Nakababa ang mga bintana ni Lu Jinnian at nang makarating si Qiao Anhao sa sasakyan, masaya itong ngumiti at malambing na nagtanong, "Nakauwi na pala?"
Hindi sumagot si Lu Jinnian, lumingon lang siya ng mabilis kay Qiao Anhao at muling ibinalik ang kanyang tingin sa harap. Kalmado ang kanyang itsura at walang bakas ng kahit anong emosyon, halatang cold at ilang ang kanyang vibe.
Dahil naramdaman ni Qiao Anhao na hindi maganda ang mood kanyang mood, itinago nito ang ngiti nito at nagaalalang nagtanong, "Anong problema?"
Pagkarinig ni Lu Jinnian ng boses ni Qiao Anhao, tinignan niya lang ito sa rearview mirror habang nanggigil ang kanyang mga kamay na nakahawak sa manibela. Muli niya itong tinignan. Bigla niyang binunot ang kanyang susi at bumaba ng sasakyan.
Mabilis na naglakad papasok ng bahay si Lu Jinnian nang hindi man lang tinignan si Qiao Anhao.
Nagmamadali si Qiao Anhao na sundan siya. Nagtatanggal na siya ng kanyang jacket at nakapagpalit na rin ng slippers noong sandaling nakapasok ito ng bahay.
Bumagal ang lakad ni Qiao Anhao at tuluyang huminto noong halos kalahating metro nalang ang kanyang layo kay Lu Jinnian. Nagtanong siya ng mahina, "Kumain ka na ba ng dinner? May gusto ka bang kainin?"
Hindi siya pinansin ni Lu Jinnian at nagpatuloy lang ito sa paghuhubad ng jacket na bigla nitong inihagis sa sofa.
Dinampot ni Qiao Anhao ang kanyang phone na nasa sofa bago niya muling sundan si Lu Jinnian. Nang nasa pintuan na siya ng kanilang kwarto ay muli niya itong tinanong, "Gusto mo bang maligo muna? Makakatulong yun para medyo makapagrelax ka pagkatapos ng mahabang araw."
Pero hindi pa rin siya pinansin ni Lu Jinnian at bigla itong lumabas ng kwarto.
Tinapik ni Qiao Anhao ang kanyang pisngi dahil hindi niya maintindihan ang nangyayari bago niya muling sundan ito. "Late na, hindi ka pa ba magpapahinga?"
Binuksan ni Lu Jinnian ang pintuan ang study room at pumasok dito na para bang hindi siya narinig nito. Bago pa man siya makapagract ay bigla nitong binalibag ang pintuan para hindi siya makapasok.
Nakatingin lang si Qiao Anhao sa nakasarang pintuan. Sinubukan niyang ikutin ang hawakan at narealize niya na nakalock ito.
Nagbago ang kanyang itsura dahil hindi niya naiintindihan kung anong nangyayari. Bakit naman kaya ito bad mood?
Medyo matagal ding nakatayo si Qiao Anhao sa labas ng study room bago siya muling naglakad papasok ng kanilang kwarto. Kagat-kagat niya ang kanyang daliri habang iniisip kung anong dapat niyang gawin. Bigla niyang naalala ang walang kaemo-emosyong pagsabi ni Lu Jinnian sa assistant nito na wala namang punto ang pagcecelebrate nito ng birthday.
Malinaw niyang naalala ang lungkot at lumbay sa mukha nito habang sinasabi niya yun.
Ngayon ang birthday ni Lu Jinnian, bakit naman sobrang moody nito?
Tumakbo si Qiao Anhao sa gilid ng kanilang kama, hinila niya ang cupboard at inilabas ang kulay asul na gift box.
Gusto sana niyang ibigay it okay Lu Jinnian pagkatapos niyang ihanda ang lahat, pero ngayon, bigla nalang itong nagkulong sa study room…
Nakakagat labi si Qiao Anhao habang tumatayo. Pumunta siya kay Madam Chen para hingin ang back up keys at agad din siyang umakyat.
-
"Qiao Qiao, Qiao Qiao, Qiao Qiao!"
Tatlong beses na sumigaw si Qiao Anxia bago siya biglang mapabangon sa kama.
"Xia Xia, anong nangyari?" Biglang nagising si Cheng Yang na natutulog sa tabi ni Qiao Anxia. Naalimpungatan itong bumangon at nagaalalang nagtanong sakanya.
Tumingin si Qiao Anxia kay Cheng Yang at narealize na nanaginip lang pala siya. Bigla siyang nakampante at niyakap si Cheng Yang. Habang nakadikit ang kanyang mukha sa dibdib nito ay mahina niyang sinabi, "Wala, masamang panaginip lang."
Niyakap din ni Cheng Yang si Qiao Anxia at nang pareho na silang komportable sa kanilang posisyon ay hinimas ni Cheng Yang ang kanyang likod. "Matulog ka na. Wag ka ng matakot, nandito lang ako."
Hindi sumagot si Qiao Anxia pero mas hinigpitan niya ang kanyang yakap kay Cheng Yang.
Binalot ng katahimikan ang buong paligid. Nararamdaman ni Qiao Anxia na unti-unting gumaan ang paghimas ni Cheng Yang hanggang sa tuluyan na itong huminto. Unti-unti na ring bumagal at humaba ang pagitan ng mga paghinga nito. Alam niya na nakatulog na ito pero hindi pa siya inaantok kahit konti.
Binuksan niya ang kanyang mga mata at tinignan si Cheng Yang habang nakapikit ang mga mata nito at natutulog ng mahimbing. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay nito sa kanyang likuran , hinawi ang kumot, bumangon sa kama at lumabas ng kwarto.
Sa kusina siya unang pumunta para kumuha ng malamig na bote ng RIO. Pagkabukas niya nito, uminom siya ng konti at naglakad papunta sa balcony. Habang nakatingin sa city lights, iniisip niya ang kanyang panaginip.
Sa kanyang panaginip, nalaman ni Qiao Anhao na may ginawa siyang masama. Dinuro-duro siya nito at sinisisi siya na sinira niya ang kaligayahan nito. Nakita niya rin sa kanyang panaginip na iyak lang ng iyak si Qiao Anhao habang sinasabi nito na itinuring pa naman siya nitong world's best older sister, kaya paano niya raw ito nagaya?
Ang paninisi at ang galit na yun, totoo ang mga yun.
Humigpit ang hawak ni Qiao Anxia sa bote ng RIO na medyo nagpakalma sakanya dahil sa lamig nito.
Magkakasama sila nina Qiao Anhao at Xu Jiamu simula palang noong mga bata sila. Hindi sila mapaghihiwalay at maayos din ang relasyon nila sa bawat isa, ang sikreto ng isa ay alam ng lahat. Pero ang bagay na ito ay siguradong hindi alam ni Qiao Anhao, at ganun din ni Xu Jiamu.
Bago pa man din siya magtapos, mayaman na talaga ang kanyang buhay na kinaiinggitan ng lahat. Marami siyang gwapong nakadate. Sa lahat ng kanyang mga naging boyfriends, may iba na na mapusok at exciting siya pero mayroon din namang iba na malungkot at wala siyang gana, pero hindi naman ibig sabihin na wala siyang naramdaman sa mga ito.
Noong nasa fourth year na siya at malapit ng grumaduate, nakipagdate siya sa isang Shanghai TV host. Ito ay matangkad, gwapo, at ang boses nito ay tunay na kaakit akit. Pero, ang nag-iisang tao na talagang minahal niya ay walang iba kundi ang mayabang at masyadong mataas… na si Lu Jinnian.
Hindi siya nagbago. Kahit ayaw naman niya sana, tinanggap niya nalang na wala talaga siyang pag-asa rito. Noong una, simple lang naman ang gusto niya. Gusto niya lang itong maka'date para manlang alam niya kung ano ang pakiramdam pag kasama ito.
Ano nga ba ang nangyari…All in all, may naramdaman talaga siya para kay Lu Jinnian. Naglakas loob din siyang sabihin na gusto niyang pakasalan ito pero noong ipinarating niya ito sa kanyang mga magulang , sobrang tumutol ang mga ito at sinabi sakanya ang isang bagay na hindi niya alam…na kailangan niyang pakasalan si Xu Jiamu.
Doon niya unang nalaman ang tungkol sa arranged marriage ng mga Qiao at mga Xu.
Malawak ang business ng Xu family at si Xu Jiamu lang ang nagiisa nilang anak na lalaki. Tunay ngang mahirap makanap ng ganung klaseng tao.
Kahit na mabuti ang trato ng mga magulang ni Qiao Anxia kay Qiao Anhao, hindi talaga maiwasan ng mga ito na itabi ang malalaking opportunities para sa sariling anak.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES