App herunterladen
28.46% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 277: My Birthday Present To You (17)

Kapitel 277: My Birthday Present To You (17)

Redakteur: LiberReverieGroup

Nasasaktan si Qiao Anhao para kay Lu Jinnian. Parang may bumara sa kanyang lalamunan na pinipigilan siyang magsalita.

Habang nakadungaw si Lu Jinnian, unti-unti siyang ngumiti, na para bang tinatawanan niya lang ang kanyang sitwasyon. Muli siyang nagsalita ng kalmado, "Pero ayos lang yun, nasanay na ako."

Nasanay na…

Sinabi lang yun ni Lu Jinnian para hindi na malungkot si Qiao Anhao. Wala siyang kaalam-alam na ang taong pinakamamahal niya, ang taong laging mayabang at ilag ay may napakalungkot pakang kwento na walang sinuman ang nakakaalam.

Ramdam ni Qiao Anhao na nagluluha na ang kanyang mga mata. Tumingin siya kay Lu Jinnian na nakadungaw sa bintana. Nagipon siya ng lakas ng loob at sinabi, "Kung noon walang may gustong magcelebrate kasama mo, pero ngayon nandito na 'ko…"

Hindi makagalaw si Lu Jinnian, hindi niya alam kung anong gagawin niya.

Kahit na mukha siyang kalmado, ang kanyang puso't isipan ay hindi magkaintindihan kung ano ba talaga ang dapat niyang gawin.

Pinilit ngumiti ni Qiao Anhao para mapigilan ang kanyang mga luha. "Kung ayos lang sayo, gusto ko sanang icelebrate ang birthday mo kasama ka simula ngayon."

Kung ayos lang sayo, gusto ko sanang icelebrate ang birthday mo kasama ka simula ngayon.

Kahit na alam ni Lu Jinnian na ang babaeng mahal niya ay hindi siya mahal at wala naman talagagang ibang ibig sabihin ang mga sinabi nito, hindi niya pa rin naiwasang maantig sa mga sinabi nito. Sobrang saya niya kahit hindi naman talaga dapat nakakaantig ang mga ito.

Pakiramdam ni Lu Jinnian ay parang may humarang sa kanyang lalamunan, at bago pa man makapag'react si Qiao Anhao, bigla niya itong hinila at niyakap.

Masyadong mabilis ang mga naging kilos ni Lu Jinnian kaya wala ng nagawa si Qiao Anhao. Noong nahimasmasan na siya, narealize niya nalang na nasa braso na siya nito, ang kanyang ulo ay nakasandal sa dibdib nito.

Iniangat niya ang kanyang ulo pero mabilis na itinaas ni Lu Jinnian ang isa nitong kamay para hindi siya makagalaw, at ang isa naman ay iniyakap nito sa kanyang bewang. Habang pahigpit ng pahigpit ang yakap nito sa kanya ay bigla itong nagsalita, "Wag ka munang gumalaw."

Habang nagsasalita, kinikiskis ni Lu Jinnian ang kanyang mukha sa malambot na buhok ni Qiao Anhao bago niya unti-unting ilapat ang kanyang mga labi sa ulo nito,nalalanghap niya ang kakaibang pabango nito. Pabulong siyang nagsalita, "Wag ka munang gumalaw, hayaan mo muna akong yakapin ka sadlit, kahit sadlit lang."

Nagumpisa ng magluha ang mga mata ni Lu Jinnian. Yumuko siya at mas lalo pang hinigpitan ang kanyang yakap kay Qiao Anhao na para bang gusto niyang magkadikit na talaga sila ng tuluyan.

Kahit sino pa ang mahal mo, please hayaan mo muna akong yakapin ka ngayon, sa aking birthday. Konting oras lang ang hinihingi ko. Hayaan mo muna akong maramdaman ang init na hindi ko pa naramdaman noon, hayaan mo munang maramdaman ko na hindi ako masyadong malungkot.

Hindi naman talaga ako cold at walang emosyon na gaya ng iniisip mo sakin, pero kailangan ko lang itong gawin para hindi ako magmukhang kaawa-awa.

Hindi na gumalaw si Qiao Anhao, tahimik lang siyang nakatayo habang hinahayaan si Lu Jinnian na yakapin siya. Matapos ang ilang sandali, itinaas niya ang kanyang kamay para yakapin din ito.

Sa labas, ang kalangitan ay madilim, samantalang sa loob naman ay hindi sila naguusap at nanatili lamang sa yakap ng bawat isa.

Buong kaluluwa nilang minamahal ang bawat isa, pero nakalimutan nilang sabihin ang mga salitang, "I love you."

Lumipas ang gabi ng mapayapa at maraming oras ang lumipas bago sila magbitaw.

Ang gabing iyon, hindi gaya ng mga nakaraang gabi, walang nangyari sa kanila.


Kapitel 278: My Birthday Present To You (18)

Redakteur: LiberReverieGroup

Tulog pa si Qiao Anhao nang magising si Lu Jinnian kinabukasan. Dahan-dahan siyang naghanda papasok ng trabaho para siguraduhing hindi ito maiistorbo.

Noong nasa may pintuan na siya, muli siyang sumilip kay Qiao Anhao at napansin niyang mahimbing pa rin ang tulog nito. Medyo matagal din siyang nakatitig dito bago maglakad pabalik sa kama. Habang pinagmamasdan niya ito, unti-unti siya yumuko para halikan ito sa ulo bago niya inayos ang kumot nito. Masaya siyang naglakad palabas ng kwarto.

Habang hinahanap niya ang susi ng sasakyan sa kanyang bulsa, naramdaman niya ang isang box na sinadya niya talagang dalhin noong umagang yun. Nang makaupo na siya sa loob ng kanyang sasakyan, napahinto muna siya bago tanggalin ang tie clip sa box nito. Tumingin siya sa rear mirror para ikabit ang clip at saka siya tuluyang nagdrive paalis.

Mag aalas onse na ng umaga noong nagising si Qiao Anhao pero dahil medyo late na siya nakatulog kagabi, parang inaantok pa rin siya. Iminulat niya ang kanyang mga mata bago umikot para yakapin ang kumot dahil sa gusto niya sanang matulog ulit. Pero halos kalahating minuto palang siyang nakapikit, bigla siyang napabangon dahil naalala niya ang kanyang mga plano.

Tinignan niya ang oras at nagmadaling naghanda ng kanyang sarili.

Nakapaghanda na si Madam Chen ng lunch noong bumaba si Qiao Anhao. Kumain ng mabilis siyang at agad na hinila si Madam Chen sa taas para tulungan siyang magpahangin ng mga lobo na ipangdedecorate niya sa kwarto.

Itinabi niya ang mga flower racks na nasa balcony at sa tulong ni Madam Chen ay inarrange nila ang mga kandilang kanyang binili.

Kahit na simpleng "Happy Birthday Lu Jinnian" lang ang ginawa nila, inabot pa rin sila ng dalawang oras bago matapos.

Pagkatapos idecorate ang kwarto, muli niyang tinignan ang buong paligid para iinspect ang mga dekorasyon. Nang makuntento na siya, muli niyang tinawag si Madam Chen para tulungan siyang ibaba ang mga baking supplies sa kusina.

Simula pagkabata ni Qiao Anhao, hindi talaga siya naglalagi sa kusina, kaya hindi pa rin talaga niya nararanasang magbake ng cake. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya na gagawin niya ito kaya sobrang challenging talaga nito para sakanya. Buti nalang, experienced si Madam Chen pagdating mga mga ganitong bagay kaya sa tulong nito, nakapagbake siya ng isang simpleng cheese cake.

Noong lumamig na ang cake, inumpisahan niyang lagyan ito ng buttercream habang inuutusan si Madam Chen na humiwa ng mga sariwang prutas na ilalagay niya dito. Ang pinaka huli niyang ginawa ay nagsulat siya ng halos hindi na mabasang 'Happy birthday' gamit ang pulang cream sa isang bakanteng space sa gitna.

Tinignan ng mabuti ni Qiao Anhao ang cake, hindi niya pa alam kung anong lasa nito pero pasado naman na sakanya ang itusara nito. Nang makuntento na siya sa kanyang ginawa, itinago niya ito sa freezer.

Nakangiti si Madam Chen habang nagliligpit. "Mrs. Lu, siguradong matutuwa si Mr. Lu sa surprise mo!"

Masayang ngumiti si Qiao Anhao habang tinitignan sa freezer ang cake na kanyang ginawa. Tumingin siya kay Madam Chen at sinabi, "Madam Chen, bakit hindi ka kaya muna magday'off ngayon? Pwede kang bumalik bukas ng hapon."

Agad na naintindihan ni Madam Chen ang gusto niyang sabihin. "Sige, sige! Paano ko ba makakalimutan yan! Kung birthday ni Mr. Lu, malamang ayaw niyong maistorbo. Aalis na ako kaagad pagkatapos kong magligpit."

Nahihiyang ngumiti si Qiao Anhao. "Salamat Madam Chen."

Ikinaway lang ni Madam Chen ang kanyang kamay habang mabilis na nagliligpit bago ito umalis.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C277
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES