App herunterladen
23.84% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 232: She's The Only One You Can't Touch! (2)

Kapitel 232: She's The Only One You Can't Touch! (2)

Redakteur: LiberReverieGroup

Biglang nandilim ang paningin ni Lu Jinnian.

Tahimik ang corridor sa labas ng banyo at dahil din malakas ang boses ni Song Xiangsi, narinig ito ni Qiao Anxia. Bigla ring nagbago ang itsura nito nang sandaling marinig ito at biglang rin nitong nakalimutan ang kanyang sasabihin niya.

"Anong nangyari kay Qiao Qiao?" nagaalala niyang tanong.

Nanggigigil ang mga labi ni Lu Jinnian habang ibinabalik niya ang kanyang phone sa kanyang bulsa. Hindi niya pinansin si Qiao Anxia at itinulak ito at naglakad ng mabilis.

Napaatras si Qiao Anxia patalikod kaya tumama siya sa pader at nang mabalanse niya ng muli kanyang ang sarili, nakita niyang nakasakay na si Lu Jiinian ng elevator at hindi siya agad nakagalaw. Pagtayo niya mabilis niya itong hinabol.

Pagkarating ng elevator sa ground floor, tumakbo si Qiao Anxia sa entrance at nakita niyang hinihila ni Lu Jinnian ang assistant nito galing sa loob ng sasakyan para lumabas. Mabilis na sumakay si Lu Jinnian sa kanyang sasakyan at hindi pa man din nakakapag seatbelt ay umapak na agad ito sa kanyang accelerator at kumaripas ng alis.

Noong naibalanse na ng assistant ang katawan nito, nakita nito si Qiao Anxia na sumunod kay Lu Jinnian kaya naman bigla itong nagtanong, "Miss Qiao, anong nangyari kay Mr. Lu?"

"Sumakay ka muna!" itinulak ni Qiao Anxia ang assistant ni Lu Jinnian papasok ng cab na tinawag niya. Pasigaw niyang inutusan ang driver, "Sundan mo yung Audi A8 sa ha harap na may car plate na nagtatapos sa 88"

"Ang sasakyang yun? Masyado mabilis yun…"

Hindi pa man din natatapos sabihin ng driver ang gusto niyang sabihin ay biglang nagtapon si Qiao Anxia ng maraming pera sa kanya. "DRIVE!"

Napatingin ang driver sa mga perang nagkalat at gulat na gulat ito pero bago pa man din nito maisip ang sunod nitong sasabihin ay biglang tinanggal ni Qiao Anxia ang isa niyang takong at biglamng itinutok sa leeg ng driver. "Iistart mo na ba ang sasakyan?"

Napalunok ang driver, inapakan ang accelerator, at hinabol ang sasakyan ni Lu Jinnian.

Tinanggal ni Qiao Anxia ang kanyang takong sa leeg ng driver at muling isinuot sa kanyang paa. Pagkasuot niya ng kanyang takong ay nagpaliwamnag siya sa assistant ni Lu Jinnian, na hindi makapaniwala sa mga nangyayari, "Tumawag si Goddess Song ngayon ngayon lang para sabihin na kinuha ni Lin Shiyi si Qiao Qiao."

Pagkalabas ni Lu Jinnian ng elevator, nagmadaling bumalik si Lu Jinnian sa set nang makatanggap muli ng tawag galing kay Song Xiangsi at sinabing may nakakita raw ng van ni Lin Shiyi sa car park ng hotel ng mga crew at ito ay kasalukuyang nasakanyang kwarto.

-

Buti nalang wala na masyadong laman ang kalsada dahil malalim na rin ang gabi kaya pinalipad ni Lu Jinnian ang kanyang sasakyan sa mga kalsada at ang dalawang oras na byahe ay naging halos kalahating oras nalang. Pinark ni Lu Jinnian ang kanyang sasakyan sa ilalim ng hotel. Pagkakuha niya ang kanyang susi, malakas niyang isinara ang pintuan at agad na pumasok sa hotel.

May ilang crew members na palabas, at noong makita nila si Lu Jinnian, tumabi sila sa gilid at magalang na bumati sa kanya, "Mr. Lu."


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C232
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES