"Pero Mr. Lu, nakita ito ng cleaning staff sa likod ng sasakyan mo."
Ang may-ari ng voice recorder ay isa lang kina Qiao Anhao o Qiao Anxia… Nagbago ang itsura ni Lu Jinnian at napahinto. Kinuha niya ang voice recorder bago pumasok ng elevator.
Pagkabalik niya ng Huan Ying Entertainment, inumpisahan niyang trabahuin kaagad ang mga urgent documents na naipon sa kanyang lamesa at alas kwatro imedya na noong natapos siya.
Iniangat niya ang kanyang ulo at minasage ito bago niya isandak ang kanyang likod sa upuan. Tahimik siyang nakaupo at nagpahinga ng halos limang minuto bago niya muling buksan ang kanyang laptop. Napansin niya ang voice recorder na inilapag niya sakanyang lamesa.
Tinignan niya ang voice recorder at medyo nagalangan siya noong una bago niya kunin ito.
Mukhang hindi pa masyadong gamit ang voice recorder at parang kakabili lang nito.
Mahigpit ang kapit ni Lu Jinnian sa voice recorder habang paikot-ikot niyang nilalaro ang kanyang hinlalaki rito. Wala siyang ideya kung kanino ito kaya bigla siyang naintriga. Kahit alam niyang kailangan niyang maibalik ang voice recorder, hindi niya kayang pigilan ang kanyang sarili na pindutin ang play button.
Sa unang part ng voice record, parang mayroong bumubulong at matapos ang halos sampung segundo ay biglang malinaw na boses ang nagsalita. Nakarinig si Lu Jinnian ng isang pamilyar na boses na tinatawag ang isang pamilyar na pangalan. "Qiao Qiao, anong sinabi mo?"
Boses ito ni Xu Jiamu, malalim at nakakaantig ito, tunay na masarap sa tenga.
Hindi niya narinig na sumagot si Qiao Anhao pero parang may bumubulong. Hindi nagtagal ay biglang nagsalita si Xu Jiamu na parang atat na atat, "Qiao Qiao, bilisan mo at sabihin mo na sa akin ang sasabihin mo. Bakit kailangan mo pang isara ang pintuan?"
"Wow, binibigyan mo ako ng tubig?"
"Jiamu, pwede ka bang maging seryoso. May importante akong sasabihin sayo." Sa wakas at narinig na ni Lu Jinnian ang boses ni Qiao Anhao.
"Sige sige, magseseryoso ako." Masunuring sagot ni Xu Jiamu at umubo muna ito bago muling nagsalita, "Seryoso na ako ngayon, pwede mong sabihin ang kahit anong gusto mong sabihin, I'm all ears."
Biglang tumahimik ng ilang sandali bago niya muling narinig ang mahinahong boses ni Qiao Anhao, "Ang lahat ng tao sa mundong ito ay nageexist para hanapin ang kanilang kabiyak, sa tingin ko nakita ko na ang para sa akin, at ikaw yun.
Natigilan at napatulala si Lu Jinnian sa voice recorder.
Hindi sumagot si Xu Jiamu at puro si Qiao Anhao lang ang nagsasalita.
"Wala akong ibang hinihiling, ang gusto ko lang ay ang makasama ka.
Hindi rin ako magaling sa mga salita, pero ang gusto ko lang sanang sabihin ay kahit na sa susunod na fifty years ay kaya pa rin kitang mahalin kagaya ng pagmamahal ko sayo ngayon.
"Sa mga natitirang araw ng buhay ko, wala na akong mamahalin pang iba ng katulad ng pagmamahal ko sayo.
"Wala kang ideya kung gaano kahirap para sa akin ang lapitan ka mula noong unang araw na nagkita tayo.
"Marami akong pangarap, pero ang lahat ng iyon ay ikaw. Marami akong kahilingan, pero ang lahat ng iyon ay ang makapiling ka. Marami akong gusto, pero ang lahat ng iyon ay ang mahalin mo ako."
"Para sa mundong ito, marahil ay isa ka lang simpleng tao. Pero sa akin, ikaw ang buong mundo.
"In my whole life, I will love you the most.
Medyo matagal bago sumagot si Xu Jiamu, "Qiao Qiao…"
Pagkatapos nitong tawagin ang pangalan ni Qiao Anhao ay biglang naputol ang recording pero ilang sandali lang ay muli nanamang nagsalita si Xu Jiamu na halatang sobrang seryoso, "In my whole life, I will only love you."
Tuluyan ng naputol ang recording at wala ng sumunod pa.
Nabalot ng katahimikan ang buong office at hindi makagalaw si Lu Jinnian habang hawak-hawak ang voice recorder.
Mukha siyang kalmado at wala ring bakas ng kahit anong galit o kaligayahan habang nakatitig sa voice recorder.
Para siyang nanigas.
Hindi gumalaw si Lu Jinnian mula sa posisyong iyon hanggang sa may biglang kumatok sa pintuan. Dahan dahan niyang itinaas ang kanyang ulo at tumingin sa nakasaradong pinto, sinubukan niyang ibuka ang kanyang bibig pero walang lumalabas na kahit ano mula rito. Nilawayan niya ang kayang tuyong mga labi habang pahigpit ng pahigpit ang kanyang hawak sa coice recorder. Huminga siya ng malalim para kumalma bago sinabi, "Come in."
Binuksan ng kanyang assistant ang pinto pero hindi ito pumasok. Nakatayo lang ito at magalang na pinaalalahanan si Lu Jinnian, "Mr. Lu, 7 pm na, gusto mo na bang umuwi?"
Yumuko si Lu Jinnian at medyo matagal bago siya sumagot, "Pwede ka ng umuwi, ako nalang ang magdadrive para sa sarili ko mamaya."
"Sure," sagot ng kanyang assistant bago umatras ng dalawang hakbang para dahan-dahang isara ang pinto.
Muli nanamang nabalot ng katahimikan ang office ni Lu Jinnian. Humarap siya sa bintana at narealize na madilim na pala. Nabalot na ang buong siyudad ng maliliit na ilaw.
Kumuha siya ng isang kaha ng sigarilyo gaya ng kanyang nakasanayan. Tumayo siya para magsindi ng isang stick at tahimik siya nanigarilyo.
Matagal niya na itong alam… pero ang marinig niya ito gamit ang sarili niyang tenga…Biglang nabalot ang kanyang puso ng sobrang sakit na para bang may sumasaksak rito.
In my whole life, I will love you the most.
In my whole life, I will only love you.
Tunay na napakagandang confession.
Ipinikit ni Lu Jinnian ang kanyang mga mata at buong lakas niyang hinitihit ang nicotine para subukang tanggalin ang anumang nararamdaman niya. Pero masyadong naging mabilis ang kanyang paghinga kaya nabulunan siya dahil sa usok at napaubo.
-
Kahapon, nakahanap si Qiao Anhao ng local seller kaya ang kanyang order ay pwedeng maideliver sa Mian Xiu Garden ngayong hapon.
Dalawang malalaking box ang dumating. Pinagtulungang itong buhatin ni Qiao Anhao at Madam Chen papunta sa second floor at itinago nila ito sa kwarto. Bukas pa ang birthday ni Lu Jinnian kaya kinakabahan si Qiao Anhao na baka mabuko siya nito sa kanyang surprise. Inilagay nila ang dalawang box sa cupboard na nasa dressing room pagkatapos ay inilock niya ito at itinago ang susi.
Sa cupboard tinatago ni Qiao Anhao ang kanyang luggage kaya noong nilagay niya ang dalawang box ay kumain ito ng malaking space. Inilagay niya nalang muna ang kanyang luggage sa gilid ng dressing room pero bigla niyang naalala ang kanyang secret box kaya nagmamadali siyang kinuha ito.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES