App herunterladen
24.97% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 243: Do You Know Who He Likes? (3)

Kapitel 243: Do You Know Who He Likes? (3)

Redakteur: LiberReverieGroup

Noong oras na yun, bigla siyang nakaramdam ng hindi maipaliwag na takot na parang nilulunod siya.

Kung may nangyari kay Qiao Anhao ng dahil sakanyang mga crew, hindi niya talaga mapapatawad ang kanyang sarili.

Masakit at namamaga ang lalamunan ni Lu Jinnian kaya parang may nakabara rito.

Gamit ang dalawang kamay, hinawakan niya ang kamay na may band aid ni Qiao Anhao kung saan ito nilagyan ng swero.

Biglang pumasok sa isip niya ang itsura ni Producer Sun noong pumasok siya sa kwarto nito. Ang itsura ni Producer Sun na nakapatong kay Qiao Anhao at ang itsura niya na hindi makagalaw habang tinitignan ito. Bigla niyang naramdaman na parang may tumusok sa puso niya na bigla itong hinihiwa at naramdaman niya rin na parang umaagos ang dugo niya mula rito.

Bigla siyang napahawak ng mahigpit sa kamay ni Qiao Anhao na para bang inilalabas niya rito ang inis na nararamdaman. Yumuko siya at dahan-dahang hinalikan ang maninipis nitong mga daliri. 

-

Pagsapit ng alas dos ng madaling araw, hindi na kinaya ng kanyang assistant, na nakatayo sa labas para bantayan ang hospital room, ang antok kaya bumaba ito para matulog muna sa sasakyan. Noong medyo mahimbing na ang tulog nito, bigla namang may kumatok sa bintana kaya nagising ito at naalimpungatan. Pagkababa ng bintana, nakita nito si Lu Jinnian na nakatayo sa labas habang buhat-buhat si Qiao Anhao na natutulog ng mahimbing.

Agad na nagising ang diwa ng assistant at dali-daling bumaba ng sasakyan para buksan ang passenger door. Hinintay muna nitong makapasok at makaupo ng assistant si Lu Jinnian na buhat-buhat si Qiao Anhao bago pumasok muling pumasok sa sasakyan. Nakailang beses din itong humikab bago nagtanong, "Mr. Lu, pupunta ba tayo sa set o babalik tayo sa Mian Xiu Garden?"

Halatang wala pang tulog si Lu Jinnian dahil nangingitim na ang ilalim ng mga mata niya. Maputla na rin ang kanyang mukha pero hindi man lang nabawasan kahit konti ang kanyang ka'gwapuhan. Tinignan niya ang babaeng komportableng natutulog sa kanyang braso at mahinang sinabi, "Sa Mian Xiu Garden." 

Ramdam ng assistant ang bigat ng sitwasyon kaya hindi na ito nagsalita pa, binuksan nalang nito ang makina ng sasakyan at dumiretso sa Mian Xiu Garden.

-

Kakagising lang ni Madam Chen noong makarating sila sa Mian Xiu Garden at pagkarinig nito ng tunog ng sasakyan, mabilis itong tumakbo papalabas ng mansyon para sumalubong. Nakita nito si Lu Jinnian na buhat-buhat si Qiao Anhao kaya nagulat ito bago magtanong, "Anong nangyari kay Missus?"

Hindi sumagot si Lu Jinnian at dumiretso lang sa loob para iakyat si Qiao Anhao sa mansyon at inihiga niya ito sa malaki at malambot na kama. Pagkatapos niyang ikumot ang duvet dito, dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto at kinausap si Madam Chen, "Wag mo masyadong gawing oily ang congee na lulutuin mo para sa breakfast."

Tumungo si Madam Chen at sumagot, "Opo."

Naglakad papalayo si Lu Jinnian ngunit bago pa siya makarating sa hagdanan ay bigla siyang huminto at muling nagsalita, "Huwag mong istorbohin ang pagpapahinga ng Missus at wag mong hahayaang lumamig ang congee para mainit itong makain ng Missus paggising niya."

"Opo."

Ilang sandali pang nanatiling nakatayo si Lu Jinnian at dinagdag, "Bantayan mong mabuti ang Missus. May kailangan lang akong gawin kaya aalis na ako."

"Understood, Mr. Lu."

Hindi na sumagot si Lu Jinnian at tuluyan ng bumaba ng hagdan. Hindi nagtagal, naarinig sa loob ng bahay ang tunog ng sasakyang paalis.

-

Nanaginip si Qiao Anhao ng isang napakagandang panaginip. Nandoon ang kanyang nanay at tatay. Kahit matagal ng patay ang kanyang mga magulang, malinaw pa rin sakanya ang mga bata at nakangiting itsura ng mga ito. Naalala niya rin ang kanilang bakuran na may dalawang puno ng pomegranate. Tuwing autumn, namumunga ito ng pulang-pulang mga prutas na para bang magagandang lanterns.

Sa kanyang panaginip, may nakita rin siyang isang maputing batang lalaki na naka'school uniform pero bigla nalang nagbago ang kanyang panaginip at ang batang lalaki ay naging isang binatang nakasuot ng modernong damit, ito ay walang iba kundi ang cold pero charming na si Lu Jinnian.


Kapitel 244: Do You Know Who He Likes? (4)

Redakteur: LiberReverieGroup

Dahil naging mas malapit sa isa't-isa sina Lu Jinnian at Qiao Anhao nitong mga nakaraang araw—hindi na ito ganun ka'cold sakanya na gaya ng dati—napanaginipan niya ang matagal niya ng pinapangarap - siya at si Li Jinnian na ikinakasal.

Sa kanyang panaginip, nakasuot ng dark suit si Lu Jinnian sa ceremony—sobrang gwapo nito. Lahat ng malalapit nilang kaibigan ay nandoon para ibigay ang taos-puso nitong mga regalo. Sa instruction ng kanilang master of ceremonies, sinabi nila ang kanilang mga most devoted vows sa isa't-isa at nagpalitan ng mga singsing. Habang nag'chicheers ang lahat, yumuko si Lu Jinnian at hinalikan siya….

Nakatitig siya sa mga labi nito habang papalapit ng papalapit ang gwapong mukha nito sakanya. At noong malapit na sana siyang mahalikan nito, bigla naman siyang dumilat at tuluyan ng nagising mula sa kanyang panaginip.

Sobrang tahimik ng buong paligid pagkagising niya. Kumurap siya ng dalawang beses at narealize niya na nakauwi na siya sa Mian Xiu Garden. Napakunot ang kanyang mga kilay at nanghihinang tumayo. Nilibot niya ang buong kwarto—wala siyang kasama. Nakababa ang mga kurtina kaya hindi masyadong pumapasok ang liwanag mula sa labas at halos kalahati lang ng kwarto ang naiilawan. 

Naalala niya na kagabi ay nasa hot spring resort siya, kaya paano siya nakauwi rito sa Mian Xiu Garden?

Inisip ng maigi ni Qiao Anhao ang mga nangyari at narealize niya na sobrang dami niyang hindi maalala na naging kaganapan kagabi.

Wala talagang pumapasok sa isip niya kaya hindi niya nalang pinilit pang alalahanin ang mga ito. Tumingin siya sa European clock na nasa pader at nakita niya na tanghali na pala. Naalala niyang may eksena siyang kailangang i'shoot bago magtanghali kaya nagmamadali niyang kinapa ang kanyang phone sa ilalim ng unan niya pero laking gulat niya noong wala ito doon, kaya sinubukan niyang halughugin ang buong kwarto. Nakaugalian niya rin na dalhin ang kanyang bag sa taas pero kahit yun ay wala rin doon.

Naguguluhan si Qiao Anhao kaya pumunta siya sa CR para naghilamos. Bumaba siya at hinalughog ang living room para maghanap.

Narinig ni Madam Chen ang yabag ng mga paa niya kaya agad itong lumabas mula sa kusina. Ngumiti ito sa kanya at sinabi "Miss Qiao, gising ka na pala?"

Ngumiti rin siya rito at gulat na gulat na nagtanong, "Madam Chen, nakita mo ba ang bag ko?"

Umiling si Madam Chen at sinabi, "Miss. Qiao, si Mr. Lu ang naghatid sayo pauwi ngayong umaga. Hindi mo dala ang bag mo."

Hindi dala ang bag? Hinatid siya ni Lu Jinnian?

Tinignan ni Qiao Anhao ang kanyang suot at nagulat siya na nakasuot na siya ng isang bagong Chanel dress. Dahil ito, lalo pa siyang naguluhan. Bakit naman siya ihahatid ni Lu Jinnian?

Kitang kita ni Madam Chen na gulong gulo siya habang nakatayo dahil nakakunot ang kanyang mga kilay. Biglang naalala nito ang iniutos ni Lu Jinnian noong umagang yun at sinabi, "Miss Qiao, inutusan ako ni Mr. Lu na ipagluto ka ng congee. Sinabi niya sakin na iserve ko ito sayo pagkagising mo."

Malakas ang pakiramdam ni Qiao Anhao na may nangyari kagabi pero kung ano man yun, wala siyang maalala. Pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Madam Chen ay sumagot lang siya ng, "Oh" at halatang gulat na gulat pa rin habang naglalakad papunta sa dining room.

Agad na sinerve ni Madam Chen ang mainit na congee kay Qiao Anhao na inilatag sa harap niya kasama ang iba pang pagkain.

Kinuha ni Qiao Anhao ang kutsara at hinalo ang congee. Sunod-sunod ang kanyang paghigop at bandang huli tumingin siya kay Madam Chen na nakatayo sa lang gilid na pinaghahandaan siya, puno ng pagtataka at pagkalito niyang tinanong, "Madam Chen, noong pumunta ba si Mr. Lu kaninang umaga, may sinabi ba siyang kahit ano?"

"Sinabihan niya akong magluto ng congee at wag kang istorbohin sa iyong pagpapahinga…" Napahinto si Madam Chen at dinagdag, "At alagaan daw kita ng mabuti."

"Wala ng iba?"

Umiling Madam Chen.

Lalo pa tuloy nakaramdam si Qiao Anhao ng pagkalito. Napakagat nalang siya sa kutsarang hawak niya at gusto pa sanang magtanong ulit kay Madam Chen nang may biglang nag'doorbell.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C243
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES