App herunterladen
25.79% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 251: Do You Know Who He Likes? (11)

Kapitel 251: Do You Know Who He Likes? (11)

Redakteur: LiberReverieGroup

Sobrang tahimik ng office at walang nakakaalam kung gaano na ba katagal na walang nagsasalita nang biglang tumunog ang phone ni Lu Jinnian. Kinuha niya ito sa kanyang bulsa at nakita ang incoming call kaya binitawan niya ang kanyang sigarilyong hawak niya para sagutin ito. 

Hindi mapakali at kinabahan si Qiao Anhao noong marinig niya na nasagot na ang tawag niya. Pumikit siya at huminga ng malalim bago sinabi, "Lu Jinnian…"

Hindi nakapagsalita si Qiao Anhao matapos niyang tawagin ang pangalan ni Lu Jinnian.

Simula noong hindi na naging cold at constricted ang relasyon nila, hindi niya na ito muling tinawag ng "Mr. Lu" pero alam din naman niya na hindi rin sila ganun ka'close para tawagin niya ito sa panagalan nito. Kaya sa tuwing maguusap sila, lagi niyang iniiwasan na banggitin ang pangalan nito pero dahil sa mga messages ni Zhao Meng, medyo nalilito at kinakabahan siya kaya nasabi niya ang pangalan nito.

Pinagpawisan ang mga kamay ni Qiao Anhao habang hawak niya ang kanyang phone.

Naghintay ng matagal si Lu Jinnian pero wala siyang marinig mula kay Qiao Anhao matapos nitong sabihin ang pangalan niya. Kumunot ang kanyang mga kilay at kahit na mahina at walang emosyon ay mahinahon niyang sinabi, "What's the matter?"

Pagkarinig ni Qiao Anhao ng boses ni Lu Jinnian, gusto sana nitong sabihin kung ano ang sinabi ni Han Ruchu pero hindi nito alam paano uumpisahan. Gusto niya rin sanang makipagkita kay Lu Jinnian kaya hindi ito medyo matagal ito bago nakapagsalita, "Busy ka ba tonight?"

Hindi maintindihan ni Lu Jinnian kung anong ibig sabihin ni Qiao Anhao. Umubo siya at muling nagtanong, "What's the matter?"

Sa sobrang kabado ni Qiao Anhao, itinaas niya ang kanyang mga daliri at nagtrace sa glass window. At noong naisip niya na kung paano niya kakausapin si Lu Jinnian, nagipon siya ng lakas ng loob at sinabi, "Kung hindi ka busy ngayong gabi, pwede ka bang umuwi muna sandali?"

All in all, halos kalahating taon na simula noong nagpakasal sila. Ito ang ang kauna-unahang beses na tumawag si Qiao Anhao para pauwiin si Lu Jinnian.

As usual, dahil pareho nilang nirerespeto ang bawat isa, nagpapanggap sila na parang hindi magkakilala kahit na minsan ay nagtatabi sila sa kama.

Sa oras na yun, parang may 'wife calling the husband home for dinner' type of feeling na naramdaman si Lu Jinnian na labis namang nagpasaya sa kanya. Hindi niya maintindihan kung ano ang nararamdaman niya kaya hindi siya kaagad nakapagsalita habang nakatayo sa harap floor-to-ceiling window.

Matagal na naghintay si Qiao Anhao sa sagot ni Lu Jinnian at hindi rin niya alam kung ano bang magiging sagot nito kaya habang patagal ng patagal ay mas lalo pa siyang kinakabahan. Kahit hindi pa naman siya tinatanggihan ni Lu Jinnian, hindi pa rin ito sumagot kaya bigla siyang namula. Kinagat niya ang kanyang labi at lumunok ng dalawang beses bago muling nagsalita, "May sasabihin sana ako sayo…pero kung wala kang oras, then…"

"I'll be home in about half an hour." Walang reaksyong sagot ni Lu Jinnian bago pa man din matapos magsalita si Qiao Anhao.

Sobrang nagulat si Qiao Anhao noong na yun at narealize niya na naibaba na pala ni Lu Jinnian ang tawag.

Doon palang ibinaba ni Qiao Anhao ang kanyang phone mula sa kanyang tenga at hinawakan niya ito ng mahigpit. Huminga siya ng malalim at napansin niya na sobrang bumilis ng tibok ng puso niya.

-

Kalahating oras ang binigay na palugit ni Lu Jinnian bago siya makabalik sa Mian Xiu Garden pero sa totoo lang halos twenty minutes lang at nakauwi na siya. Agad na narinig ni Qiao Anhao na may paparating na sasakyan sa baba.

Pumunta siya sa bintana para silipin at nakita niya si Lu Jinnian na dahan-dahang pumapasok sa garahe.


Kapitel 252: Do You Know Who He Likes? (12)

Redakteur: LiberReverieGroup

Dali-daling tumakbo palabas ng kwarto si Qiao Anhao at nagmamadaling bumaba ng hagdanan. Pagkarating niya sa entrance hall, biglang tumunog ang doorbell.

Tumayo siya sa harap ng pintuan at huminga ng malalim bago niya unti-unting buksan ang pintuan. Noong medyo nabuksan niya na ito, inilabas niya ang kanyang ulo at binuksan niya ng tuluyan nang makita niya si Lu Jinnian na nakasuot ng pang'opisinang damit. Kumuha siya ng slippers sa shoe rack at inilagay ang mga ito sa harap ni Lu Jinnian.

Gumalaw ang mga labi ni Lu Jinnian pero walang kahit anong tunog ang lumabas mula rito. Matapos nitong magpalit ng slippers, inilagay naman niyo ang susi ng sasakyan sa sheld na nasa may entrance. Habang papasok ng bahay, unti-unti niyang tinanggal ang kanyang jacket.

Ihahagis na sana ni Lu Jinnian ang jacket niya sa sofa nang may biglang maliliit na kamay ang umagaw nito mula sa kanyang kamay. Kumuha si Qiao Anhao ng hanger at maayos itong inilagay sa clothes rack. Pagtalikod nito, nanatili siyang nakatayo sa harap ng sofa na sobrang naguguluhan. Muli itong tumingin sakanya at noong nakita nito ang magandang hubog ng kanyang katawan ay bigla nalang itong napangiti.

"Kumain ka na ba? Mag'iinit ako ng pagkain."

Tumungo lang si Lu Jinnian bilang pagpayag.

Nagmadaling nagsuot ng slippers si Qiao Anhao at tumakbo sa kusina.

Noong nakita ni Madam Chen na tumatakbo si Qiao Anhao, nagmamadali itong humabol pero agad din namang lumabas ng kusina at bumalik sa sarili nitong kwarto.

Ininit ni Qiao Anhao ang pagkain at dinala sa dining room bago niya tawagin si Lu Jinnian.

Pagkaupo ni Lu Jinnian, ibinigay ni Qiao Anhao ang chopsticks at soup sakanya.

Warm yellow ang kulay ng pyjamas na suot ni Qiao Anhao, nakapusod ang buhok nito at may suot na pares ng cotton slippers. Dahil dito, nagmukha itong maliit at kaakit- akit. Simula noong umuwi si Lu Jinnian, hindi na tumigi si Qiao Anhao sa pagkilos na para bang isang huwarang maybahay na masigasig na naghintay sa kanyang asawa.

Gulat na gulat si Lu Jinnian. Tahimik niyang kinuha ang chopsticks at dahan dahang kumain.

Nakatayo lang si Qiao Anhao at pinapanuod siya simula noong magumpisa siyang kumain at naya't-maya ay binibigyan siya nito ng kanin at sabaw.

Sobrang normal ng mga nangyayari at tamang-tama lang ang atmosphere.

Pagkatpos kumain ay dumiretso na si Lu Jinnian sa taas samantalang si Qiao Anhao naman ay nagligpit muna ng sandali at tinawag nito si Madam Chen para maghugas. Pumunta muna si Qiao Anhao sa CR para maghugas bago sito umakyat.

Noong makabalik si Qiao Anhao sa kwarto, tapos ng magshower at nakapagpalit na rin si Lu Jinnian ng kanyang blue cotton pyjamas. Umupo siya sa sofa para manuod ng TV. Medyo basa pa ang buhok niya dahil hindi siya gumamit ng hair dryer.

Hindi siya inistorbo ni Qiao Anhao at dumiretso nalang ito sa CR matapos nitong kumuha ng sariling pyjamas. Dahil kakatapos lang maligo ni Lu Jinnian, hindi pa rin bumababa ang steam sa shower. Mainit ang temperature sa loob ng CR kaya medyo namula si Qiao Anhao paglabas niya. 

Pagkadaan ni Qiao Anhao sa changing room, sumilip siya sa kama at bigla niyang naisip na parang gusto niyang kunin ang teddy na inilagay niya sa pinakailalim na cabinet ng changing room. Nagdawalang isip siya pero bandang huli, napagdesisyunan niya na hindi nalang niya ito kukunin at dumiretso nalang sa dressing table para maglagay ng kanyang mga skin care products.

Habang naglalagay siya ng eye cream, sumilip sakanya si Lu Jinnian na nakaupo sa sofa sa harap ng TV at nagtanong, "Hindi ba ang sabi mo may kailangan ka sakin?

Dahil sa reminder ni Lu Jinnian, doon lang naalala ni Qiao Anhao ang mga importante niyang sasabihin. Natigilan siya sa paglalagay ng eye cream at tumungo. Dali-dali niyang kinalat ang cream at tumingin kay Lu Jinnian.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C251
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES