayang salubungin ang mga bisita.
Habang naglalakad si Han Ruchu, tinawag niya ang housekeeper para bulungan itong hanapin si Lu Jinnian.
Tumuntong na ang 7:50 pero hindi pa rin nagpapakita si Lu Jinnian. Naiinis na si Han Ruchu pero nananatili siyang nakangiti habang masayang binabati at inihahatid ang mga business investors ng Xu Family sa banquet hall. Dahan dahan siyang umalis para puntahan ang housekeeper na kakapasok lang sa pintuan ng mansyon. Agad niya itong tinanong, "Nasaan siya?"
Bago pa man makapagsalita ang housekeeper, naglakad si Lu Jinnian papasok ng bahay.
Tinignan lang ni Han Ruchu ang housekeeper at agad naman nitong naintindihan na ang ibig sabihin ay kailangan nitong asikasuhin ang mga bisita na nasa hall.
Dahan dahang lumapit ang nakasuot ng mataas na takong na si Han Ruchu kay Lu Jinnian. Hindi pa man din siya nakakagawa ng kahot anong ingay, biglang may dumating na dalawang bisita. Nginitian niya ang mga ito habang nakahawak sa braso ni Lu Jinnian. Abot tenga ang ngiti ni Han Ruchu habang binabati ang mga bisita, "Chief Zhao, Madame Zhao."
Tumingin si Han Ruchu kay Lu Jinnian at malumanay na sinabi, "Jiamu, maghello ka kina Chief Zhao ar Madame Zhao."
Pinilit itago ni Lu Jinnian ang kanyang cold at ilag na pagkatao. Hindi siya mahilig makipagusap pero mas maging kagaya siya ni Xu Jiamu, sumakay siya sa gusto ni Han Ruchu at nagalang na sinabi, "Uncle Zhao, Aunt Zhao, welcome."
Pagkatapos niyang sabihin ito, nag'hand gesture din siya para ituro sa mga bisita ang daan papunta sa hall.
Hinintay lang ni Han Ruchu na makapasok ang mga Zhao sa hall bago nito sundan si Lu Jinnian at hilain ang braso nito. Pero sinigurado niya pa din na sapat lang ang layo nila sa mga Zhao na nasa harap nila,
Noong napansin niyang wala ng nakatingin sa kanila, tumingin siya kay Lu Jinnian at nag'babalang sinabi, "Ngayon ang birthday ni Jiamu. Inuutusan kitang mag'focus at siguraduhin mong hindi ka gagawa ng kahit anong pagkakamali."
Habang sinabi ito ni Han Ruchu, may bisita nanamang lumapit sa kanila kaya napatigil siya sa kanyang sinasabi at masayang ngumiti. Pagkaalis ng bisita matapos niya itong batiin, muli nanaman niyang kinausap si Lu Jinnian ng may pagbabanta, "Walang sinuman ang humingi ng tulong sayo mula umpisa. Kusa kang pumayad dito. At isa pa, wag mong kakalimutan na buhay ka dahil kay Jiamu!"
Napakinggan ng malinaw ni Lu Jiinian ang lahat ng sinabi ni Han Ruchu pero pinanatili niyang kalmado ang kanyang mga mata na para bang hindi siya ang kausap nito. Tumingin siya kay Han Ruchu at ngumiti. Mukha talaga silang tunay na mag-inang sobrang nagmamahalan. Hinila ni Han Ruchu ang kanyang braso at naglakad papunta kay Qiao Anhao.
Tama si Han Ruchu. Hindi siya pinilit ng Xu family na gawan sila ng pabor.
Hindi nga sinabi nina Xu Wanli at Han Ruchu sakanya ang nangyari—ang housekeeper ng Xu family ang lumapit sakanya.
Walang inoffer na kahit ano sa kanya ang housekeeper, at hindi rin ito nagmakaawa. Ang tanging sinabi lang nito ay may problema ang Xu family, at kailangan ng mga ito na pagpanggapin siyang magpapakasal kay Qiao Anhao para malampasan ng mga ito ang problema.
Kahit na isang dosenang salita ang lahat-lahat na sinabi nito, dalawa lang sa mga ito binigyan niya ng atensyon: Qiao Anhao
Noon, matagal na panahong hindi sila nagkita ni Qiao Anhao. Hindi rin ito kakilala ng mga taong nakapaligid sakanya kaya paulit ulit lang ang dalawang salitang iyon sa kanyang isip. At nang bigla niyang marinig na may bumanggit ng pangalang nakaukit sa kanyang puso, sobrang nagulat siya. Medyo matagal bago siya nahimasmasan pero ang tinging tumatakbo sa kanyang isip ay""magpapanggap siya na asawa ni Qiao Anhao."
Malinaw sakanya na hindi siya gusto nina Xu Wanli at Han Ruchu pero matapos niyang manahimik ng ilang sandali, bandang huli ay pumayad din siyang gawin ito.
Pumayag siya ng hindi humihingi ng kapalit o gumagawa ng kahit anong kundisyon.
Hindi ito para kung kanino, kundi para lang sa dalawang salita – Qiao Anhao.
Kahit na kailangan niyang tiisin ang lahat ng poot at galit, balewala ang mga yun sakanya.
Walang ibang nakakaalam ng tungkol dito. Sobrang naging excited niya noon. Pakiramdam niya ay parang pinagkalooban siya ng langit ng isang napakagandang oportunidad; rason para muling makasama si Qiao Anhao.
-
"Jiamu!" mas naunang nakita ni Qiao Anxia si Lu Jinnian. Kumaway at ngumiti ito sakanya.
Mabilis na lumingon si Qiao Anhao na kasalukuyang nakatalikod kay Lu Jinnian. Naglakad siya papalapit kay Lu Jinnian. Ngumiti siya rito at tinawag, "Brother Jiamu."
Brother Jiamu…ang boses ng babaeng iyon ay malumanay at malambing, Ang dalawang salitang lumabas sa pagitan ng mga ngipin nito ay halatang punong puno ng emosyon.
Hindi siya tinatawag ng ganito ni Qiao Anhao. Madalas kasi ay parang lagi itong naiilang o masyadong magalang kapag tinatawag siyang 'Mr. Lu' nito. Pero kanina, sobrang napasaya siya nito noong dalawang beses nitong tinawag ang kanyang pangalan.
Pinilit ni Lu Jinnian na huwag ipahalata ang inggit na nararamdaman at tinignan niya si Qiao Anhao ng puno ng lambing. Hinila niya ito at niyakap ang malambot nitong bewang.
Kahit na nakasuot si Lu Jinnian ng parang kay Xu Jiamu, hindi pa rin nagbago ang kanyang amoy kaya noong niyakap ni Qiao Anhao ang kanyang bewang, biglang bumilis ang tibok ng puso nito nang naamoy nito ang amoy na siya lang ang mayroon. Bigla siyang nahiya at bakas ito sa kanyang mga mata.
Ang mga bagong kasal ay hindi nagpapigil ng kanilang pagmamahalan, kaya nagpanggap silang dalawa na sobrang sweet at affectionate sa isa't-isa.
Pwedeng magbago ang itsura ng isang tao, pero hindi ang kanilang boses, kaya sa tuwing lalapit si Lu Jinnian sa mga kakakilala nila ni Qiao Anhao, ginagawa niya ang lahat para hindi magsalita.
Sa paglipas ng oras, nakumbinsi ang lahat na dahil sa pinsalang naidulot kay Xu Jiamu ng car accident kaya biglang nagbago ang personalidad nito at kung bakit hindi rin ito masyadong nakikipagusap.
Dahil doon, ngumiti at tumungo lang si Lu Jinnian noong binati siya ni Qiao Anxia.
Pagkatapos ng car accident, walang problema kay Qiao Anxia ang tahimik na 'Xu Jiamu' kaya itinuro niya nalang si Chen Yang na nasa kanyang tabi para ipakilala, "JIamu, ito ang boyfriend ko, si Chen Yang."
Inilabas ni Chen Yang ang kamay nito para makipagkamay. "Hello."
As usual, hindi nagsalita si Lu Jinnian ng kahit ano at nakipagkamay lang kay Chen Yang.
Kinakabahan si Qiao Anhao na kapag mas tumagal pa ang paguusap ng mga ito, malaki ang posibilidad na mahuli sila ni Qiao Anxia kaya nagmadali siyang gumawa ng paraas para magpaalam. "Aalis muna kami ni Brother Jiamu para batiin ang iba pang mga bisita."
Hinantay lang ni Qiao Anhao na tumungo sina Qiao Anxia at Chen Yang at agad siyang kumapit kay Lu Jinnian at umalis.
-
Eksaktong alas otso ng gabi noong nagsimula ang birthday party ni Xu Jiamu. Kinakabahan din sila Xu Wanli at Han Ruchu na baka mahuli sila, kaya inumpisahan nila ang party sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga birthday wishes. Umakyat si Han Ruchu sa podium para magsalita.
Tumayo din si Lu Jinnian sa podium at hinintay na matapos magsalita si Han Ruchu. Itinaas niya ang basong hawak niya bilang senyas sa sabay-sabay na paginom ng lahat.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES