App herunterladen
26.51% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 258: Do You Know Who He Likes? (18)

Kapitel 258: Do You Know Who He Likes? (18)

Redakteur: LiberReverieGroup

"Oh…." Walang pagdududang sagot ni Qiao Anxia bago ibigay ang card sa staff.

Hindi na rin sila nagtagal sa shop at umalis na rin kaagad pagkatapos maipabalot ni Qiao Anhao ang dalawang regalo.

Noong nagbanggit si Qiao Anhao ng tungkol sa filming crew nito, biglang naalala ni Qiao Anxia na biglang nagsilabasan ang mga rumors tungkol kay Lin Shiyi pagktapos na pagkatapos ng araw na muntik ng mapahamak ang kanyang pinsan.

Hindi naman masyadong iniisip ni Qiao Anxia dati ang mga tungkol dito pero matapos ang gabing nakita niya na halos mabaliw na si Lu Jinnian para kay Qiao Anhao, bigla niyang naintindihan kung bakit kinagalitan si Lin Shiyi ng lahat noong sumunod na raw at siguradong si Lu Jinnian ang may gawa ng lahat ng yun.

Akala ni Qiao Anxia ay nakuntento na si Lu Jinnian sa mga ginawa nito pero noong umattend siya sa isang dinner ay marami siyang nakitang directors ng Huan Ying Entertainment. Pinagusapan ng mga ito si Producer Sun at kinumpirma na pinilit ni Lu Jinnian na magwithdraw si Producer Sun ng mga funds nito at umalis na sa crew.

Umabot na ang pagmamahal ni Lu Jinnian para kay Qiao Anhao sa punta na wala na siyang pakielam kahit magkano man ang mawala sakanya.

"Sis, kamusta ang dress na 'to?"

Nagulat si Qiao Anxia sa biglang pagtatanong ni Qiao Anhao kaya agad siyang nahimasmasan mula sa kanyang malalim na pagiisip. Tumingin siya sa kanyang pinsan na nakatayo sa isang full length mirror, ang mga kamay nito ay nakahawak sa kulay pink na mini dress habang naka'tilt ang ulo na naghihintay kung anong palagay niya.

Sakto kay Qiao Anhao ang sinag na nanggagaling sa lamp kaya lalo pang nangibabaw ang flawless at mala-kulay gatas nitong balat. Wala rin itong kahit anong makeup pero sobrang kinis pa rin ng balat nito. Ang mga makakapal nitong pilikmata ay bagay na bagay sa mga mata nito at ang mga mapuputi nitong ngipin ay lalo pang nangibabaw sa mapula nitong mga labi. Wala talagang duda na maganda si Qiao Anhao.

Matapos mamatay ng mga magulang ni Qiao Anhao, nakitira na ito sa bahay nina Qiao Anxia. All these years, ibinibigay ni Qiao Anhao ang anumang hinihiling ng kanyang pinsan at lagi rin itong maasahan. Kahit kailan hindi nainggit si Qiao Anxia kay Qiao Anhao kahit naman na alam niyang mas maganda ito sakanya.

Alam niya sa sarili niya na kahit kailan ay hindi siya malalamangan ni Qiao Anhao dahil para sakanya, si Qiao Anhao ay isa lamang ulila samantalang siya ay ang panganay na babaeng anak ng may-ari ng Qiao Enterprise, ang apple of the eyes ng kanyang mga magulang at higit sa lahat, ang future owner ng Qiao Enterprise.

Pero ngayon habang tinitignan ni Qiao Anxia si Qiao Anhao, labis siyang namamangha rito.

Ngayon niya lang narealize na sobrang nakakamangha pala talaga ni Qiao Anhao, sa puntong parang may bigla nalang tumusok sa kanyang puso. Ito ba ang dahilan kung bakit ito nagustuhan ni Lu Jinnian? Dahil sa itsura nito?

Tumingin si Qiao Anhao kay Qiao Anxia na kasalukuyang nakatitig lang sakanya. Biglang nagbago ang itsura niya at habang nakanguso ang makakapal niyang labi ay tinawag niya ito, "Sis? Sis?

Biglang nahimasmasan si Qiao Anxia at narealize niiya na napatitig na pala siya. Yumuko muna siya bago muling tumingin sakanyang pinsan na kanyang pinuri. "It's pretty. Do you like it? Kukunin ko yan para sayo."

Muling tumingin si Qiao Anhao sa salamin para tignang mabuti ang sarili nito ay umiling. "Forget it, maglakad-lakad nalang tayo.

Halos isang na silang naglalakad pero wala pa ring mapili si Qiao Anhao na kahit ano. Bandang huli, naisip nila na pumasok nalang sa isang coffee shop para makapagpahinga.

Simula noong nalaman ni Qiao Anhao ang tungkol sa birthday ni Lu Jinnian, sikreto na siyang nagpaplano kung paano ito icecelebrate. Pagkapasok nila ng coffee shop ni Qiao Anxia, nakakita siya ng isang pink wall na puno ng mga kulay purple na lobo. Nagandahan siya rito at naisip niya na gusto niya ring idecorate ang Mian Xiu Garden para sorpresahin si Lu Jinnian.


Kapitel 259: Chapter 259: Do You Know Who He Likes? (19)

Redakteur: LiberReverieGroup

Pagkatapos ni Qiao Anhao na umorder ng coffee, kinuha niya ang kanyang phone at binuksan ang Taobao para mamili ng mga lobo at iba pang mga gagamitin niya na pang decorate. Sobrang excited niya habang tinitignan ang mga kandila na para bang gusto niya ng bilhin ang lahat ng klase nito habang iniisip niyang mabuti kung ano ang gusto niyang isulat sa sahig ng kwarto nila.

Sa tagal niyang nag-iisip, ang tanging tumatak lang sakanyang isipan ay ang mga salitang: Lu Jinnian, Happy Birthday.

Sinabi sa store na gusto niyang pagbibilhan ang mga salitang naisip niya at ang dimension ng sahig ng kanilang kwarto. Hindi kaagad nakasagot ang store pero matapos nitong maestimate kung ilang kandila ang kakailanganin, agad nitong sinabihan si Qiao Anaho.

Inorder niya kung ano ang sinabi sakanya ng store.

Kailangan ng birthday cake para makapagcelebrate ng birthday…Nabili na ni Qiao Anhao ang lahat ng kakailanganin niya para sa decorations. Ang balak niya talaga ay magoorder nalang sana siya sa Black Swan. Pero pagka'exit niya ng Taobao, may nakita siyang isang advertisement ng mga handmade cakes. Nagdalawang isip siya noong una pero bandang huli ay bumigay na rin at sinubukan. Binuksan niya ang advertisement at noong nasa store na siya, nakakita siya ng iba't-ibang equipment na kakailanganin para makapagbake siya ng birthday cake ni Lu Jinnian.

Pagkatapos magbayad ni Qiao Anhao, hindi niya mapigilan ang kanyang ngiti habang iniisip ang kanyang perfect idea.

Manghang mangha si Qiao Anxia sa kagandahan ni Qiao Anhao kaya maya't-maya ay tumitingin siya rito. Hindi niya alam kung napaglalaruan lang ba siya ng kanyang utak dahil habang tinitignan niya ang kanyang pinsan, mas lalo niya pang nakikita ang 365 degrees round nitong kagandandahan at kakinisan nito. Tunay ngang kulang ang isang tingin sa kagandahan ni Qiao Anhao.

Qiao Anxia saw that Qiao Anhao was always playing with her phone. Every now and then, she would also let out a silly laugh, which prompted Qiao Anxia to not be able not to ask, "What's got you so happy?"

Napansin niya na kanina pa nakatutok si Qiao Anhao sa phone nito at maya't-maya ring tumatawa kaya hindi na siya nakapagpigil at nagtanong, "Bakit sobrang saya mo?"

Pagkarinig ni Qiao Anhao ng boses niya, napatingin ito sakanya habang nakakunot ang mga kilay nito. Kumagat ito sa straw at uminom ng juice bago madayang sumagot, "May binili lang ako sa Taobao."

"Para ka namang sira! Ano ba yan para maging ganyan ka kasaya?" Pangasar at naiintrigang sabi ni Qiao Anxia. Tumungo siya para tumingin sa sarili niyang phone at doon niya nakita ang isang notification na galing kay QQ. Pinindot niya ito at nakita ang malungkot na balita tungkol sa bagong film ni Lu Jinnian na gaganapin sa Hollywood.

Naglabas ang balita ng close-up photo ni Lu Jinnian na kitang-kita ang magaganda nitong mga mata at ang tipikal nitong cold expression.

Matagal siyang nakatitig dito bago muling tumingin kay Qiao Anhao at sinabi, "Pataas na talaga ng pataas si Lu Jinnian. Nagmamay-ari siya ng isang film industry sa mainland China tapos ngayon naman ay papasok na rin siya sa Hollywood."

Nakita na rin ni Qiao Anhao ang balita sa WeChat group nila at matapos niyang makinig sa mga sinabi ni Qiao Anxia, ngumiti siya at sinabi, "Yeah."

Noong nasa university palang sila, nasa Beijing siya samantalang nasa Hangzhou naman si Lu Jinnian. Sobra niya itong na'miss pero hindi niya alam paano niya ito macocontact. Inisip niya ang lahat ng paraan para makapagtext o makapagQQ message siya rito.

Hanggang ngayon, noong nakita niya ang headlines, nahihiya at nagdadalawang isip pa rin siyang magsend ng message kay Lu Jinnian na gaya ng dati. [Ang sabi sa balita, magtatrabaho ka raw sa Hollywood para sa bago mong film. Totoo ba?]

Mabilis na sumagot si Lu Jinnian ng simple at isang salita. [Yeah]

Pero kahit na ganoon, biglang naramdaman ni Qiao Anhao na para bang bumalik sila sa magagandang panahon ng kanilang mga kabataan.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C258
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES