"May choice ba ako?" sagot ni Lu Jinnian na para walang pakielam sa sarili niyang birthday.
Nagbago ang itsura ni Qiao Anhao at sa bahagyang nakabukas na pintuan ay dahan dahan itong sumilip kay Lu Jinnian na nakayuko habang nagbabasa ng mga dokumentong hawak. Habang nililipat ni Lu Jinnian ang page, bigla siyang napahinto na para bang may biglang pumasok sa isip niya.
Iniangat niya ang kanyang ulo at napatingin sa kawalan na may bakas ng ngiti ng pagkadismayado. Hindi nagtagal, muli siyang yumuko para balikan ang dokumentong binabasa bago sumagot ng walang kaemo-emosyon, "Besides, wala rin namang kailangang icelebrate."
Magmula noong mamatay ang nanay ni Lu Jinnian, konting tao nalang ang natira na nakakaalam kung kailan ang birthday niya, ang tatay niya, ang asawa niyo, at ang kanyang lolo…Pero sa tuwing sasapit ang araw na yun, ang birthday ni Xu Jiamu ang icecelebrate nila. Paano naman nila maaalala ito? Wala namang kailangang icelebrate, at wala rin naman kasamang magcelebrate.
Hindi na nakapagsalita pa muli ang kanyang assistant.
Nanahimik ang buong kwarto.
Muling nagpatuloy si Lu Jinnian sa kanyang trabaho at mula sa bahagyang nakabukas na pintuan, nasisilip ni Qiao Anhao ang cold at tipikal na itsura nito, maging ang boses nito ay wala ring pinagkaiba. Pero alam ni Qiao Anhao na sa loob loob ni Lu Jinnian, may lungkot at pangungulilang itong nararamdaman.
Naalala niya na sa tuwing birthday ni Xu Jiamu ay lagi nitong iniinvite ang lahat para magsaya. Ang lahat ng celebration ni Xu Jiamu ay laging sobrang saya at lagi rin namang nandun si Lu Jinnian. Naghahanda pa nga ito ng regalo para kay Xu Jiamu na parang normal lang. Sinong nakakaalam na birthday din pala nito….Pareho silang may birthday pero lagi lang itong nakatayo sa gilid habang tinitignan ang nakababata nitong kapatid na napakaraming regalo samantalang kahit kailan ay hindi man lang ito nakatanggap ng kahit pagbati lamang.
Nakaramdam si Qiao Anhao na para bang may tumutusok sa kanyang puso ng dahil sa nalaman niya, sumandal siya sa pader ng medyo may katagalan at nahimasmasan lamang noong pinuntahan na siya ni Madam Chen na galing sa kusina.
Noong hapon na iyon, umalis rin kaagad sina Lu Jinnian at ang assistant nito pagkatapos na pagkatapos mananghalian.
Walang kailangang ifilm si Qiao Anhao noong araw na iyon kaya solo niya ang kanyang oras. Naisip niya na bilhan ng regalo sina Lu Jinnian at Xu Jiamu dahil birthday na ng mga ito sa darating na Biyernes. Nasanay siya na si Zhao Meng ang isasama niya sa tuwing lalabas siya pero noong araw na iyon ay nagkataon may date ito at dahil ayaw niya namang makaistorbo, naisip niya nalang na tawagan si Qiao Anxia.
Flexible ang oras ni Qiao Anxia dahil sa Qiao Enterprise mismo ito nagtatrabaho kaya agad itong pumayag sa paanyaya ni Qiao Anhao.
Sakto, parehong kailangan nina Qiao Anhao at Qiao Anxia na irenew ang mga mga car plates nila noong araw na iyon. Dahil nasa central business district ang Qiao Enterprise, si Qiao Anhao nalang ang pumunta sa metro para sunduin ang kanyang pinsan.
Naalala rin ni Qiao Anxia na malapit na ang birthday ni Xu Jiamu kaya naisipan nitong sumabay na rin kay Qiao Anhao na bumili ng regalo para rito.
Magbabayad na sana si Qiao Anxia nang bigla itong mapatingin kay Qiao Anhao na nakadungaw sa counter. Sumilip ito at nakitang may itinuturong isang eleganteng tie clip si Qiao Anhao.
Magbabayad na sana si Qiao Anxia nang bigla itong mapatingin kay Qiao Anhao na nakadungaw sa counter. Sumilip ito at nakitang may itinuturong isang eleganteng tie clip si Qiao Anhao.
Dahil sa nakita, hindi napigilan ni Qiao Anxia na tumawa. "Qiao Qiao, hindi pa ba sapat ang isang regalo? Ilang regalo ba ang balak mong ibigay kay Xu Jiamu?
Ngumiti lang si Qiao Anhao kay Qiao Anxia habang tinatanggap ang neck tie galing sa counter staff. Yumuko siya para mainspect ang tie clips bago muling tumingin kay Qiao Anxia. Itinapat niya ang neck tie sa kanyang dibdib at nagtanong, "How is it?"
Umatras si Qiao Anxia ng dalawang hakbang para mas makita ang hawak ni Qiao Anhao bago dahan-dahang tumungo. "It's good."
Yumuko muli si Qiao Anhao para muling tignan ang neck tie at noong kuntento na siya, masaya siyang tumungo. Habang mas matagal niyang tinitignan ang napili niya, mas lalo pa siyang nagagandahan dito at iniimagine niya rin kung anong magiging itsura nito kapag suot na ni Lu Jinnian.
Medyo naiinip na si Qiao Anxia kaya pinagmamadali siya nito, "Qiao Qiao, tapos ka na ba?"
Ibinalik ni Qiao Anhao ang clip sa counter staff. "I would like to get this."
Tumungo habang nakangiti ang counter staff. "Would you like to pay together or separately?"
Kinuha ni Qiao Anxia ang wallet nito at naglabas ng isnag black card at walang isip-isip na sumagot, "Together."
"Separate." Nakangiting sabi ni Qiao Anhao sa staff habang hinaharangan ang kamay ni Qiao Anxia. Tumingin siya kay Qiao Anxia at sinabi, "Sis, mas okay pag ako ang magbabayad ng regalo ko."
Halatang medyo nainis si Qiao Anxia. "Bahala ka sa buhay mo."
Inabot ni Qiao Anxia ang card nito sa staff. "Icharge mo nalang ang item ko, wala yang password."
Nakangiti habang magalang na kinuha ng staff kay Qiao Anxia ang card nito para sa bayad. Agad ding binalik ng staff ang card ni Qiao Anxia pagkalagay sa bag ng item nito. Itinuro ng staff ang customer service na nasa may exit banda at sinabi, "Miss kung regalo poi to, pwede kang kumuha ng card at ipabalot ang regalo mo."
Ngumiti at tumungo si Qiao Anxia bilang pag'aknowledge sa sinabi ng staff.
Habang kinukuha nito ang bag na pinamili, tumingin ito kay Qiao Anhao at nagpaalam bago maglakad papalayo. "Titingin muna ako doon."
Hindi nagtagal, sumunod din agad si Qiao Anhao kay Qiao Anxia matapos niyang magbayad. Pumili siya ng dalawang eleganteng box at ibinigay sa staff habang sinasabi kung saan ang box ng bawat regalo. Ang pulang box ay para kay Xu JIamu at ang asul na box naman ay para sa tie clips.
Nagsusulat si Qiao Anxia ng kanyang message nang bigla itong nagtatakang nagtanong, "Qiao Qiao, hindi ba para kay Xu Jiamu naman uang dalawang regalo? Bakit kailangan mo pang paghiwalayin?"
Medyo nanginig ang mga daliri ni Qiao Anhao dahil sa tanong ni Qiao Anxia bago niya ipagpatuloy ang pagsusulat sa birthday card. Matapos isulat ang 'Happy Birthday' ay sumagot siya, "May friend ako sa filming crew na may birthday din."
Gusto naman talagang sabihin ni Qiao Anhao noong una kay Qiao Anxia na para kay Lu Jinnian ang regalo pero bigla niyang naalala na nireject nga pala ito ni Lu Jinnian noong nakaraang buwan kaya hindi niya nalang sinabi sa takot na baka magalit lang ito.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES