App herunterladen
27.13% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 264: My Birthday Present To You (4)

Kapitel 264: My Birthday Present To You (4)

Redakteur: LiberReverieGroup

Sobrang naapektuhan si Qiao Anxia ng photo na nakita kaya hindi niya maiwasang mailang kay Qiao Anhao pero nginitian niya pa rin ito.

Pinilit kumalma ni Qiao Anxia bago sila magbayad ng bill. Habang nasa elevator ay bigla siyang nagtanong, "Qiao Qiao, maayos ba ang trato sayo ni Jiamu?"

Hindi ito ang unang pagkakataon na tinanong ito ni Qiao Anxia. Tumingin sakanya si Qiao Anhao at medyo natatawang sinabi, "Sis, ilang beses mo na yang natanong simula noong kinasal ako."

"Nagaalala lang ako na baka hindi ka masaya."

Nagaalala talaga si Qiao Anxia noon kaya madalas siyang magtanong na baka naging miserable ang buhay ni Qiao Anhao ng dahil sakanya, pero ngayon, nagtatanong siya kasi gusto niyang malaman kung dahil ba hindi maganda ang trato ni Jiamu kay Qiao Anhao kaya nagkaroon ito ng relasyon kay Lu Jinnian.

Napangiti si Qiao Anhao dahil ramdam niya ang pag-aalala ni Qiao Anxia. Kahit na hindi namantalaga sila kinasal ni Jiamu, pinili niya pa ring magsinungaling kay Qiao Anxia para hindi ito mag-alala. "Bakit naman hindi ako magiging masaya? Maayos naman ang trato sakin ni Jiamu at witness ka dun."

Gusto sanang tanungin ni Qiao Anxia kay Qiao Anhao kung bakit nito nagawang pagtaksilan si Jiamu…pero ayaw niya itong pagsalitaan ng masakit dahil alam niyang mapapahiya ito at baka yun pa ang maging dahilan ng hidwaan sa kanilang relasyon, kaya bandang huli ay sumagot nalang siya, "Really?"

"Really." Walang kamalay-malay si Qiao Anhao sa mga iniisip ni Qiao Anxia kaya nginitian niya nalang ito para mapanatag.

Nakatitig lang si Qiao Anxia kay Qiao Anhao at tumungo lang noong makarating na ang elevator sa ground floor. "Mabuti naman."

Hindi napigila ni Qiao Anxia na idagdag, "Qiao Qiao, I really hope that you have a happy marriage."

Palabas lang ang pagpapakasal ni Qiao Anhao, palabas na magtutuloy-tuloy hanggang sa magising si Xu Jiamu. Pero sinong nakakalam kung kailan yun...hanggamg dumating ang araw na yun, ang pwede niya lang gawin ay patuloy na magpanggap sa pekeng kasal.

Muling ngumiti si Qiao Anhao kay Qiao Anxia. "Sis, hindi mo kailangang magalala sa akin, sigurado namang magiging masaya ang buhay magasawa ko. Dapat unahin mo ang sarili mo at kailangan mo talagang iconsider si Cheng Yang."

Walang nagawa si Qiao Anxia kung hindi ngumiti nalang at hindi na nakapagsalita pa. Sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niya ang sasakyan ni Lu Jinnian.

-

Si Lu Jinnian ang namili ng dinner location kung saan sila kumain ng Cantonese food. Maganda at elegante ang restaurant pero tatlo lang silang kumakain sa malaking kwarto. Sa kalagitnaan ng kanilang dinner, biglang may lumapit sakanila para tugtugan sila ng violin.

Alas diyes na ng gabi nang matapos silang magdinner. Wala na ring masyadong sasakyan sa kalsada pero dahil walang nagdala ng sasakyan kina Qiao Anhao at Qiao Anxia, kaya nakisabay nalang siya sa sasakyan ni Lu Jinnian. Balak talaga niyang umuwi na pero bigla nalang tumawag sakanya si Cheng Yang habang nasa kalagitnaan sila ng byahe kaya dumiretso siya sa apartment nito.

Pagkababa niya ng sasakyan, muling binuksan ni Lu Jinnian ang sasakyan nito.


Kapitel 265: My Birthday Present To You (5)

Redakteur: LiberReverieGroup

Dahil parehong sasakay sina Qiao Anhao at Qiao Anxia sa sakyan ni Lu Jinnian, napagdesisyunan nila na sa likod nalang sila umupo. Pagkaikot ni Lu Jinnian sa isang kanto, biglang naging kulay pula ang ilaw kaya inihinto niya ang sasakyan. Tumingin siya sa rear mirror at sinilip ang shopping bag na nasa tabi ni Qiao Anhao. Habang nagdidinner sila, nabanggit ni Qiao Anxia na nagshopping daw ang mga ito para bumili ng mga regalo para sa birthday.

Malamang ang laman ng bag na iyon ay regalo para kay Xu Jiamu… Hindi mapigilan ni Lu Jinnian na tignan ang bag, napuno siya ng inggit habang nakatitig. Kahit na nagkulay berde na ang ilaw, tutok na tutok pa rin siya sa shopping bag. Kung hindi pa siya binusinahan ng mga sasakyang nasa likod nila ay hindi siya mahihimasmasan at aapakan ang accelerator. Inikot niya ang manibela para lumiko at noong medyo nakalayo na sila ay bigla siyang nagtanong, "Lumabas kayo para bumili ng regalo kay Xu Jiamu?"

"Yea," sagot ni Qiao Anhao. Naalala niya bigla ang biniling regalo para Lu Jinnian. Hindi pa siya sigurado noong una pero naisip niya na mas maganda kung sa Biyernes niya nalang ito sosorpresahin.

Wala namang nagbago sa expression ni Lu Jinnian pero ang kanyang kapit sa manibela ay biglang humigpit. Hindi siya agad nagsalita bago muling nagtanong, "Anong binili niyo para sakanya?"

"Tie," sagot ni Qiao Anhao.

Tumungo lang si Lu Jinnian at hindi na muling ipinagpatuloy ang usapan. Ang mga ilaw sa mga poste ay tumatama sa kanyang mukha kaya hindi siya masyadong maaninag.

Noong gabing iyon, umakyat na kaagad si Qiao Anhao sa kama pagkatapos nitong magshower. Pagkalabas ni Lu Jinnian sa shower, hindi na niya napatay ang mga ilaw at dumiretso na agad kay Qiao Anhao. Lumapit siya rito at hinalikan ito ng matindi. Masyadong mapusok at atat ang mga naging pagkilos niya, hinila niya ang panties nito, at ang sarili niya rito.

Nabigla si Qiao Anhao at napayakap sa malapad na balikat ni Lu Jinnian habang lalo pa nitong dinidiinan ang paghalik. 

Kinabukasan, maagang umalis si Lu Jinnian kaya hindi na siya nakapag'agahan dahil kailangan niyang umattend ng meeting sa Huan Ying Entertainment.

Alas diyes na ng umaga nang matapos ang morning meeting. Umalis din siya kaagad para naman umattend sa isang lunch meeting nang hindi man lang nakakainom kahit tubig. Natapos ang lunch meeting ng ala una imedya ng hapon at ito palang ang oras kung saan pwede siyang makapagpahinga dahil hindi pa siya tumigil sa pagtatrabaho simula palang paggising niya.

Sa isang clubhouse ginanap ang lunch meeting at pagkatapos kumain ay pumunta muna siya sa CR para medyo makahinga habang pinapalinis ng kanyang assistant ang sasakyan sa service center.

Halos kalahating oras bago nakabalik ang assistant at sa mga oras nay un nakapagrefresh na si Lu Jinnian na may kausap sa phone.

Tahimik na tumayo ang kanyang assistant sa tabi niya. Pagkababa niya ng phone ay nagtanong ito, "Mr. Lu, babalik nab a tayo sa company ngayon?"

Tumungo si Lu Jinnian. Maglalakad na sana ang kanyang assistant nang may bigla itong naalala. Mula sa bulsa nito ay naglabas ito ng isang voice recorder at ibinigay kay Lu Jinnian. "Mr. Lu, sayo ba 'to?"

Tinignan ito ni Lu Jinnian at umiling habang walang reaksyong sinabi, "Hindi."


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C264
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES