"Mr. Lu, tama na! Mapapatay mo siya sa lagay na ito!"
Hindi pinansin ni Lu Jinnian ang kanyang assistant at itinulak ito. Hawak ang basag na baso, binasag niya ito sa sahig.
Niyakap ng assistant ni Lu Jinnian ang bewang niya gamit ang buong lakas nito para hilain siya at sumigaw, " Mr. Lu, kapag napatay mo siya, katapusan mo na rin!"
Nanlilisik ang mga mata ni Lu Jinnian, kumawala siya sa kanyang assistant, at muli nanamang sinugod si Producer Sun.
Napatakip si Qiao Anxia ng kanyang bibig sa sobrang gulat nang makita niyang saksakin ni Lu Jinnian si Producer Sun ng parang isang madman.
Hindi na alam ng assistant ni Lu Jinnian ang gagawin nito at bigla itong napatingin kay Qiao Anaho na walang malay habang nakahiga sa kama. "Mr. Lu, walang malay si Miss Qiao. Kailangan nating tumawag kaagad ng ambulansya!"
Agad na natigilan si Lu Jinnian nang marinig niya ito.
Sobrang lapit na sa lalamunan ni Producer Sun ang basag na baso.
Tinignan ni Lu Jinnian ang bugbog saradong mukha ni Producer Sun, nakita niyang namamaga ang dibdib nito. Nangigigil na hinawakan ni Lu Jinnian ang bubog at itinapon.
Napapikit si Producer Sun noong naramdaman niyang dumaan sa tenga niya ang bubog na dumiretso sa TV na nasa tabi niya. Tumama bubog sa screen, na nagiwan ng crack dito, at saka nagkapira-piraso.
Hindi kayang kumalma ni Producer Sun sa sobrang takot.
Hindi pa rin nailalabas ng tuluyan ni Lu Jinnian ang nararamdaman niyang galit kaya hinampas niya ang coffee table at hinila ang collar ni Producer Sun, tinignan ito sa mga mata.
Nagpipigil ng galit na nagsalita si Lu Jinnian, "Sa industriya, wala akong pakielam kung anong ginagawa mo, pwede kang matulog kasama ang kahit sinong gusto mo." Huminto si Lu Jinnian at tinignan ang duguang mata ni Producer Sun. Lalo niya pang hinigpitan ang hawak niya sa collar nito at nagpatuloy, "Pero binabalaan kita, hindi mo pwedeng galawin si Qiao Anhao, at sisiguraduhin kong magbabayad ka!"
Galit na galit ang mukha ni Lu Jinnian na nagmamadaling pumasok sa bedroom at hindi na tinignan pa si Qiao Anxia at ang kanyang assistant.
Kinuha niya ang bed sheet at ibinalot ito kay Qiao Anhao, sinigurado niya na nakabalot ang buong katawan nito bago niya ilabas ng kwarto.
Pagkalabas ng kwarto, pinilit matauhan ni Qiao Anxia at tinignan si Qiao Anhao na buhat-buhat ni Lu Jinnian. "Kamusta siya?"
Gusto sanang hawakan ni Qiao Anxia ang kamay ni Qiao Anhao.
Lalo pang hinigpitan ni Lu Jinnian ang hawak niya kay Qiao Anhao at inilag ito na para bang isa itong precious gem na kinakailangan ng proteksyon. Hindi na niya tinignan pa si Qiao Anxia at mabilis na umalis.
Pagkatayo ng assistant ni Lu Jinnian ay hinila niya si Qiao Anxia at nagmadaling sumunod kay Lu Jinnian.
Nang makarating na sa elevator, pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ay pumasok si Lu Jinnian habang yakap yakap si Qiao Anhao ng hindi manlang pinapansin ang dalawa.
Hinila ng assistant ni Lu Jinnian ang gulat na gulat na si Qiao Anxia papasok sa elevator at saka pinindot ang button papunta sa ground floor.
Pagkarating nila ng ground floor, si Lu Jinnian ang naunang lumabas habang mabilis namang sumunod ang kanyang assistant para buksan ang pintuan ng sasakyan.
Nang makasakay na si Lu Jinnian sa sasakyan habang buhat-buhat pa rin si Qiao Anhao sa kanyang braso, mabilisan namang isinara ng kanyang assistant ang pintuan at binuksan ang passenger seat para papasukin si Qiao Anxia. Agad itong humarurot papalapit sa pinakamalapit na ospital.
Walang nagsasalita sa sasakyan habang mabilis na nagdadrive ang assistant. Gulat na gulat pa rin si Qiao Anxia at nakatulala lang siya sa kalsada nang bigla siyang mapatingin sa rear mirror.
Nakikita niya sa salamin kung paano protektahan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao habang niyayakap niya ito. Ang sobrang pulang mukha ni Qiao Anhao ay nakasandal sa dibdib ni Lu Jinnian.
Sobrang nagaalala si Lu Jinnian na baka hindi komportable ang ulo ni Qiao Anhao dahil sa kanyang posisyon, kaya inadjust niya ito at isa-isang hinawi ang buhok nito. Sobra niyang inaalagaan si Qiao Anhao, kahit kailan ay hindi pa nakikita ni Qiao Anxia na nagalala ng ganito si Lu Jinnian. Sobrang iba ito doon sa monster na nanakit kanina kay Producer Sun. Ibang iba rin ito sa kadalasan niyang pinapakita na parang walang pakielam.
Nasamid si Qiao Anxia at naramdamdaman din niyang medyo sumasakit na ang kanyang mga mata, biglang may pumatak na luha mula rito. Ayaw niya na sanang tumingin pero hindi niya mapigilang titigan ang dalawa.
Pagkarating nila sa emergency department ng ospital, hindi na nagsalita pa si Lu Jinnian habang buhat-buhat niya si Qiao Anhao at hindi niya na rin hinintay pang buksan ng kanyang assistant o ni Qiao Anxia ang pintuan at agad na naglakad papunta sa pintuan ng ospital.
Nagpark muna ng sasakyan ang assistant ni Lu Jinnian at sabay silang pumasok ni Qiao Anxia ng ospital samantalang si Lu Jinnian ay umakyat na sa secod floor habang buhat-buhat si Qiao Anhao.
Hindi pa rin binitawan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao kahit na chinecheck na ito ng mga doctor, kinukuhaan ng blood samples, temperature at hanggang sa noong nilalagyan na ito ng IV drip. Tinignan niya ang kanyang assistant at inutusan ito, "Get a set of clean clothes."
Naintindihan ng assistant na para kay Qiao Anhao ang mga damit na hinihingi ni Lu Jinnian kaya tumungo ito agad at umalis. Pero bago ito tuluyang lumabas ng kwarto, tumingin muna ito kay Qiao Anxia na hindi pa rin nagsasalita at tinanong, "Miss Qiao, gusto mo bang sumabay pabalik?
Umiling si Qiao Anxia.
Ngumiti at tumungo ang assistant ni Lu Jinnian at tulyang umalis.
Tahimik ang hospital room. Napahawak ng mahigpit si Qiao Anxia sa upuan at tumingin kay Lu Jinnian na hawak-hawak pa rin si Qiao Anhao habang nakatitig lang rito na para bang walang ibang tao sa kwarto.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES