App herunterladen
28.77% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 280: My Birthday Present To You (20)

Kapitel 280: My Birthday Present To You (20)

Redakteur: LiberReverieGroup

Nanatiling kalmado si Lu Jinnian, pero pinipigilan niya ang kanyang kamao. Wala pa rin siyang kaemo-emosyon at wala rin siyang balak na magsalita.

"Lu Jinnian, alam kong gusto mo si Qiao Qiao at alam ko ring may namamagitan sainyo, pero asawa siya ni Jiamu. Siya ang lady boss ng Xu Enterprise at kahit kailan ay hindi pwedeng maging kayo!"

"Kung mahal mo talaga siya, tigilan mo na siya. Kung magtutuloy-tuloy yan, ikaw mismo ang sisira sa kanya!"

"At hindi lang si Qiao Qiao ang sisirain mo, kundi pati ang pamilya ng Qiao at ng mga Xu ay magkaaway din!"

"Bilang kanyang sister, hindi ko kayang makita siya na naglalakad sa apoy!"

"Isa pa, alam mong ikaw ang kabit, tama ba?"

Sobrang nainis si Lu Jinnian sa mga sinabi ni Qiao Anxia kaya biglang nanlisik ang kanyang mga mata. Tinignan niya ito ng masama bago maglakad palabas ng kwarto.

Nainis si Qiao Anxia dahil sa kabastusan ni Lu Jinnian, nanginginig sa galit ang kanyang buong katawan. Hindi niya napigilang hilain ang braso nito. "Alam mo gwapo ka, at kahit na may namamagitan sainyong dalawa ngayon, siguradong hindi yun yung tunay niyang nararamdaman. Siguro nalilito lang siya or infatuated. Huwag mong kakalimutan na sabay na lumaki sina Qiao Qiao at Jiamu kaya siguradong mas matatag sila kaysa sainyo…"

"Tapos ka na?" pagputol ni Lu Jinnian sa sinasabi ni Qiao Anxia. Pinipigilan niya ang kanyang kamao dahil baka bigla niya nalang itong masuntok. Nanatili siyang tahimik ng dalwa pang segundo at muling nagsalita ng mas kalmado, "Qiao Anxia, walang punto ang pagsabi mo ng mga ito sa akin. Isa pa…"

Huminto si Lu Jinnian, maging ang kanyang paghinga ay huminto rin. Matapos ang ilang sandali ay huminga muna siya ng malalim bago kalmadong ipinagpatuloy, "Matagal ng malinaw sa akin na hindi ako yung mahal niya."

Ibinuka ni Qiao Anxia ang kanyang bibig pero bago pa man din siya makapagsalita ay muli nanamang nagsalita si Lu Jinnian, "Kung tungkol ito sa pagsira ko sakanya at pagtulak sakanya sa apoy…"

Biglang nagbago ang kanyang tingin kay Qiao Anxia dahil natatawa siya sa ka'ignorantehan nito . Diretso at malinaw niyang sinabi, "Hayaang mong tapatin kita, kahit na sirain ko ang sarili ko o itulak ko ang sarili ko sa apoy, kahit kailan ay hindi ko siya sasaktan. Huwag kang magalala!"

Pahina ng pahina ang boses ni Lu Jinnian hanggang sa matapos siya sa kanyang sinasabi. Lumunok siya ng laway, bakas sa kanyang mukha ang lungkot habang muling nagpatuloy sa pagsasalita ng halos hindi na marinig, "Kusa ko siyang minahal, at hindi ako humihingi ng kapalit."

Bigla niyang tinanggal ang kamay ni Qiao Anxia na nakahawak sakanya at tuluyan ng naglakad ng mabilis palabas.

-

Light pero eleganteng make up lang ang inilagay ni Qiao Anhaoat pumili siya ng kulay peach na long dress at isang pares ng pums.

Gusto niyang sorpresahin si Lu Jinnian kaya ayaw niya muna itong papasukin ng bahay. Matapos niyang magligpit ng mga kalat, muli siyang tumayo sa harap ng salamin para ifinal check ang kanyang itsura bago siya magabang sa may pintuan dala ang kanyang bag para kay Lu Jinnian.


Kapitel 281: Did I Disappoint You?(1)

Redakteur: LiberReverieGroup

Gusto niyang sorpresahin si Lu Jinnian kaya ayaw niya muna itong papasukin ng bahay. Matapos niyang magligpit ng mga kalat, muli siyang tumayo sa harap ng salamin para ifinal check ang kanyang itsura bago siya magabang sa may pintuan dala ang kanyang bag para kay Lu Jinnian.

Halos fifteen minutes na siyang naghihintay bago niya makita ang sasakyan ni Lu Jinnian na kakaikot lang mula sa isang tawiran.

Dahil sa kanluran lumulubog ang araw, binalot ng isang matingkad na kulay pulang liwanag ang buong Mian Xiu Garden na may mga pader na kulay puti, kaya para bang nagmukhang utopia ang buong mansyon.

Habang nagdadrive si Lu Jinnian papasok, nakita niya si Qiao Anhao na nakatayo sa labas ng kanilang bakuran na may mga namumulaklak na multi-colored Japanese roses. Sa ilalim ng magandang liwanag mula sa paglubog ng araw at sa sa gitna ng mga magagandang bulaklak, nakita niya itong nakasuot ng kulay peach na dress, napaka puti ng balat nito at nakalugay ang itim na itim nitong buhok na hanggang bewang. 

Sa sobrang ganda ng kanyang nakikita maari na itong maihalintulad sa isang fantasy.

Manghang mangha si Lu Jinnian kay Qiao Anhao na kumakaway sa kanya habang nakatayo sa gilid ng kalsada. Kinurap kurap niya ang kanyang mga mata para mahimasmasan siya at dali-dali niyang inapakan ang preno pero nalampasan niya pa rin ito ng halos tatlong metro.

Iaatras sana ni Lu Jinnian pero nakita niyang naglalakad na si Qiao Anhao na nakasuot ng mataas na takong. Yumuko ito para silipin siya sa bintana bago binuksan ang pintuan at pumasok sa sasakyan.

Bago sunduin ni Lu Jinnian si Qiao Anhao, nagayos muna siya para maging kamukha ni Xu Jiamu. Nakasuot siya ng navy at inayos niya din ang kanyang buhok ayon sa paboritong hairstyle ni Xu Jiamu. Dinagdagan niya rin ng mga pekeng peklat ang kanyang mukha at ginaya ang kilay nito para mas maging mukhang kapani-paniwala. Tunay ngang nagkaroon siya ng complete makeover.

Si Xu Jiamu ay isang young master na laki sa layaw, at nakikita nito si Lu Jinnian bilang isang cold at hindi mahilig makisalamuha na klase ng tao. Kahit na magkamukha sila, sobrang magkaibang tao sila pero marami pa ring nahihirapang kilalanin sila.

Kung hindi lang alam ni Qiao Anhao na nagpapanggap lang si Lu Jinnian bilang ang kanyang kababatang si Xu Jiamu, tiyak mahihirapan din siyang sabihin na ang 'Xu Jiamu' na nasa kanyang harapan ay isa lamang impostor.

Sa mansyon ng mga Xu gaganapin ang birthday party ni Xu Jiamu. Hindi naman ito kalauyan sa Mian Xiu Garden pero dahil medyo matraffic pa rin kahit tapos na ang work hours, inabot pa rin sila ng halos forty minutes bago makarating sa mansyon.

Alas otso pa ng gabi magsisimula ang birthday party at alas siyete palang kaya may isang oras pang natitira. Hindi pa rin dumartaing ang ibang bisita kaya wala pang tao sa malaking bakuran ng mansyon.

Iginarahe ni Lu Jinnian ang kanyang sasakyan sa isang bakanteng lote na nakita niya. Sabay silang bumaba at naglakad ni Qiao Anhao papunta sa pintuan. Bilang isang gentleman, siya ang pumindot ng doorbell at wala pang sampung segundo ay narinig na nila na may nagbubukas na ng pintuan. Pagbukas nito, nakatayo ang housekeeper ng Xu family na matagal ng nagsisilbi sa pamilya. Pinaninindigan nito na mula pa ito sa Han Family at nasa mansyon na siya mula pa noong nagpakasal si Han Ruchu sa pamilya.

Tumabi ang housekeeper para papasukin sina Qiao Anhao at Lu Jinnian at sumigaw, "Sir, Madam, nandito na si Miss Anhao."

Malinaw na parehong nakatayo sina Qiao Anhao at Lu Jinnian sa labas ng pintuan, pero si Qiao Anhao lang ang binanggit ng housekeeper.

Pagkarating nila sa entrance, masayang binati ni Han Ruchu si Qiao Anhao.

Nakasuot si Han Ruchu ng isang off-shoulders na dress, isang large ruby necklace at naganda rin ang pagkakaayos ng buhok nito. Tunay ngang mukha itong elegante at mayaman. Kagaya ng housekeeper, si Qiao Anhao lang din ang kinausap nito. "Qiao Qiao, nandito ka na pala?"

Hinawakan ni Han Ruchu ang kamay ni Qiao Anhao at iniyakap ito sa kanyang braso habang naglalakad papasok ng bahay. Simula noong umpisa, hindi niya pa tinitignan si Lu Jinnian na nakatayo lang sa tabi ni Qiao Anhao na para bang hangin lang ito.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C280
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES