App herunterladen
24.87% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 242: Do You Know Who He Likes? (2)

Kapitel 242: Do You Know Who He Likes? (2)

Redakteur: LiberReverieGroup

All these years, si Qiao Anhao pala babaeng ang laman ng puso niya.

Habang nasa byahe galing ospital, kahit na nagpanggap si Qiao Anxia na tulog, hindi mawala sa isip niya na ang alam niya ay hindi naman close ang dalawa sa isa't-isa at kung paano nainlove si Lu Jinnian kay Qiao Anhao.

Minsan kapag binabalewala ang mga posibilidad, hindi talaga magpapakita ang problema pero sa oras na pag-isipan at pagdugtong-dugtungin ang mga ito, unti-unti ring nagkukusang lumabas ang mga problema.

Noong high school sila, hindi sumasama si Lu Jinnian sa mga gatherings pero sa tuwing pupunta si Qiao Anhao, siguradong nandoon din si Lu Jinnian.

Pero hindi naman madalas mag-usap ang dalawa, minsan nga magkalayo pa sila ng upuan.

Hindi na masyadong maalala ni Qiao Anxia pero noong nasa year three sila, nag'organize si Xu Jiamu ng camping sa bundok. Sobrang init at alinsangan kaya natulog ang lahat ng nakabukas ang mga pintuan. Noong nagising siya sa kalagitnaan ng gabi para umihi, nakita niya na nakaupo si Lu Jinnian sa tabi ni Qiao Anhao. Sobrang pagod siya noong oras na yun kaya hindi niya masyadong inisip at bumalik nalang siya sa kanyang tulog pero parang nakita niya si Lu Jinnian na nakatitig kay Qiao Anhao habang natutulog ito.

Wala na si Lu Jinnian paggising nila noong ikalawang araw kaya hindi niya na rin naalala yung nanyari noong gabing yun.

Pero ngayon, unti-unti niyang napagdudugtong ang mga nangyari. Si Qiao Anhao na laging kinakagat ng lamok ay walang kagat ni isa.

Noong gabing yun, habang ang lahat ay tulog, si Lu Jinnian naman ay binubugaw ang mga lamok papalayo kay Qiao Anhao.

Sumunod naman ay noong nasa college na sila, sa tuwing pupunta sila ni Qiao Anhao sa Hangzhou, lagi silang ililibre ni Lu Jinnian. Pero maraming pagkakataon na pumupunta siya ng mag-isa doon at sa tuwing niyaya niya si Lu Jinnian na kumain, lagi siyang tinatanggihgan nito. Noong mga panahong yun, ang buong paniniwala niya ay busy lang talaga si Lu Jinnian sa pagfifilm, pero ngayon narealize niya na hindi pala talaga ito busy dahil ang oras nito ay para lang kay Qiao Anhao.

Mayroon pa… Sa nakalipas na apat na taon, laging si Lu Jinnian ang nag'iinitiate na makipagusap sa kanya. Noong mga panahong yun, wala pa siyang napapansin pero sa tuwing maguusap sila ang lagi nitong tanong ay tungkol kay Qiao Anhao…

Sa dami ng panahog lumipas, hindi niya manlang naisip ito. All these years, ayaw makipagusap ni Lu Jinnian kay Qiao Anhao pero lagi naman itong nagtatanong tungkol dito….

Kung hindi pa nangyari ang mga nangyari ngayong gabi at kung hindi niya nakita ang sobrang takot at pagaalala sa mga mata nito, hindi niya malalaman na kaya palang magmahal ni Lu Jinnian ng ganoon katindi.

O di naman kaya, pakiramdam niya ay walang sinuman ang may kayang magmahal ng kagaya ng pagmamahal nito kay Qiao Anhao.

-

Sobrang tahimik at payapa ng ospital.

Nakaupo lang si Lu Jinnian sa tabi ni Qiao Anhao, tinititigan ito habang natutulog. Noong narinig niya narinig niyang mahimbing na ang tulog nito ay doon palang siya nakampante. Pakiramdam niya nakipagbunuan siya sa buhay at kamatayan kaya sobrang napagod siya.

Kung hindi lang dahil kay Song Xiangsi… Kung nahuli siya kahit konti…Baka nagahasa na ito ni Producer Sun.

Noong oras na yun, bigla siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na takot na parang nilulunod siya.


Kapitel 243: Do You Know Who He Likes? (3)

Redakteur: LiberReverieGroup

Noong oras na yun, bigla siyang nakaramdam ng hindi maipaliwag na takot na parang nilulunod siya.

Kung may nangyari kay Qiao Anhao ng dahil sakanyang mga crew, hindi niya talaga mapapatawad ang kanyang sarili.

Masakit at namamaga ang lalamunan ni Lu Jinnian kaya parang may nakabara rito.

Gamit ang dalawang kamay, hinawakan niya ang kamay na may band aid ni Qiao Anhao kung saan ito nilagyan ng swero.

Biglang pumasok sa isip niya ang itsura ni Producer Sun noong pumasok siya sa kwarto nito. Ang itsura ni Producer Sun na nakapatong kay Qiao Anhao at ang itsura niya na hindi makagalaw habang tinitignan ito. Bigla niyang naramdaman na parang may tumusok sa puso niya na bigla itong hinihiwa at naramdaman niya rin na parang umaagos ang dugo niya mula rito.

Bigla siyang napahawak ng mahigpit sa kamay ni Qiao Anhao na para bang inilalabas niya rito ang inis na nararamdaman. Yumuko siya at dahan-dahang hinalikan ang maninipis nitong mga daliri. 

-

Pagsapit ng alas dos ng madaling araw, hindi na kinaya ng kanyang assistant, na nakatayo sa labas para bantayan ang hospital room, ang antok kaya bumaba ito para matulog muna sa sasakyan. Noong medyo mahimbing na ang tulog nito, bigla namang may kumatok sa bintana kaya nagising ito at naalimpungatan. Pagkababa ng bintana, nakita nito si Lu Jinnian na nakatayo sa labas habang buhat-buhat si Qiao Anhao na natutulog ng mahimbing.

Agad na nagising ang diwa ng assistant at dali-daling bumaba ng sasakyan para buksan ang passenger door. Hinintay muna nitong makapasok at makaupo ng assistant si Lu Jinnian na buhat-buhat si Qiao Anhao bago pumasok muling pumasok sa sasakyan. Nakailang beses din itong humikab bago nagtanong, "Mr. Lu, pupunta ba tayo sa set o babalik tayo sa Mian Xiu Garden?"

Halatang wala pang tulog si Lu Jinnian dahil nangingitim na ang ilalim ng mga mata niya. Maputla na rin ang kanyang mukha pero hindi man lang nabawasan kahit konti ang kanyang ka'gwapuhan. Tinignan niya ang babaeng komportableng natutulog sa kanyang braso at mahinang sinabi, "Sa Mian Xiu Garden." 

Ramdam ng assistant ang bigat ng sitwasyon kaya hindi na ito nagsalita pa, binuksan nalang nito ang makina ng sasakyan at dumiretso sa Mian Xiu Garden.

-

Kakagising lang ni Madam Chen noong makarating sila sa Mian Xiu Garden at pagkarinig nito ng tunog ng sasakyan, mabilis itong tumakbo papalabas ng mansyon para sumalubong. Nakita nito si Lu Jinnian na buhat-buhat si Qiao Anhao kaya nagulat ito bago magtanong, "Anong nangyari kay Missus?"

Hindi sumagot si Lu Jinnian at dumiretso lang sa loob para iakyat si Qiao Anhao sa mansyon at inihiga niya ito sa malaki at malambot na kama. Pagkatapos niyang ikumot ang duvet dito, dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto at kinausap si Madam Chen, "Wag mo masyadong gawing oily ang congee na lulutuin mo para sa breakfast."

Tumungo si Madam Chen at sumagot, "Opo."

Naglakad papalayo si Lu Jinnian ngunit bago pa siya makarating sa hagdanan ay bigla siyang huminto at muling nagsalita, "Huwag mong istorbohin ang pagpapahinga ng Missus at wag mong hahayaang lumamig ang congee para mainit itong makain ng Missus paggising niya."

"Opo."

Ilang sandali pang nanatiling nakatayo si Lu Jinnian at dinagdag, "Bantayan mong mabuti ang Missus. May kailangan lang akong gawin kaya aalis na ako."

"Understood, Mr. Lu."

Hindi na sumagot si Lu Jinnian at tuluyan ng bumaba ng hagdan. Hindi nagtagal, naarinig sa loob ng bahay ang tunog ng sasakyang paalis.

-

Nanaginip si Qiao Anhao ng isang napakagandang panaginip. Nandoon ang kanyang nanay at tatay. Kahit matagal ng patay ang kanyang mga magulang, malinaw pa rin sakanya ang mga bata at nakangiting itsura ng mga ito. Naalala niya rin ang kanilang bakuran na may dalawang puno ng pomegranate. Tuwing autumn, namumunga ito ng pulang-pulang mga prutas na para bang magagandang lanterns.

Sa kanyang panaginip, may nakita rin siyang isang maputing batang lalaki na naka'school uniform pero bigla nalang nagbago ang kanyang panaginip at ang batang lalaki ay naging isang binatang nakasuot ng modernong damit, ito ay walang iba kundi ang cold pero charming na si Lu Jinnian.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C242
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES