Tulog pa si Qiao Anhao nang magising si Lu Jinnian kinabukasan. Dahan-dahan siyang naghanda papasok ng trabaho para siguraduhing hindi ito maiistorbo.
Noong nasa may pintuan na siya, muli siyang sumilip kay Qiao Anhao at napansin niyang mahimbing pa rin ang tulog nito. Medyo matagal din siyang nakatitig dito bago maglakad pabalik sa kama. Habang pinagmamasdan niya ito, unti-unti siya yumuko para halikan ito sa ulo bago niya inayos ang kumot nito. Masaya siyang naglakad palabas ng kwarto.
Habang hinahanap niya ang susi ng sasakyan sa kanyang bulsa, naramdaman niya ang isang box na sinadya niya talagang dalhin noong umagang yun. Nang makaupo na siya sa loob ng kanyang sasakyan, napahinto muna siya bago tanggalin ang tie clip sa box nito. Tumingin siya sa rear mirror para ikabit ang clip at saka siya tuluyang nagdrive paalis.
Mag aalas onse na ng umaga noong nagising si Qiao Anhao pero dahil medyo late na siya nakatulog kagabi, parang inaantok pa rin siya. Iminulat niya ang kanyang mga mata bago umikot para yakapin ang kumot dahil sa gusto niya sanang matulog ulit. Pero halos kalahating minuto palang siyang nakapikit, bigla siyang napabangon dahil naalala niya ang kanyang mga plano.
Tinignan niya ang oras at nagmadaling naghanda ng kanyang sarili.
Nakapaghanda na si Madam Chen ng lunch noong bumaba si Qiao Anhao. Kumain ng mabilis siyang at agad na hinila si Madam Chen sa taas para tulungan siyang magpahangin ng mga lobo na ipangdedecorate niya sa kwarto.
Itinabi niya ang mga flower racks na nasa balcony at sa tulong ni Madam Chen ay inarrange nila ang mga kandilang kanyang binili.
Kahit na simpleng "Happy Birthday Lu Jinnian" lang ang ginawa nila, inabot pa rin sila ng dalawang oras bago matapos.
Pagkatapos idecorate ang kwarto, muli niyang tinignan ang buong paligid para iinspect ang mga dekorasyon. Nang makuntento na siya, muli niyang tinawag si Madam Chen para tulungan siyang ibaba ang mga baking supplies sa kusina.
Simula pagkabata ni Qiao Anhao, hindi talaga siya naglalagi sa kusina, kaya hindi pa rin talaga niya nararanasang magbake ng cake. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya na gagawin niya ito kaya sobrang challenging talaga nito para sakanya. Buti nalang, experienced si Madam Chen pagdating mga mga ganitong bagay kaya sa tulong nito, nakapagbake siya ng isang simpleng cheese cake.
Noong lumamig na ang cake, inumpisahan niyang lagyan ito ng buttercream habang inuutusan si Madam Chen na humiwa ng mga sariwang prutas na ilalagay niya dito. Ang pinaka huli niyang ginawa ay nagsulat siya ng halos hindi na mabasang 'Happy birthday' gamit ang pulang cream sa isang bakanteng space sa gitna.
Tinignan ng mabuti ni Qiao Anhao ang cake, hindi niya pa alam kung anong lasa nito pero pasado naman na sakanya ang itusara nito. Nang makuntento na siya sa kanyang ginawa, itinago niya ito sa freezer.
Nakangiti si Madam Chen habang nagliligpit. "Mrs. Lu, siguradong matutuwa si Mr. Lu sa surprise mo!"
Masayang ngumiti si Qiao Anhao habang tinitignan sa freezer ang cake na kanyang ginawa. Tumingin siya kay Madam Chen at sinabi, "Madam Chen, bakit hindi ka kaya muna magday'off ngayon? Pwede kang bumalik bukas ng hapon."
Agad na naintindihan ni Madam Chen ang gusto niyang sabihin. "Sige, sige! Paano ko ba makakalimutan yan! Kung birthday ni Mr. Lu, malamang ayaw niyong maistorbo. Aalis na ako kaagad pagkatapos kong magligpit."
Nahihiyang ngumiti si Qiao Anhao. "Salamat Madam Chen."
Ikinaway lang ni Madam Chen ang kanyang kamay habang mabilis na nagliligpit bago ito umalis.
Pagkaalis ni Madam Chen, narealize ni Qiao Anhao na malapit ng magumpisa ang dinner celebration ni Xu Jiamu kaya nagmadali siyang umakyat para magayos.
Sa gabing iyon, kailangang umattend ni Lu Jinnian sa celebration bilang si Xu Jiamu. Inayos ng kanyang assistang ang mga panggabi niyang schedule, at inilipat ang mga ito sa ibang araw. Simula noong pumasok siya sa office, hindi pa siya tumitigil sa pagtatrabaho kaya packed lunch lang ang nakain niya noong lunch.
Tuwing Friday laging may meeting sa Huan Ying Entertainment ng alas tres ng hapon pero ngayon araw, mas pina'aga ito ng isang oras.
Saktong alas tres natapos ang meeting at paglabas ni Lu Jinnian ng kanyang office, napadaan siya sa office ni Cheng Yang.
Dahil kailangang umattend ni Qiao Anxia ng dinner ni Xu Jiamu, dumaan muna siya sa Huan Ying Entertainment para sabay na silang pumunta ni Cheng Yang.
Nakabukas ang pintuan ng office ni Cheng Yang pero wala ito sa loob at tanging si Qiao Anxia lang ang nandoon na naiwang nagphophone. Noong may narinig siyang mga yabag ng paa na paparating, iniangat niya ang kanyang ulo at nakita na dumaan si Lu Jinnian.
Matapos ang halos dalawang hakbang, huminto si Lu Jinnian kaya ang assistant na sumusunod sa kanya ay napahinto rin. Hindi nito maintindihan kung bakit siya huminto kaya bigla itong nagtanong, "Mr. Lu?"
Medyo nandilim ang paningin si Lu Jinnian bago niya sabihin ng mahina, "Hintayin mo nalang ako sa office ko, may kailangan lang akong gawin."
"Opo," sagot ng kanyang assistant na mabilis na umalis.
Hinintay muna ni Lu Jinnian na makaalis ang kanyang assistant bago siya maglakad pabalik. Tumayo siya sa harap ng office ni Cheng Yang.
Natigilan si Qiao Anxia dahil hindi niya inexpect na babalik si Lu Jinnian. Ibinaba niya ang kanyang phone at tumingin kay Lu Jinnian nang hindi gumagalaw. Matapos ang limang segundo ay nagtanong siya, "Yes?"
Hindi sumagot si Lu Jinnian, kundi naglakad lang siya papasok ng office ni Cheng Yang. Noong halos isang metro nalang ang layo niya kay Qiao Anxia, huminto siya at kinuha ang voice recorder na nasa kanyang bulsa. Nang hindi manlang tinitignan si Qiao Anxia, walang anu-ano niyang hinigas ang voice recorder dito at mabilis siyang tumalikod para maglakas palabas.
Napatingin si Qiao Anxia sa voice recorder na kanyang hinagis at habang inaaboit ito ay bigla itong sumigaw, "Lu Jinnian."
Huminto si Lu Jinnian pero hindi siya tumingin.
Naglakad si Qiao Anxia papalapit sa kanya at inilapit ang hawak nitong voice recorder sa kanyang mukha. Nagtanong ito, "Narinig mo na ang laman nito, hindi ba?"
Nanatiling kalmado si Lu Jinnian at wala siyang planong sumagot.
Pero base sa kanyang expression, alam ni Qiao Anxia na napakinggan niya na ito. Ibig sabihin alam niya ng nagmamahalan sina Qiao Anhao at Xu Jiamu…
Noong oras din na yun, nakita ni Qiao Anxia ang tie clip na nasa neck tie ni Lu Jinnian.
Galing it okay Qiao Anhao!
Kahit nalaman na nito na mahal talaga ni Qiao Anxia si Xu Jiamu, hindi pa rin siya nagalit?
Tinanggap pa nito ang reaglo ni Qiao Anhao at inilagay niya pa ito sa kanyang neck tie…
Anong ibig sabihin nito? Hindi pa rin siya susuko kahit na alam niya ng nagmamahalan yung dalawa?
Biglang sumeryoso si Qiao Anxia. "Kung narinig mo na ang laman nito, dapat alam mong nagmamahalan talaga sina Qiao Qiao at Xu Jiamu."
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES