Muntik ng matamaan si Qiao Anhao ng windshield na nasa harap niya dahil hindi siya nakapagseatbelt kaya sumubsob siya paharap. Agad siyang bumangon at nagmamadaling nagtanong kay Qiao Anxia, "Sis, okay ka lang ba?"
Napahawak ng mahigpit si Qiao Anxia sa manibela habang humihinga ng malalim. Noong medyo nahimasmasan na siya, agad siyang tumungo, "Okay lang ako."
Noong tumingin si Qiao Anxia sa harap, isang pulang Auidi A4L na wasak ang likod ang nakita niya.
Bumaba siya para tignan ang naging pinsala. Hindi naman masyadong seryoso ang naging aksidente pero nawasak ang bumper nito.
Sumunod rin si Qiao Anxia at diretsong naglakad papunta sa driver's seat nang hindi na tinignan ang naging pinsala. Kumatok siya sa nito at nang nakababa na ang bintana ay agad siyang humingi ng tawad at nagtanong, "Do you want to settle privately or call the police?"
Isang fashionable young lady na may long curly hair ang may-ari ng Audi A4L. Natakot ito at namutla dahil sa malakas na impact. Hindi na ito bumaba pa para tignan ang nangyari at malumanay siyang sumagot, ""I have already called the police, and the insurance company can settle the damage."
Kalmadong ngumiti si Qiao Anxia at kimuha sa kanyang bag ng kanyang name card at ibinigay sa babae, "Ito ang contact details ko."
Hindi nagtagal, dumating na rin ang traffic police. Kinuhaan nito ng litrato ang naging banggaan at inutusan ang dalawang kampo na idrive ang mga kotse sa gilid ng kalsada. Pagkakuha ng plate number, hiningi ng traffic police ang mga driver's license nila.
Matapos halughugin ni Qiao Anxia ang kanyang bag, naalala niya na naiwan niya pala ang kaniyang lisensya sa isa niya pang bag na nasa hotel ni Cheng Yang.
Nagmamadali ang may-ari ng Audi kaya agad din itong umalis pagkatapos kausapin ng traffic police.
May kailangan lang asikasuhin ang pulis kaya binigyan nito ng instruction sina Qiao Anxia at Qiao Anhao na manatili muna sa pwesto nila.
After about fourteen minutes, medyo naiinip na si Qiao Anxia at pagtingin niya sa rear mirror, nakita niya ang sasakyan ni Cheng Yang na kumakaripas.
"Nandito na si Cheng Yang," ang sabi ni Qiao Anxia bago bumaba ng sasakyan.
Huminto ang sasakyan sa tabi mismo ng sasakyan niya at biglang bumaba si Lu Jinnian galing sa driver's seat.
Hindi na nakipag-usap pa si Qiao Anxia kay Lu Jinnian mula noong nireject siya nito kaya hindi niya napigilan ang sarili niya nang makita
niya itong bumaba galing sa sasakyan ni Cheng Yang, "Bakit ka nandito?".
Biglang napaangat ang ulo ni Qiao Anhao nang marinig niya ang pangalan ni Lu Jinnina. Nakagat niya ang kanyang labi nang makita niya ito bago siya bumaba ng sasakyan.
Nakababa na rin si Cheng Yang noong mga panahong iyon. Habang hawak ang lisensya ni Qiao Anxia sa isang kamay, lumapit ito at mahinahong nagpaliwanag, "Dala kasi ng assistant ni Mr. Lu ang sasakyan niya at dahil sa city rin naman siya papunta, sinabay ko na siya."
Tumingin si Cheng Yang kay Lu Jinnian, "Mr. Lu, bakit hindi nalang ikaw ang magdrive ng sasakyan ko? Ako na ang magdadrive sakanilang dalawa pabalik sa set."
Nakatitig lang si Lu Jinnian kay Qiao Anhao simula noong bumaba ito ng sasakyan ni Qiao Anxia at kahit na noong nagsasalita na si Cheng Yang hindi pa rin nawala ang tingin niya rito. Nang masiguro niyang mabuti ang lagay ni Qiao Anhao ay umiling siya, "Okay lang, kukuha nalang ako ng cab."
Tumalikod si Lu Jinnian at papunta sa gilid ng kalsada. Itinaas niya ang kanyang kamay at agad din namang may humintong cab sa tapat niya. Mabilis siyang pumasok dito na hindi nagtagal ay umalis na rin.
Wala pang dalawang minuto mula noong umalis si Lu Jinnian simula noong dumating siya. Umalis siya ng hindi man lang nagsalita ng kahit ano na para bang nandun lang talaga siya para makisabay.
May eksena si Qiao Anhao noong gabing iyon kaya kailangan niyang bumalik kaagad sa set. Umalis na siya agad dahil ayaw niyang makaabala kina Qiao Anxia at Cheng Yang at para hayaan na rin ang mga ito na tumuloy sa original plan nilang magdinner. Drinive ni Qiao Anhao ang nawasak na sasakyan pabalik sa mountain lodge.
-
Pagkatapos na pagkatapos magdinner, bumalik na agad si Qiao Anhao sa set para makapagpalit ng damit at makapag makeup. Halos kalahating oras pa ang natitira sakanya bago magumpisa magfilm.
Naghahanda pa ang mga crew ng mga props na gagamitin kaya napakagulo ng set. Hindi pa rin tapos maghanda ang ibang artista at si Zhao Meng naman ay nagpunta sa banyo dahil biglang sumakit ang tyan nito. Dahil naiinip na si Qiao Anhao, naikot-ikot muna siya.
Nasa itaas ng isang sikat na mountainous region sa labas ng bayan ng Beijing ang mountain lodge. Napaka ganda ng tanawin dito at kapag sumasapit na ang gabi, nagbubukas ang mga makukulay na ilaw kaya nagmumukha itong fairytale. Dahan-dahang tumungtong si Qiao Anhao sa mga bato at nakita niya na mag-isang nakatayo si Lu Jinnian habang nakatingin sa lighthouse na nasa gitna ng lake na para bang may malalim na iniisip.
Hindi naman nagulat si Qiao Anhao na makita si Lu Jinnian dahil alam niyang may panggabing eksena rin ito.
Napahinto siya at napatitig kay Lu Jinnian. Medyo nagaalangan siya bago dahan dahang umakyat sa hagdanan papunta sa pavilion.
Nang maramdaman ni Lu Jinnian na may parating, agad siyang lumingon at nang makita niya si Qiao Anhao, nagulat siya at pinatay ang sigarilyong hawak niya.
Hindi kailanman sumubok si Qaio Anhao noon na istorbohin si Lu Jinnian, pero matapos nilang magsama noong nainjured ito, mukhang mas naging komportable at napalapit siya rito. Hindi na sila ganun kailang kagaya ng dati na para bang bumalik sila sa kanilang High School days. Kahit na hindi naman sila ganoon kaclose, kahit papaano nakakapagusap pa rin sila.
Noong halos isang metro nalang ang layo ni Qiao Anhao ay bigla siyang huminto. Habang hawak niya ang skirt niya, medyo kinakabahan siyang ngumiti kay Lu Jinnian at mahinahong sinabi, "Tapos ka na magprepare?"
Nagulat si Lu Jinnian na naunang nakipag-usap si Qiao Anhao sakanya. Tumungo siya at malumanay na sumagot, "Yeah." Hindi nagtagal ay muli siyang nagsalita, "Guys are usually faster."
Kahit na limang salita lang ang sinabi ni Lu Jinnian, hindi pa rin mapigilan ni Qiao Anhao ang sayang naramdaman niya. Parang noong nasa High School palang sila, lagi rin siyang nagpupunta sa mga pinupuntahan ni Lu Jinnian at kapag makakasalubong niya ito ay masaya niya itong binabati. Sa tuwing sasagot si Lu Jinnian, sobra ang sayang nararamdaman ni Qiao Anhao na kagaya rin ng nangyari ngayon.
"Kahit walang makeup, maganda ka pa din."
Ngumiti si Lu Jinnian at tumingin kay Qiao Anhao na napapaligiran ng makukulay na ilaw at bigla siyang nagtanong, "This afternoon, narinig ko kay Cheng Yang na nagkaroon daw kayo ni Qiao Anxia ng car accident?"
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES