App herunterladen
26.2% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 255: Do You Know Who He Likes? (15)

Kapitel 255: Do You Know Who He Likes? (15)

Redakteur: LiberReverieGroup

Sa totoo lang, hindi naman nag'expect si Lu Jinnian na may mangyayari sakanila noong gabing iyon. Kadalasan kasi kapag mas gusto niya ay mas nagpipigil siya dahil ayaw niya namang maging masamang transakyon lang ang mangyayari sakanila.

Parehong nag-aalala sina Lu Jinnian at Qiao Anhao. Kinaumagahan, hindi nila alam pareho kung paano kakausapin ang isa't-isa kaya nagkasundo sila na manatiling tahimik dahil wala naman ni isa sa kanila ang gustong magsalita.

May mga bagay na parang pandora's box, hindi na kailangan pang buksan.

Sa Mian Xiu Garden pa rin umuwi si Lu Jinnian noong sumunod na araw. Kahit na hindi nila alam kung anong nasa isip ng bawat isa, nanatili silang tahimik, at ginawa ang kanilang mga usual night procedures. 

Masyadong naging mabilis ang mga magagandang nangyari, parang isang panaginip na walang sinuman sakanila ang gusto itong sirain.

Alam nila sa mga sarili nila na sobrang dami nilang mga bagay na dapat isinasaalang-alang.

Natatakot si Qiao Anhao na baka sa oras na umamin siya ay baka bigla silang bumalik sa dati.

Si Lu Jinnian naman ay natatakot na baka pag umamin siya ay biglang humingi ng kapalit si Qiao Anhao.

Walang sinuman sakanila ang gustong sirain ang napakagandang alaala na nangyari sakanila kagabi, kahit ang ibig sabihin pa nito ay ang pagsisinungaling nila sa mga sarili nila. Para sakanila na thirteen years ng minamahal ang bawat isa, yung gabing iyon ay isang pangarap na gagawin nila ang lahat para maprotektahan.

Pagkatapos ng tatlong araw, nag'resume na ang pagfifilm ng 'Alluring Times'. Pagbalik nila ng set, hindi na sila pwedeng magsama tuwing gabi kahit kailan nila gustuhin. Nag'film sila ng eksena sa city tatlong araw bago ang birthday ni Xu Jinnian. Kaya noong gabing yun, pareho nilang naisip na umuwi sa Mian Xiu Garden pagkatapos ng kanilang mga trabaho.

Noong gabing iyon, may nangyari nanaman sakanila. 

Kinaumagahan, tanghali na nagising si Qiao Anhao dahil wala naman siyang eksena na kailangang ifilm. Nakapaghanda na si Madam Chen ng tanghalian pagkatapos niyang maghilamos. Hindi nakita niya si Lu Jinnian kaya akala niya umalis na ito. Naghugas siya ng kamay at handa ng kumain nang biglang nagsalita si Madam Chen, "Aakyat lang ako para tawagin si Mr. Lu."

"Hindi pa siya umaalis? Tanong ni Qiao Anhao.

"Kakarating lang ng assistant ni Mr. Lu, nasa study room silang dalawa."

Tumungo si Qiao Anhao na parang bang may malalim na iniisip at biglang tumayo. "Ako na tatawag sakanila, bantayan mo nalang yung soup."

Nakarating siya kaagad sa study room pero bago siya kumatok, narinig niya ang pinaguusapan ng dalawa dahil hindi naisara ng mabuti ang pintuan.

"Next Friday, kailangan kong pumunta sa Xu family. Remember to clear my schedule."

"Ngayong Friday?" Napatigil ang assistant ni Lu Jinnian bago muling nagsalita, "Magpapanggap ka nanaman ba bilang si Mr. Xu?"

Nanatiling tahimik si Lu Jinnian.

"Ngayong Friday yung birthday ni Mr. Xu, pero…." Huminto ang kanyang assistant at dinagdag, "Hindi ba birthday mo rin this Friday?"

Hindi makagalaw si Qiao Anhao sa kanyang kinatatayuan…. Ngayong Fridaya ng birthday ni Lu Jinnian?

Simula noong nagkakilala sila, hindi pa nag'celebrate si Lu Jinnian ng sarili nitong birthday. Dati, tinatanong niya si Xu Jiamu kung kailan ang birthday ni Lu Jinnian pero rin nito alam. 

"Mr. Lu, icecelebrate mo ang birthday ni Mr. Xu, pero paano naman yung sayo?"


Kapitel 256: Do You Know Who He Likes? (16)

Redakteur: LiberReverieGroup

"May choice ba ako?" sagot ni Lu Jinnian na para walang pakielam sa sarili niyang birthday.

Nagbago ang itsura ni Qiao Anhao at sa bahagyang nakabukas na pintuan ay dahan dahan itong sumilip kay Lu Jinnian na nakayuko habang nagbabasa ng mga dokumentong hawak. Habang nililipat ni Lu Jinnian ang page, bigla siyang napahinto na para bang may biglang pumasok sa isip niya.

Iniangat niya ang kanyang ulo at napatingin sa kawalan na may bakas ng ngiti ng pagkadismayado. Hindi nagtagal, muli siyang yumuko para balikan ang dokumentong binabasa bago sumagot ng walang kaemo-emosyon, "Besides, wala rin namang kailangang icelebrate."

Magmula noong mamatay ang nanay ni Lu Jinnian, konting tao nalang ang natira na nakakaalam kung kailan ang birthday niya, ang tatay niya, ang asawa niyo, at ang kanyang lolo…Pero sa tuwing sasapit ang araw na yun, ang birthday ni Xu Jiamu ang icecelebrate nila. Paano naman nila maaalala ito? Wala namang kailangang icelebrate, at wala rin naman kasamang magcelebrate.

Hindi na nakapagsalita pa muli ang kanyang assistant.

Nanahimik ang buong kwarto.

Muling nagpatuloy si Lu Jinnian sa kanyang trabaho at mula sa bahagyang nakabukas na pintuan, nasisilip ni Qiao Anhao ang cold at tipikal na itsura nito, maging ang boses nito ay wala ring pinagkaiba. Pero alam ni Qiao Anhao na sa loob loob ni Lu Jinnian, may lungkot at pangungulilang itong nararamdaman.

Naalala niya na sa tuwing birthday ni Xu Jiamu ay lagi nitong iniinvite ang lahat para magsaya. Ang lahat ng celebration ni Xu Jiamu ay laging sobrang saya at lagi rin namang nandun si Lu Jinnian. Naghahanda pa nga ito ng regalo para kay Xu Jiamu na parang normal lang. Sinong nakakaalam na birthday din pala nito….Pareho silang may birthday pero lagi lang itong nakatayo sa gilid habang tinitignan ang nakababata nitong kapatid na napakaraming regalo samantalang kahit kailan ay hindi man lang ito nakatanggap ng kahit pagbati lamang.

Nakaramdam si Qiao Anhao na para bang may tumutusok sa kanyang puso ng dahil sa nalaman niya, sumandal siya sa pader ng medyo may katagalan at nahimasmasan lamang noong pinuntahan na siya ni Madam Chen na galing sa kusina.

Noong hapon na iyon, umalis rin kaagad sina Lu Jinnian at ang assistant nito pagkatapos na pagkatapos mananghalian.

Walang kailangang ifilm si Qiao Anhao noong araw na iyon kaya solo niya ang kanyang oras. Naisip niya na bilhan ng regalo sina Lu Jinnian at Xu Jiamu dahil birthday na ng mga ito sa darating na Biyernes. Nasanay siya na si Zhao Meng ang isasama niya sa tuwing lalabas siya pero noong araw na iyon ay nagkataon may date ito at dahil ayaw niya namang makaistorbo, naisip niya nalang na tawagan si Qiao Anxia.

Flexible ang oras ni Qiao Anxia dahil sa Qiao Enterprise mismo ito nagtatrabaho kaya agad itong pumayag sa paanyaya ni Qiao Anhao.

Sakto, parehong kailangan nina Qiao Anhao at Qiao Anxia na irenew ang mga mga car plates nila noong araw na iyon. Dahil nasa central business district ang Qiao Enterprise, si Qiao Anhao nalang ang pumunta sa metro para sunduin ang kanyang pinsan.

Naalala rin ni Qiao Anxia na malapit na ang birthday ni Xu Jiamu kaya naisipan nitong sumabay na rin kay Qiao Anhao na bumili ng regalo para rito.

Magbabayad na sana si Qiao Anxia nang bigla itong mapatingin kay Qiao Anhao na nakadungaw sa counter. Sumilip ito at nakitang may itinuturong isang eleganteng tie clip si Qiao Anhao.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C255
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES