Gusto niyang sorpresahin si Lu Jinnian kaya ayaw niya muna itong papasukin ng bahay. Matapos niyang magligpit ng mga kalat, muli siyang tumayo sa harap ng salamin para ifinal check ang kanyang itsura bago siya magabang sa may pintuan dala ang kanyang bag para kay Lu Jinnian.
Halos fifteen minutes na siyang naghihintay bago niya makita ang sasakyan ni Lu Jinnian na kakaikot lang mula sa isang tawiran.
Dahil sa kanluran lumulubog ang araw, binalot ng isang matingkad na kulay pulang liwanag ang buong Mian Xiu Garden na may mga pader na kulay puti, kaya para bang nagmukhang utopia ang buong mansyon.
Habang nagdadrive si Lu Jinnian papasok, nakita niya si Qiao Anhao na nakatayo sa labas ng kanilang bakuran na may mga namumulaklak na multi-colored Japanese roses. Sa ilalim ng magandang liwanag mula sa paglubog ng araw at sa sa gitna ng mga magagandang bulaklak, nakita niya itong nakasuot ng kulay peach na dress, napaka puti ng balat nito at nakalugay ang itim na itim nitong buhok na hanggang bewang.
Sa sobrang ganda ng kanyang nakikita maari na itong maihalintulad sa isang fantasy.
Manghang mangha si Lu Jinnian kay Qiao Anhao na kumakaway sa kanya habang nakatayo sa gilid ng kalsada. Kinurap kurap niya ang kanyang mga mata para mahimasmasan siya at dali-dali niyang inapakan ang preno pero nalampasan niya pa rin ito ng halos tatlong metro.
Iaatras sana ni Lu Jinnian pero nakita niyang naglalakad na si Qiao Anhao na nakasuot ng mataas na takong. Yumuko ito para silipin siya sa bintana bago binuksan ang pintuan at pumasok sa sasakyan.
Bago sunduin ni Lu Jinnian si Qiao Anhao, nagayos muna siya para maging kamukha ni Xu Jiamu. Nakasuot siya ng navy at inayos niya din ang kanyang buhok ayon sa paboritong hairstyle ni Xu Jiamu. Dinagdagan niya rin ng mga pekeng peklat ang kanyang mukha at ginaya ang kilay nito para mas maging mukhang kapani-paniwala. Tunay ngang nagkaroon siya ng complete makeover.
Si Xu Jiamu ay isang young master na laki sa layaw, at nakikita nito si Lu Jinnian bilang isang cold at hindi mahilig makisalamuha na klase ng tao. Kahit na magkamukha sila, sobrang magkaibang tao sila pero marami pa ring nahihirapang kilalanin sila.
Kung hindi lang alam ni Qiao Anhao na nagpapanggap lang si Lu Jinnian bilang ang kanyang kababatang si Xu Jiamu, tiyak mahihirapan din siyang sabihin na ang 'Xu Jiamu' na nasa kanyang harapan ay isa lamang impostor.
Sa mansyon ng mga Xu gaganapin ang birthday party ni Xu Jiamu. Hindi naman ito kalauyan sa Mian Xiu Garden pero dahil medyo matraffic pa rin kahit tapos na ang work hours, inabot pa rin sila ng halos forty minutes bago makarating sa mansyon.
Alas otso pa ng gabi magsisimula ang birthday party at alas siyete palang kaya may isang oras pang natitira. Hindi pa rin dumartaing ang ibang bisita kaya wala pang tao sa malaking bakuran ng mansyon.
Iginarahe ni Lu Jinnian ang kanyang sasakyan sa isang bakanteng lote na nakita niya. Sabay silang bumaba at naglakad ni Qiao Anhao papunta sa pintuan. Bilang isang gentleman, siya ang pumindot ng doorbell at wala pang sampung segundo ay narinig na nila na may nagbubukas na ng pintuan. Pagbukas nito, nakatayo ang housekeeper ng Xu family na matagal ng nagsisilbi sa pamilya. Pinaninindigan nito na mula pa ito sa Han Family at nasa mansyon na siya mula pa noong nagpakasal si Han Ruchu sa pamilya.
Tumabi ang housekeeper para papasukin sina Qiao Anhao at Lu Jinnian at sumigaw, "Sir, Madam, nandito na si Miss Anhao."
Malinaw na parehong nakatayo sina Qiao Anhao at Lu Jinnian sa labas ng pintuan, pero si Qiao Anhao lang ang binanggit ng housekeeper.
Pagkarating nila sa entrance, masayang binati ni Han Ruchu si Qiao Anhao.
Nakasuot si Han Ruchu ng isang off-shoulders na dress, isang large ruby necklace at naganda rin ang pagkakaayos ng buhok nito. Tunay ngang mukha itong elegante at mayaman. Kagaya ng housekeeper, si Qiao Anhao lang din ang kinausap nito. "Qiao Qiao, nandito ka na pala?"
Hinawakan ni Han Ruchu ang kamay ni Qiao Anhao at iniyakap ito sa kanyang braso habang naglalakad papasok ng bahay. Simula noong umpisa, hindi niya pa tinitignan si Lu Jinnian na nakatayo lang sa tabi ni Qiao Anhao na para bang hangin lang ito.
Kumaway si Han Ruchu kay Qiao Anhao bilang sensyas na maupo ito at inutusan niya rin ang housekeeper na maghanda ng tsaa. Wala siyang intensyong tawagin si Lu Jinnian para paupuin ito kaya agad niyang ibinaling ang kanyang tingin kay Qiao Anhao na masaya niyang nginitian at nagaalala siyang nagtanong, "Qiao Qiao, kamusta ka naman nitong mga nakaraang araw? Nakakapagod bang magfilm?"
"Hindi naman po." Ngumiti si Qiao Anhao sa kanya at magalang na nagpasalamat.
"That's good. Kung napapagod ka, itigil mo na ang pagfifilm. Sabihin mo lang kung ayaw mo ng magtrabaho sa mga Qiao at pwede kong iarrange na sa Xu family ka nalang…" Sa kalagitnaan ng pagsasalita ni Han Ruchu, biglang dumating ang housekeeper na may dalang tray na mayroong tatlong tasa ng maiinit na tsaa.
Si Han Ruchu ang unang binigyan ng housekeeper ng mainit na tsaa at ang sunod na tasa naman ay iniabot nito kay Qiao Anhao samantalang naiwan naman sa lamesa ang pangatlong tasa na hindi man lang inalok kay Lu Jinnian na parang ang tasang ito ay pampalubag loob lamang.
Mahinhin na nagpasalamat si Qiao Anhao sa housekeeper bago siya sumagot sa sinabi sakanya ni Han Ruchu. "Masaya naman po ako sa pagfifilm kaya wag na po kayong magalala para sakin."
"Dahil gusto mo yan, ipagpatuloy mo yan kung masaya ka," nakangiting sabi ni Han Ruchu bago kunin ang tasang nasa harap niya.
Magalang na ngumiti si Qiao Anhao kay Han Ruchu. Sa gilid ng kanyang mga mata, nakikita niya si Lu Jinnian na nakatayo lang sa tapat ng isang floor-to-ceiling na bintana. Walang anumang reaksyon ang mukha nito habang nakadungaw sa bintana. Wala siyang ideya kung anonh iniisip nito.
Biglang kumunot ang mga kilay ni Qiao at naalala niya na simula noong pumasok sila sa mansyon hanggang ngayon, tanging siya lang ang pinagtutuunan ni Han Ruchu ng pansin. Halatang wala itong pakielam kay Lu Jinnian at kahit ang mga katulong ng bahay na iyon ay hindi manlang din nagabalang paupuin ito.
Wala pang ibang tao sa bahay kaya alam ng lahat ng nandoon na si Lu Jinnian ay magpapanggap bilang si Xu Jiamu. Dahil ayaw makisali ni Qiao Anhao sa mga ginagawa ng mga ito kaya direkta niyang tinawag ang pangalan nito, "Lu Jinnian?"
Narinig ni Lu Jinnian, na nakadungaw sa bintana, ang boses ni Qiao Anhao pero lumingon lang siya ng bahagya at saktong napatingin siya sa mga mata ni Qiao Anhao. Hindi siya nagsalita at naguguluhan siyang tinignan ito.
Kumaway si Qiao Anhao kay Lu Jinnian at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi nito. Mahinahon niyang sinabi, "Bakit ka nakatayo jan? Tara Upo?"
Nagulat si Han Ruchu na may hawak na tasa nang sandaling marinig niya ang sinabi ni Qiao Anhao. Bakas sa mga mata niya ang pandidiri at galit.
Pero agad siyang ngumiti at kalmadong humigop ng tsaa.
Sa kabila ng mga ipinakita ni Han Ruchu, malinaw na nagsalubong ang mga mata nila ni Lu Jinnian.
Noong bata palang si Lu Jinnian, parehong pareho ang itsurang ipinakita ni Han Ruchu noong unang beses niyang makita ito – galit at pandidiri.
After all these years, hindi ito nagbago.
Walang nagbago sa itusra ni Lu Jinnian na para bang sanay na siya rito, agad niyang iniwas ang kanyang tingin kay Han Ruchu at ibinaling ito sa itim na itim na mga mata ni Qiao Anhao. Ikinurap niya ang kanyang mga mata at mahinang sinabi, "Hindi na kailangan."
Hindi niya na hinintay pang magsalita ulit si Qiao Anhao at muling humarap sa bintana.
Nakangisi si Han Ruchu matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Lu Jinnian. Nagpatuloy siya sa paginom ng kanyang tsaa bago muling tumingin ng nakangiti kay Qiao Anhao upang ipagpatuloy ang pakikipagkwentuhan dito.
Dahil sa respeto at mabuting asal, patuloy na nakipagusap si Qiao Anhao kay Han Ruchu pero hindi niya maiwasan na maya't-mayang tignan si Lu Jinnian sa gilid ng kanyang mga mata.
Sobrang tahimik ni Lu Jinnian at sa sobrang tahimik niya'y pwede ng akalaing walang taong nakatayo sa tapat ng floor-to-ceiling na bintana kung hindi lang din niya maya't-mayang sinisilip si Qiao Anhao.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES