"Holy sh*t, sobrang arogante at hindi nag-iisip si Mr. Lu! Isang bilyon! Isang bilyong yuan investment yun. Noong sinabi niyang tatanggalin niya ito, tinanggal niya talaga! Ang mundo nga naman mayayaman… hindi ko talaga maintindihan!"
Hindi nagreply si Qiao Anhao sa mga messages ni Zhao Meng at hinayaan niya ang kanyang kaibigan na sabihin ang lahat ng gusto nitong sabihin. Tumigil lang si Zhao Meng noong mapansin nito na hindi nagrereply si Qiao Anhao sa dami ng message na sinned nito.
Nanatiling nakatayo si Qiao Anhao sa balcony habang hawak ang kanyang phone. Maya-maya, muli niyang binuksan ang WeChat para pakinggan ulit ang mga messaged na galing kay Zhao Meng.
Noong tanghali, hindi pa sigurado si Zhao Meng na su Lu Jinnian ang may gawa ng lahat, pero ngayon halatang sigurado na ito.
Dahil sa mga sinabi ni Zhao Meng, nalaman niya na nakipagaway si Lu Jinnian kay Producer Sun para mailigtas siya nito kagabi. Hindi niya maimagine kung paano makipagaway ang tong walang pakielam na gaya ni Lu Jinnian. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.
Nagkalat ang mga scandals ni Lin Shiyi, samantalang si Producer Sun naman ay tinanggal sa production crew ng 'Alluring Times'…kagaya ng sinabi ni Zhao Meng, isang bilyong yuan investment yun. Noong sinabi nitong tatanggalin nito si Producer Sun, tinanggal talaga nito. Sobrang lupit at arogante nga talaga ng ginawa nito.
Napahawak ng mahigpit si Qiao Anhao sa kanyang phone. Sa totoo lang, hindi naman ito ang unang pagkakataon na tinulungan siya ni Lu Jinnian.
Noong ginulo siya ni Lin Shiyi sa kauna-unahang dinner party ng 'Alluring Times, tinulungan siya ni Lu Jinnian sa pamamagitan lang ng isang salita.
Noong kinuhaan siya ng litrato ni Lin Shiyi sa kwarto ni Lu Jinnian at inexpose ito sa Weibo, si Lu Jinnian din ang humingi ng tulong kay Song Xiangsi.
Noong nalaglag siya sa naputol na swing, si Lu Jinnian din ang matapang na sumalo sakanya.
Sa lahat ng pagkakataon na tinulungan siya ni Lu Jinian, ito talaga ang pinaka pumukaw ng damdamin niya. Yung mga nangyari noon, ginagawa rin yun ni Lu Jinnian sa iba pero ngayon, masasabi niyang prinoprotektahan talaga siya ni Lu Jinnian.
Dahil sa mga nalaman niya, sobrang napukaw talaga ang damdamin ni Qiao Anhao.
Kailanman ay hindi niya naisip na proprotektahan siya ng isang lalaking kagaya ni Lu Jinnian na walang pakielam. Kahit na hindi alam ni Qiao Anhao kung bakit siya prinoprotektahan nito, masaya, kinikilig at kuntento pa rin siya.
Kung kanina nagaalangan si Qiao Anhao kung tatawan o itetext niya ba si Lu Jinnian, ngayon naman ay bigla niyang naisip na gusto niya itong makita.
Kabado siyang nakahawak sa kanyang phone. Huminga muna siya ng malalim bago hanapin ang number ni Lu Jinnian, at tinawagan niya ito.
-
Binalot ng kadiliman ang Huan Ying Entertainment tower.
Ang mga itsura ng mga member ng board of directors ay hindi maipinta noong lumabas ang mga ito ng meeting room.
Noong nasigurong nakalabas na ang lahat ay saka palang lumabas si Song Xiangsi ng office nito. Mag-isa itong tumayo sa hall at nagpunta sa break room para magtimpla ng kape. Naglakad siya dala ang kanyang kape papasok sa office ni Lu Jinnian…
Kumatok si Song Xiangsi sa office ni Lu Jinnian at noong walang narinig na kahit ano ay binuksan nalamang nito ang pintuan at pumasok.
Nakatayo lang si lu Jinnian sa harap ng isang floor-to-ceiling na bintana. Habang nakatingin sa mga city lights, magsisindi sana siya ng sigarilyo. Kalmado na siya noong mga oras na yun kumpara noong nasa meeting room palang siya. Balik nanaman siya sa normal niyang awra na cold at walang pakielam.
Alam niya na may pumasok sa office niya pero hindi siya nagpakita ng kahit anong reaksyon.
Ipinatong ni Song Xiangsi ang kapeng tinimpla nito sa gilid ng lamesa at naglakad ng naka'high heels palapit sakanya. Sinundan nito ang malayo niyang tingin bago nagsalita, "Yung isang bilyong yuan investment na yun… may plano ka na ba kung paano yun lilikumin?
Walang balak makipagusap si Lu Jinnian. Inilagay niya lang sa kanyang mga labi ang sigarilyong hawak niya at humithit ng matagal.
Hindi nagtagal, tumingin si Song Xiangsi sa kanya at mula sa bag nito ay naglabas ito ng ilang bank cards at iniabot sakanya.
"Lahat ng mga kinita ko sa lahat ng pelikulang ginawa ko nitong mga nakraang taon ay nasa mga card na ito. Alam mo, patuloy lang na tataas ang value ko at kahit kumuha pa ang Huan Ying Entertainment ng kalahati jan, marami pa ring matitira sa akin. Kung pagsasama-samahin mo ang mga laman niya, aabot din yan ng lima hanggang anim na milyon. 123456 ang passcode ng lahat."
Medyo matagal bago tumingin si Lu Jinnian sa mga card na ibinibigay ni Song Xiangsi at mukhang wala siyang balak na kunin ang mga ito. "Song Xiangsi, wala naman akong naalalang may maganda tayong pinagsamahan para tulungan mo ako."
"Ano? Natatakot ka na ginagawa ko ito dahil may dahilan ako? Nakangiting sabi ni Song Xiangsi habang nakatingin sa city lights.
Wala naman siyang ibang plano para kay Lu Jinnian, sadyang nagbabago talaga ang mga tao. Mahirap ng makahanap ng totoo at tapat na tao. Kahit na may hindi sila magandang pinagsamahan, gusto pa ring tulungan ni Song Xiangsi si Lu Jinnian sa pinagdadaanan nito. Not to mention… si Lu Jinnian ay ang nakakatandang kapatid ni Song Xiangsi.
Hindi nagtagal ay muling nagsalita si Song Xiangsi, "All right, hindi na ako nakikipagbiruan sayo. Kung nagaalala ka talaga, then ituring mo itong investment ko sa pelikula. Kapag kumita na tayo, bigyan mo nalang ako ng share."
"Thanks but that's okay." Sagot ni Lu Jinnian na hindi na muling tumingin sa mga bank cards na hawak ni Song Xiangsi. Mayabang niyang sinabi, "Hindi ko kailangan ng tulong ng ibang tao para protektahan ang taong gusto kong protektahan."
"Hmph, you've got spine. So let me ask you, Mr. Lu, how will you produce a billion out of nothing?"
"Binenta ko ang ten percent ng share ko sa Huan Ying Entertainment." Walang alinlangang sagot ni Lu Jinnian.
Nagulat si Song Siangxi sa sinabi niya at matapos ang ilang sandali ay biglang tumawa. "Willing ka talagang gawin ang lahat para sa kanya. Kailangan mong malaman na kapag binenta mo ang ten percent ng shares mo, may posibilidad na mawala sayo ang posisyon mo bilang chairman. Ang lahat ng pinaghirapan mo para buuhin ang kumpanyang ito ay mapupunta sa kamay ng iba."
"So what?" Pabalang na sagot ni Lu Jinnian. Napatigil siya at humithit ng kanyang sigarilyo. Bakas sa mga mata ni Lu Jinnian ang lungkot. "Siya ang dahilan kung bakit ko pinaghirapan ang mga perang yun."
Alam ng langit…Pwedeng niyang kunin ang lahat ng perang ito at gastusin para kay Qiao Anhao. Yun ang bagay na sobrang magpapasaya sakanya!
Muling humithit si Lu Jinnian at naglabas ng isang magandang bilog mula sa usok ng kanyang sigarilyo. Nagsalita siya ng mahina, na para bang sarili niya lang ang kausap niya, "Kung ang lahat ng pinaghirapan ko ang magiging kapalit para lang maibalik ko ang nakaraan, handa akong mawala ang lahat ito…"
Kahit na ang ibig sabihin ay babalik sila sa pagiging magkaibigan lamang. Kahit na hindi nila pwedeng mahalin ang isa't-isa, kuntento na siya na makausap ito ng komportable at walang ilangan.
Kahit hindi masyadong maintindihan ni Song Xiangsi ang sinabi ni Lu Jinnian, alam nito na galing ang mga yun sa puso niya. Hindi na rin nagsalita si Song Xiangsi.
Sobrang tahimik ng office at walang nakakaalam kung gaano na ba katagal na walang nagsasalita nang biglang tumunog ang phone ni Lu Jinnian. Kinuha niya ito sa kanyang bulsa at nakita ang incoming call kaya binitawan niya ang kanyang sigarilyong hawak niya para sagutin ito.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES