"It was just a rear-end collision."
Kalmadong nagtanong ni Lu Jinnian, "May nasaktan ba?"
"We're fine". Tumingin si Qiao Anxia sa direksyon kung saan nakatingin si Lu Jinnian. Sa anggulong iyon, nagmukhang magical ang lighthouse dahil sa mga ilaw na nagrereflect dito.
Medyo matagal siyang nakatingin dito nang bigla niyang maalala ang injury sa likod ni Lu Jinnian kaya mahinahon siyang nagtanong, "Ikaw?"
"Ah?" nagtatakang tanong ni Lu Jinnian.
"Magaling na ba ang injury mo sa likod? Kamusta na yun?"
"Okay na," mabilis na sagot ni Lu Jinnian na hindi manlang nagpakita ng emosyon.
Kahit na tinulungan lang siya ni Lu Jinnian para kay Xu Jiamu, hindi pa rin siya nakakapagpasalamat dito. Biglang tumahimik ang paligid bago siya magsalita muli. "Salamat."
Kahit na biglaan ang pagkakasabi ni Qiao Anhao, naintindihan pa rin ito ni Lu Jinnian. Ipinasok niya ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa ng hindi manlang sumasagot o tumitingin kay Qiao Anhao at ngumiti. Matapos ang ilang sandali ay sumagot siya, "You're welcome."
Hindi sumagot si Qiao Anhao kundi humawak lang siya sa puting marble fence na nasa harap niya. Habang nakatingin sa malayo, isang malaking ngiti ang bumakas sa mukha kanyang mukha.
Dahan-dahan ang pag-ihip ng hangin, habang ang mga ilaw ay nagpapatay-sidi. Walang nagsaslita sakanila na tila ba sinusulit ang katahimikan pero deep inside, pareho silang may naramdaman na hindi maipaliwanang na kaligayahan.
Pagkatapos ng ilang sandali, tinanggal ni Lu Jinnian ang kanyang atensyon sa kanyang tinitignan at mahinang sinabi, "It's about time, tara na."
Tumungo si Qiao Anhao at nauna siyang umalis habang nakasunod naman si Lu Jinnian sa likuran niya.
Just like that, tahimik silang naglakad sa mabatong daan habang ineenjoy ang presensya ng bawat isa.
Pagkarating ni Qiao Anhao sa set, nalaman niya na nakabalik na pala si Chen Yang at Qiao Anxia galing sa city.
Malapit na magsimula ang pagfifilm at bago ito magumpisa, muling nagbigay ng mga instruction ang direktor para binigyang diin ang mga key points kaya naman hindi na nabati ni Qiao Anhao ang kanyang pinsan.
Sinasabi ni Qiao Anxia kay Cheng Yang ang mga plano niya sa future at kung ano ang gagawin nila pagkatapos nitong magfilm ng pelikula. Noong nakita niya si Qiao Anhao at Lu Jinnian na papasok galing sa forest, biglang nagbago ang itsura niya at nawalan ng gana. Hindi na niya pinansin si Cheng Yang dahil sobrang dami niya biglang inisip.
Ang mga kasama sa eksena ngayon ay sina Song Xiangsi, Lu Jinninan at iba pang mga importanteng characters sa pelikula. Nagsama-sama sila para sayawin ang prinepare ni Qiao Anhao para sa finale ng company's annual dinner.
Nakalagay sa script na mamamangha ang lahat bukod kay Lu Jinnian sa pagsasayaw ni Qiao Anhao. Mapapatingin siya sa text na natanggap mula sa girlfriend na pipilitin siyang magdesisyon kung aalis ba o hindi. Bandang huli, kapag nasa rurok na ng pagpeperform si Qiao Anhao ay bigla siyang aalis.
-
May background si Qiao Anhao sa pagsasayaw at natrain din siya ng mga dance instructor galing sa crew. Hindi naman mahirap ang gagawin, lalo na para sa kanya.
Habang nakasuot ng bright red dress, sumayaw si Qiao Anhao ng nakapaa sa puting marble stage.
Maganda ang pagkakaayos ng direktor sa set. May malaking bintana sa tabi ni Qiao Anhao at matatanaw sa labas ang makukulay na fireworks na magpapaliwanag sa kalangitan. Ang mga kurtina, pader hanggang sa kisame ay puting puti na parang gatas. Ang napakaputing background ang mas nakapagpangibabaw kay Qiao Anhao na nakasuot ng fiery red dress.
Para tuluyang iset ang mood, pinagtugtog ang background music at bukod sa melodious music na ito, wala ng iba pang maririnig.
Graceful na nagbend si Qiao Anhao at itinaas ang kanyang binti para magleap forward, lumilipad ang kanyang dress.
Nagmukhang elegante ang kanyang malilit at walang sapatos na mga paa sa kanyang fiery red dress.
Nakatayo si Lu Jinnian sa tabi ni Song Xiangsi. Kinuha niya ang kanyang phone at nagpanggap na nagbabasa ng isang text bago siya mapatingin kay Qiao Anhao. Nang makita niya itong sumasayaw, hindi niya napigilang mapatulala.
Labis siyang namangha noong mga oras na iyon. Dapat ay titingin siya ulit sa kanyang phone pero hindi niya mapigilan ang sarili niyang titigan si Qiao Anhao. Nakalimutan niya na rolling ang camera at bigla siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na init.
Medyo naiinis ang direktor mula sa malayo pero hindi pa ito sumisigaw ng "Cut" dahil iniisip nito na baka gusto lang dagdagan ni Lu Jinnian ang eksena niya.
Pero kahit matapos ang ilang sandali, nanatiling hindi gumagalaw si Lu Jinnian.
Si Song Xiansgi na nakatayo sa tabi ni Lu Jinnian ay mukhang napansin ito. Tinignan niya ito at nakita niyang nakatulala si Lu
Jinnian. Agad siyang tumingin sa direktor na halatang naiinis na at hindi na natutuwa.
Kinabahan siya kaya kunwari ay bigla niyang nabitawan ang isang baso ng tubig na hawak niya. "Pang!" at nagkapira-piraso ang baso.
Nagulat si Lu Jinnian dahil sa malakas na tunog galing dito.
Hindi na kaya ng direktor ang mga nangyayari kaya sumigaw na ito ng malakas na "CUT!"
Habang naghihintay na magsalita ang direktor, humingi ng tawad si Song Xiangsi, "Sorry, nawala ako sa sarili ko. I promise it won't happen again."
Kumalma ang direktor dahil sa ginawa niya at sinabihan nito ang crew na magtouch up muna ng makeup.
Sa kalagitnaan ng kaguluhan, bumulong si Song Xiangsi sa tenga ni Lu Jinnian, "Mr. Lu, kahit na maganda siya, sana maalala mo na nagfifilm tayo. Sigurado ako na ayaw mo namang malaman ng buong crew na may gusto ka sakanya."
Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Song Xiangsi sa mga sasabihin niya at agad na umalis pagkatapos paalahanan si Lu Jinnian.
Nanatiling walang imik si Lu Jinnian, pero deep inside ay nagulat talaga siya.
Sa totoo lang, nakalimutan talaga niya na nagfifilm sila at parang siyang may naramdaman na parang may nagreact sa katawan niya…Kung hindi dahil kay Song Xiangsi, malamang nalaman na ng buong crew kung ano ang tunay niyang nararamdaman.
Naitago niya ang feelings niya ng mahabang panahon, pero ngayon niya lang narealize na naoverestimate niya masyado ang kanyang willpower. O dahil, hindi niya lang talaga kayang makapagpigil pagdating kay Qiao Anhao.
Pumikit si Lu Jinnian sabay hinga ng malalim para subukang pakalmahin ang frustration na nararamdaman niya.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES