Ang mansyon ni Lu Jinnian ay nasa kalagitnaan ng kabundukan kaya habang lumalalim pa ang gabi, lalo itong nabalot ng katahimikan at tanging ang mahinhin na boses ng isang babae at eleganteng boses ng isang lalaki ang maririnig noong mga oras na iyon.
Ito ang unang pagkakataon na nakipag-usap si Lu Jinnian ng ganoon katagal at napansin niya noong bumalik siya sa kanyang trabaho na malalim na pala ang gabi.
Kahit na gusto pa sanang makipagusap ni Lu Jinnian, ayaw niya namang mapuyat si Qiao Anhao kaya sinabi niya, "Lumalalim na ang gabi, magshower ka na at magpahinga."
Wala naman talagang balak magstay si Qiao Anhao noong una kaya hindi siya nagdala ng kahit ano. Noong sinabi ni Lu Jinnian na maligo siya, tumanggi siya, sa pag-aalalang wala siyang maisusuot.
Mukhang nabasa ni Lu Jinnian ang iniisip niya kaya pumunta ito sa changing room at kumuha ng isang t-shirt.
Pagkapasok ni Qiao Anhao sa banyo, muling nagbukas si Lu Jinnian ng kanyang laptop at nagpatuloy sa kanyang trabaho bago siya bumaba.
Hindi nagtagal, bumalik si Lu Jinnian na may dalang isang tasa ng mainit na gatas. Sakto, pagkabalik niya tapos ng magshower si Qiao Anhao. Umupo ito sa tapat ng vanity table para magpatuyo ng buhok.
Maluwag ang t-shirt ni Lu Jinnian sa maliit at balingkinitang katawan ni Qiao Anhao, ang kanyang buhok ay nakalugay sa kanyang likod at ang kanyang maliit na mukha ay walang make-up. Nagmukha siyang mas bata, sakto kung paano siya naalala ni Lu Jinnian noong nasa high school palang sila.
Biglang naalala ni Lu Jinnian yung araw matagal na panahon na ang nakakalipas nang minsang natulog din sila sa iisang kwarto. Medyo naging mangiyak ngiyak ang kanyang mga mata na nakatayo sa may pintuan habang pinagmamasdan niya ito. Pagkatapos patuyuin ni Qiao Anhao ang kanyang buhok , lumapit si Lu Jinnian sa kanya para ibigay ang gatas. "Mas makakatulog ka ng mahimbing pag ininom mo ito."
"Salamat." Kinuha ni Qiao Anhao ang tasa at matapos niyang humigop ay bigla siyang may naalala. "May extra kumot ka ba?" May injury ka sa likod kaya baka masaktan ka dahil sa bad sleeping habits ko… o pwede namang sa sofa nalang ako matulog."
Sa tuwing matutulog sina Lu Jinnian at Qiao Anhao ng mag kasama, lagi itong dahil sa isang transaction.
Para sakanya, normal lang na makaramdam ng sexual desire para sa babaeng minamahal niya, pero ayaw niya naman na gawin itong isang transaction.
Pagnatapos na ang kanilang transaction, wala na siyang dahilan para galawin pa si Qiao Anhao.
Maganda ang mood ngayong gabi at ayaw itong masira ni Lu Jinnian. Kaya noong narinig niya ang boses ni Qiao Anhao, tumungo nalang siya at pumasok sa banyo.
Dahil sa injury, hindi na na nakapagshower si Lu Jinnian. Naghilamos nalang siya at pumasok sa changing room para magbihis ng kanyang pajamas. Bago siya lumabas, kumuha siya ng extra na kumot, at dinala sa sofa.
Pamilyar ang mga kaganapang ito, parehong pareho ang nangyari noong isang gabing maraming taon na ang nakakalipas sa Hangzhou.
Medyo nanginginig na inilapag ni Qiao Anhao ang tasa ng gatas sa lamesa. Naglakad siya papunta sa sofa para tignan si Lu Jinnian.
"Goodnight."
Itinuro ni Lu Jinnian ang kama at inutusan si Qiao Anhao, "Ikaw na sa kama."
"Pero ikaw ay injured…" Sumagot si Qiao Anhao, na nagmadaling humiga sa sofa.
Hindi pumayag si Lu Jinnian kaya lumuhod siya para buhatin si Qiao Anhao para dalhin sa kama.
Pagkatayo ni Lu Jinnian, napapatitig siya sa mukha ni Qiao Anhao. Gulat na gulat din itong nakatingin sa kanya, kaya nagkatitigan silang dalawa.
Biglang hindi maipaliwanag ang naging mood ng buong kwarto.
Habang mas tumitindi ang pagtitig ni Lu Jinnian, lalo pang bumibilis ang tibok ng puso ni Qiao Anhao.
Biglang hinawakan ni Lu Jinnian ang mukha ni Qiao Anhao. Hindi maintindihan ni Qiao Anhao kung ano ang gagawin niya bago nito tuluyan ipinikit ang mga mata nito. Dahan-dahang hinaplos ng mga maiinit na daliri ni Lu Jinnian ang mukha ni Qiao Anhao.
Biglang nanginig ang mga pilikmata ni Qiao Anhao nang maramdaman niyang pinupunasan ni Lu Jinnian ang mga natirang gatas sa kanyang labi. Pagkadilat ng kanyang mga mata, nakita niya ang mga malalambing na mata ni Lu Jinnian.
Nanatili ang kamay ni Lu Jinnian na nakahawak sa ulo ni Qiao Anhao ng ilang minuto at mukhang hindi niya na alam kung anong sunod niyang gagawin. Bandang huli, tinapik niya ito ng mahina at naglakad pabalik sa sofa.
Parang tumigil ang mundo ni Qiao Anhao; tulala lang siyang nakatitig sa kisame. Nahimasmasan lang siya noong biglang namatay ang mga ilaw. Pagtalikod niya, mejo naaninag niya ang hugis ng katawan ni Lu Jinnian na nakahiga sa sofa dahil sa konting ilaw na nanggagaling sa bintana.
Tenderness and warmth filled her.
Pagkataklob niya ng kumot, naamoy niya ang hindi malinaw pero pamilyar na pabango ni Lu Jinnian. Parehong pareho ang amoy na ito sa amoy ni Lu Jinnian five years ago noong natulog din sila sa iisang kwarto.
Pareho silang hindi makatulog kahit sobrang lalim na ng gabi, pero walang ni isa sakanila ang nagsasalita.
Nanatiling tahimik ang kwarto at tanging ang mga hininga lang nila at ang minsang tunog ng mga crickets na pumapasok sa kwarto ang naririnig.
Hindi namalayan ni Qiao Anhao na nakatulog na pala siya dahil sa sobrang pagod.
Noong tuluyan ng lumalim ang gabi, bumangon si Lu Jinnian at naglakad papunta sa kama para silipin si Qiao Anhao. Nagiging mukhang kalmado ang mukha nito kapag natutulog kaya lalo pa itong nagmumukhang mapayapa.
Pagkatapos ng ilang sandali, hinawakan niya ang malambot mukha ni Qiao Anhao. Yumuko siya para dahan-dahang mahalikan ang noo nito. Medyo matagal din siyang nandoon bago siya lumabas ng kwarto na may dalang isang kaha ng sigarilyo.
Ang injury sa sa likod ni Lu Jinnian ay tuluyang gumaling lamang pagkalipas ng apat na araw.
Sa loob ng apat na araw na yun, nanatili si Qiao Anhao sa mansyon para samahan siya.
Ang apat na araw na yun ang pinakamatagal na panahong naging magkasama sila, at ito rin ang pagkakataon na nakapagusap sila ng ganoon karami sa loob ng thirteen years.
Sa ikalimang araw, tumawag ang assistant ni Lu Jinnian sa kanya at sinabing may importante raw siyang meeting kaya naman noong araw yun, sabay silang umalis ng mansyon.
Nasa city ang sasakyan ni Lu Jinnian, kaya drinive niya muna ang sasakyan ni Qiao Anhao.
Nagdrive hanggang sa Huan Ying Entertainment. Pagkababa niya, ibinigay niya ang susi kay Qiao Anhao at hinintay muna itong makaalis bago siya sumakay ng elevator. Ang hindi nila alam, sa hindi kalayuan ay may tao palang nakakita ng lahat.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES