Lahat naman siguro ng mga magulang ay walang ibang gusto kundi mapabuti ang mga anak nito. Sinubukang gumawa ni Qiao Anxia ng paraan para makumbinsi ang kanyang mga magulang pero hindi siya nagtagumpay. Kinailangan niyang makipaghiwalay sakanyang TV host boyfriend na nasa Shanghai.
Kaibigan lang talaga ang tingin ni Qiao Anxia kay Xu Jiamu. Kahit kailan ay wala siyang naramdaman para rito pero hindi niya naman ito pwedeng ipaglaban sa kanyang mga magulang. Natatakot siyang pwersadong ipakasal kay Xu Jiamu.
Sobrang namroblema si Qiao Anxia ng dahil dito. Naisip niya pa ngang magaral nalang abroad at huwag munang bumalik ng sampung taon para lang maiwasan ang arranged marriage. Pero bago pa man makumpleto ang kanyang plano, hindi niya sinasadyang makakinig sa isang usapan.
Isa itong tanghali noong naguumpisa palang ang summer. Naalala niya ito ng maigi. Hindi inaasahang maganda ang panahon noong araw na iyon, kulay asul ang kalangitan, puting puti ang mga ulap, at presko ang hangin.
Noong araw din na yon, nililinis ng isang katulog ang kanyang kwarto at kailangang kailangan niya na talagang gumamit ng CR kaya ginamit niya muna ang CR na nasa kwarto ni Qiao Anhao. May nagpapatugtog ng isang kantang sobrang sikat na nagkataong sobrang paborito niya rin. Habang nasa inidoro, kinuha niya ang kanyang phone para irecord ang kanta nang sakto niya ring narinig ang boses ni Qiao Anhao na nanggaling sa kabilang side ng pintuan.
"Brother Jiamu, kailangan ko ang tulong mo, pero kailangan mong ipangako sa akin na sikreto lang natin ito."
Natural talagang maintriga ang mga tao. Noong narinig niya na sinabi ito ni Qiao Anho, bigla niyang nakalimutan ang kanyang gagawin. Tumayo siya sa ibabaw ng inidoro at unti-unting inilapit ang kanyang tenga sa pintuan ng CR para makiusisa. Sa narinig niya kina Qiao Anhao at Xu Jiamu, nalaman niyang nagpapacheck si Qiao Anhao ng love letter nito kay Xu Jiamu.
Maayos ang pagkakasulat ng bawat content ng love letter ni Qiao Anhao. Ang bawat pangungusap ay naguumapaw sa emosyon, at ang bawat salita ay punong-puno ng pagmamahal.
Si Xu Jiamu, ang young master, ay siguradong seryoso. Tahimik siyang nakinig habang nagbabasa si Qiao Anhao. At nang matapos na ito, binigyan niya ito ng ilang seryosong suggestions.
Tinanggap naman ni Qiao Anhao ang mga suggestions ni Lu Jinnian at masaya siyang nagpasalamat dito. Inulit niya rin kanyang ang pangako bilang kapalit ng pachecheck nito ng kanyang love letter kaya hindi nagtagal ay lumabas sila ng kwarto para mailibre niya ito ng ice cream.
Nahimasmasan lang si Qiao Anxia nang tumahimik na sa labas. Habang iniisip kung sino ang taong nagugustuhan ni Qiao Anhao, dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng CR at bumalik sakanyang kwarto. Nang magdesisyon siyang wag nalang itong isipin, narealize niya na record pala ng kanyang phone ang buong pangyayari. Buburahin niya na sana ang recording nang may biglang pumasok sakanyang isip. Medyo nagalangan siya noong una pero bandang huli napagdesisyunan niya ding i'save nalang ang recording. Nireplay niya ito at habang pinapakinggan ang paguusap nina Qiao Anhao at Xu Jiamu, may isang bagay na pumasok sa kanyang isip.
Tumakbo siya papunta sakanyang lamesa, binuksan ang kanyang computer at inilipat ang recording. May mga pinutol siyang parte at ang tanging iniwan lang ay ang mga parteng magmumukhang may namamagitan kina Qiao Anhao at Xu Jiamu. Naglagay siya ng kopya nito sa kanyang recording pen na binili mg kanyang mga magulang noong nakaraang taon at nagpunta sa bahay ng mga Xu.
Alam niya na lumabas sina Xu Jiamu at Qiao Anhao para kumain ng ice cream pero nagkunwari pa rin siyang pumunta para kay Xu Jiamu. Bandang huli, noong nalaman niyang wala ito, tinanong niya nalang si Han Ruchu kung gusto ba nitong mapakinggan ang pinaka bagong kanta na narecord niya.
Natural, pumayag si Han Ruchu pero nang pindutin ni Qiao Anxia ang play button ng recording pen, hindi kanta ang nag'play kundi ang recording na inedit niya,
Natural, pumayag si Han Ruchu pero nang pindutin ni Qiao Anxia ang play button ng recording pen, hindi kanta ang nag'play kundi ang recording na inedit niya.
Umarte si Qiao Anxia na kunwari ay bigla siyang kinabahan at pinatay niya ang recording pen. Pero dahil may narinig ng ilang parte si Han Ruchu, nakiusap itong tapusin na ang recording.
Nagpanggap siyang mukhang kinakabahan habang nakaupo sa tabi ni Han Ruchu. Pagkatapos mag'play ng recording pen, maingat niyang sinabi rito, "Aunt Xu, kahit anong manyari, wag na wag niyo pong ipapaalam kina Jiamu at Qiao Qiao na alam mo na ang tungkol sa pagmamahalan nila. Sinabi kasi nila sa akin na isikreto lang ito."
-
Habang iniisip niya ang lahat ng nangyari, ibinaba niya ang bote ng RIO na kanyang hawak.
Walang sinuman ang maaring makapigil sa isang arranged marriage na matagal ng napagplanuhan dahil kasal lang ang pinaka mainam na paraan para pagisahin ang dalawang pamilya. Para protektahan ang kanyang sarili, ang pwede niya lang gawin ay ang agawin kay Qiao Anhao ang panghabang buhay nitong kaligayahan.
Alam niya na ang pinakamamahal na anak ni Han Ruchu ang nagsisilbing buong buhay nito kaya sinadya niya talagang malaman ito nito para maniwala ito na mahal talaga ni Xu Jiamu si Qiao Anhao.
Matapos ang halos dalawang linggo, aksidente niyang narinig na naguusap ang sarili niyang mga magulang at nalaman niya na ang gustong maging daughter-in law ni Han Ruchu ay walang iba kundi si Qiao Anhao.
Ganon lang kadali at natupad ang kanyang hiling.
Pero simula rin noong natupad ang kanyang kahilingan, yun din ang naging simula ng pagbagabag sakanya ng kanyang konsensya. Madalas niyang napapanaginipan ang mga mata ni Qiao Anhao na punong-puno ng galit, kung paano makakabawi sa kanyang mga pagkakamali, at kung paano luluwag ang kanyang damdamin. Simula noon, ginawa niya ang lahat para maging mabait kay Qiao Anhao kaya pagkatapos niyang malaman noong isang araw na may namamagitan kina Qiao Anhao at Lu Jinnian habang kasal ito kay Xu Jiamu, tahimik niyang iniwan ang recording pen, na lagi niyang dala, sa sasakyan ni Lu Jinnian.
Simple lang ang rason kung bakit niya ito nagawa. Ito ay para malaman ni Lu Jinnian na talagang nagmamahalan sina Qiao Anhao at Xu Jiamu at kailangan niyang isuko si Qiao Anhao kahit gaano niya pa ito kamahal.
Hindi na kayang makita ni Qiao Anxia na pinagtataksilan nina Qiao Anho at Lu Jinnian si Xu Jiamu. Pag dumating ang araw na lumabas ito, ang tanging taong magmumukhang masama at sisisihin ng lahat ay walang iba kundi si Qiao Anhao!
Limang taon na ang nakakalipas mula noong gumawa si Qiao Anxia ng isang napaka samang bagay. Nagkamali na siya ng isang beses kay Qiao Anhao.
Ngayon, kailangan niyang gawin ang lahat para protektahan ito at huwag ng hayaang maghirap ito muli.
-
Nakatayo si Qiao Anhao sa tapat ng pintuan ng study room habang hawak ang susi sa isa niyang kamay at ang kulay asul na gift box naman sa isa. Huminga siya ng malalim.
Marami na siyang nabigyan ng regalo noon, pero ito ang pinaka nakakakaba sa lahat!
Itinaas ni Qiao Anhao ang kanyang kamay para kumtok pero hindi na siya naghintay pa ng sagot ni Lu Jinnian at binuksan na ang pintuan gamit ang susing hawak niya. Inikot niya ang handle at dahan-dahang binuksan ang pintuan.
Sinalubong siya ng amoy na nanggaling sa sigarilyo ni Lu Jinnian. Napaubo siya dahil sa usok. Buti nalang, natakpan niya kaagad ang kanyang bibig. Ipinasok niya ang kanyang ulo para sumilip. Naluluha ang kanyang mga mata habang tinitignan ang paligid hanggang sa nakita niya si Lu Jinnian na nakatalikod sa pintuan habang nakadungaw sa bintana.
Sobrang diretso ang tindig nito at nagkalat ang mga upos ng sigarilyo na may iba't-ibang laki. Gaano na ba ito katagal na nagsisigarilyo at sobrang dami naman ata nitong naibos?
Napakunot si Qiao Anhao ng kanyang mga kilay ,nagipon muna siya ng lakas ng loob bago siya pumasok ng kwarto. Maingat niyang isinarado ang pintuan at dahan-dahang naglakad papunta kay Lu Jinnian.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES