Lalaki? Lalo pang nagbago ang itsura ni Qiao Anhao na para bang nagtataka kaya pinilit niyang buksan ang kanyang mga mata.Kahit na titigan niya pa ng matagal ang taong nasa harap niya, hindi niya pa rin talaga makilala kung sino ito.
Pero siguro siya na hindi ito pabango ni Lu Jinnian.
Itinaas ni Qiao Anhao ang kanyang nanghighinang kamay para itulak ang mga kamay na humihila ng kanyang swimsuit pero kahit gaano niya subukang labanan ito, hindi niya pa rin mapigilan ang lalaki. Dahil sa panalalaban ni Qiao Anhao, nainis at lalo pang nang'init si Producer Sun kaya naman yumuko ito para subukang halikan si Qiao Anhao.
Iniharang ni Qiao Anhao ang kanyang mga kamay para makaiwas kay Producer Sun ngunit dahil sa droga, wala siyang magawa kahit na nagagalit na siya.
Pinipilit hilain ni Producer Sun ang swimsuit ni Qiao Anhao pero noong malapit niya na itong matanggal ay bigla namang tumunog ang phone niya.
Hindi niya ito pinansin noong una pero hindi ito tumigil sa pagriring kaya naiinis siyang tumayo at noong narealize niya na galing ito sa kanyang asawa at bigla niya itong kinuha at nagpunta sa banyo.
Kahit na wala na si Qiao Anhao sa kanyang katinuan, alam niya pa rin na nasa panganib siya kaya noong naramdaman niyang lumabas ang lalaki sa kwarto, agad niyang sinubukang tumayo pero nang magawa niya na ito, bigla rin naman siyang bumagsak at natumba malapit sa kama.
"Ah," sumigaw siya ng dahil sa impact. Agad niyang inabot ang lamesa na malapit sakanya para maingat niya ang kanyang katawan at dahan dahan siyang tumayo papunta sa may pintuan.
Masakit ang kanyang katawan at namamanhid din ang kanyang mga binti kaya naman kailangang gamitin ni Qiao Anhao ang lahat ng natitira niyang lakas para makahakbang. Pagkarating niya sa pintuan,
hindi na niya kinaya pang suportahan ang kanyang sarili kaya bigla siyang napaluhod sa sahid.
Tinapos din kaagad ni Producer Sun ang tawag at agad na bumalik sa kama. Narealize niya na wala na roon si Qiao Anhao kaya nagmadali siyang lumabas ng bedroom at nakita niya itong nakaluhod malapit sa pintuan. Nakangiti niya itong binulungan, "Darling" at binuhat.
Nagamit na ni Qiao Anhao ang lahat ng lakas niya noong mga oras na iyon kaya wala ng kahirap hirap pa si Producer Sun noong binuhat siya.
Dahil sa kumpiyansa ni Qiao Anhao, muling nainis si Producer Sun at dahil nawawalan na rin ito ng pasensya, nagmamadali nitong ibinalik si Qiao Anhao sa kama para tuluyang pagsamantalahan.
Si Qiao Anhao ay nasa kwarto ni Producer Sun…
Naintindihan agad ni Lu Jinnian ang mga sinabi ni Lin Shiyi.
Isang oras simula noong nawala si Qiao Anhao at ang layo ng hot spring sa hotel ay wala pang kalahating oras … Ibig sabihin isnag oras ng nasa kwarto ni Producer Sun si Qiao Anhao…..
Isang oras…
Nanginginig ang mga daliri ni Lu Jinnian habang kinukuha ang kanyang phone para matawagan ang hotel manager at humingi ng room car ni Producer Sun.
Pagkarating niya sa top floor, mayroon ng isang hotel staff na may dala ng card ang naghihintay sakanya. Kinuha ito agad ni Lu Jinnian at inutusan ang staff na dalhin siya sa kwarto ni Producer Sun.
Nanginginig ang kamay at bumilis ang tibok ng puso ni Lu Jinnin habang tinatap niya ang card sa pintuan. Agad siyang tumakbo papunta sa bedroom noong napansin niyang tahimik ang kwarto.
Bago tuluyang pumasok si Lu Jinnian sa bedroom, medyo nasilip niya ang kama dahil bahagyang nakabukas ang pintuan.
Nakapatong si Producer Sun kay Qiao Anhao habang ang mga kamay nito ay pinipilit hubarin ang swimsuit ng walang kalaban laban na si Qiao Anhao. Nakatingin lang si Qiao Anhao sa kisame at ang mga mata niya ay blangko, mukha manika na walang buhay.
Galit at sakit ang naramdaman ni Lu Jinni
an at pakiramdam niya para bang dinudurog ang kanyang puso.
Dahil matagal na si Lu Jinnian sa entertainment industry, alam niyang maraming mga aktres ang kinakailangang sumaan sa pinakamadilim at pinakamaruming gabi nila, at malaking porsyento sakanila ay mga pinapainom ng droga.
Sobrang sakit ang naramdaman ni Lu Jinnian at parang huminto ang kanyang paghinga. Napuno ang kanyang mukha ng galit kaya agad niyang sinipa ang pintuan at pumasok.
Tumama ang pintuan sa pader kaya gumawa ito ng malakas na ingay "BANG!" na nagpagulat kay Producer Sun. Lumingon ito pero bago pa man nito tuluyang makita ang itsura ng pumasok ay nahawakan na ni Lu Jinnian ang kamay nito at agad na sinuntok ang mukha ni Producer Sun.
Gamit ang buo niyang lakas, sinuntok niya si Procducer Sun sa ulo nito. Tumabingi ang ulo ni Producer Sun nang dahil sa impact at bago pa man din makatindig ng maayos, ay natumba na ito sa sahig ng may malakas na kalabog.
Nakakatakot ang awra ni Lu Jinnian nang lumapit siya kay Producer Sun, hinila niya ito pataas at pinalipad niya ito sa pamamagitan ng malakas na sipa.
Dumausdos sa madulas na sahig at tumama ng malakas sa sofa si Producer Sun. Hindi pa man din ito nakakabangon ay agad nanaman itong sinuntok ni Lu Jinnian.
Masyadong naging mabilis ang pagsuntok ni Lu Jinnian at hindi ito napaghandaan ni Producer Sun. Hindi na nito maitago ang sakit kaya napasigaw siya sa sakit nang muling dumausdos sa sahig.
Walang pakielam si Lu Jinnian sa sakit na nararamdaman ni Producer Sun. Hinawakan niya ang matabang lalaki at sumigaw habang iniipit niya ito sa kanyang binti. "SINONG NAGSABI SAYONG PWEDE MO SIYANG GALAWIN! WHO THE FUCK ALLOWED YOU TO TOUCH HER!"
Habang sumisigaw si Lu Jinnian ay patuloy niyang inipit si Producer Sun sa kanyang binti habang nilalabas ang kanyang galit. Patuloy niya itong sinuntok na parang madman. "YOU DARE TO TOUCH MY WOMAN, PAGBABAYARIN KITA."
Habang sumisigaw si Lu Jinnian ay naalala niya ang nakita niya noong binuksan niya ang pintuan. Selos at galit ang naramdaman niya kaya tuluyan siyang nawalan ng kontrol. Kinuha niya ang babasaging baso na nasa gilid ibinato sa ulo ni Producer Sun.
Tumulo ang dugo sa ulo ni Producer Sun…
Napalabas na ni Lu Jinnian si Producer sa bedroom noong dumating si Qiao Anxia at ang kanyang assistant.
Namutla at napaatras si Qiao Anxia nang makita niya ang nangyari.
Nagulat ang assistant ni Lu Jinnian sa sobrang bayolente ng nangyari at noong nakita nito na umaagos na ang dugo sa ulo ni Producer Sun, bigla itong lumapit kay Lu Jinnian. ""Mr. Lu, tama na! Baka mapatay mo siya!"
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES