Yumuko si Lu Jinninan at tinignan ang hawak niyang access card, naglakad papunta sa locker at matapos niyang inilagay ang password, agad niyang binato ang access card sa loob at sinara ang pinto nito. Kalmado siyang naglakad pabalik sa sofa at nagpatuloy tinuloy ang kanyang trabaho sa kanyang computer.
Pagkatapos ng halos fifteen minutes, may narinig siyang parating na sasakyan. Napangiti siya habang patuloy na nagtype sa kanyang keyboard. Habang papalapit ang mga yabag ni Qiao Anhao, pinilit itago ni Lu Jinnian ang kanyang ngiti at nagpanggap na seryoso.
Dahan-dahang pumasok si Qiao Anhao, maingat para hindi niya maistorbo si Lu Jinnian habang nagtatrabaho. Pumunta siya sa isang sofa na malayo kay Lu Jinnian at ginamit ang kanyang phone para aliwin ang sarili.
Laging tumitingin si Lu Jiann kay Qiao Anhao. Umupo ito sa sofa at sa sobrang inip, ay paulit-uliit itong sumilip sa bintana. Tumingin ni Lu Jinnian kay Qiao Anhao at natigilan siya nang makita ang gamot na nasa tabi nito.
Inilagay niya ang kanyang laptop sa coffee table na nasa harap niya, at naglakad para kumuha ng mineral water. Nagpanggap siya na kunwari nakalimutan niyang inumin ang gamot niya, kaya uminom siya ng dalawang pills. Pagkatapos ay tumingin ulit siya kay Qiao Anhao at ibinato ang remote control ng TV bago siya bumalik sa sofa para tapusin ang kanyang trabaho.
Binuksan ni Qiao Anhao ang TV, pinahinaan niya kaagad ang volume nito pagkabukas na pagkabukas pa lang ng screen. Hinawakan niya ang remote control, pinipindo at nagpalipat-lipat ng iba't-ibang channel bago siya tumigil sa isang movie channel. Si Producer Sun ay iniinterview, at sa ibaba ng screen, sinabi nito na ang "Empress Dowager" ay malapit ng ipalabas.
Ang "Empress Dowager" ang pelikulang nagbigay kay Lu Jinnian ng kanyang kauna-unahang title bilang Best Screen actor. Ito ay isang classic historical romance na sobrang pinaghandaan ni Producer Sun. Ibinaba ni Qiao Anhao ang remote control at hinintay na matapos ang interview ni Producer Sun para mapanuod niya ang pelikula ni Lu Jinnian.
Napansin ni Lu Jinnian na nagpalipat-lipat si Qiao Anhao ng channel pero huminto ito sa channel na iniinterview si Producer Sun. Kahit na hindi naman sila masyadong nakakapagusap ng lalaki iyon nitong mga nakaraang araw, sigurado pa din si Lu Jinnian sa mga intensyon nito…. gusto nitong maging sugar daddy ni Qiao Anhao, sa pamamagitan ng pagbibigay ng sakanya ng first female lead na role.
Hindi gusto ni Lu Jinnian na kinukumpara siya sa ganoong klaseng lalaki pero hindi niya mapigilang mainis sa kahit sinong nagpapakita ng interes kay Qiao Anhao. Nag-isip siyang mabuti bago lumapit kay Qiao Anhao na kunwari makikitsismis lang, at bigla niyang sinabi, parang may namamagitan kina producer Sun at Lin Shiyi."Hindi gusto ni Qiao Anhao si Lin Shiyi kaya lahat ng maiuugnay dito ay automatic blacklisted…
Kagaya ng inaasahan, kahit na hindi ito masyadong nagreact sa balita, klaro na may bakas ng pagkainis mukha ni Qiao Anhao.
Nagpanggap na kalmado si Lu Jinnian pero halata sakanyang mukha na masaya siya at kalamdo siyang bumalik sa kanyang trabaho.
Natapos na rin ang interview ni Producer Sun at ang "Empress Dowager" ay maguumpisa na. Bata pa si Lu Jinnian noong mga panahong iyon, hindi pa ganoon kaamo ang mukha niya at hindi kagaya ngayon na sobrang gwapo na niya.
Hindi na matatawaran ang acting skills ni Lu Jinnian kahit noong mga panahon pang iyon. Ang kanyang expression at kanyang pagkilos ay saktong sakto sa role.
Maganda ang plot at ang mga artista ay magagaling. Totoong rare classic ang "Empress Dowager". Sa pelikulang ito, sinigurado ni Lu Jinnian na makukuha niya ang Best Screen Actor.
Ilang beses na rin itong napanuod ni Qiao Anhao pero nagagandahan pa rin siya sa tuwing papanuurin niya ito. Sa kalagitnaan ng pelikula, biglang nagvibrate ang phone ni Lu Jinnian. Tinignan siya ni Qiao Anhao pero nasagot na niya ang tawag.
Ito ay tawag mula sa kanyang assistant. "Mr. Lu, meron ng balita sa swing incident."
Sumilip si Lu Jinnian kay Qiao Anhao, dahan-dahan niyang inilapag ang kanyang lamesa at agad na lumabas ng kwarto. Sinigurado niyang nakasara ng maigi ang pintuan bago siya nagtanong, "Anong balita?"
"Sinadyang putulin ang mga strings na humahawak sa swing, bago lang ang mga putol kaya tinignan ko ang mga security camera. Si Lin Shiyi lang ang pumunta sa direksyong iyon noong mga oras na yun pero dahil walang kahit anong security camera sa may grassland, hindi ko masiguro kung nagpunta nga ba talaga siya roon para putulin ang mga strings."
"Pero, bukod sa kanya, tanging ang mga crew lang ang pumunta sa direksyong iyon. Bukod sa kanya, wala ng iba pang may motibo para putulin ang mga strings. Ang suspetsya ko ay binayaran niya ang filming crew para walang maging ebidensya. Mr Lu, may balak ka bang ayusin ang issue na ito?"
May duda na si Lu Jinnian at ang kailangan niya nalang ay ebidensya. Sa kabila ng mga sinabi ng kanyang assistant, wala pa ring matibay na ebidensya, pero sigurado siya na si Lin Shiyi ang gumawa nun sa mga strings.
Nanlisik ang kanyang mga mata at biglang napuno ng galit at sinabi: "Kung wala pang ebidensya, may iba pang paraan para gantihan siya."
"Mr. Lu, ang ibig mong sabihin?" Matagal na niyang kasama ang kanyang assistant kaya kabisado na nito ang kanyang kung ano ang gusto niyang mangyari kaya tinanong niya, "Shall we boycott her for a while?"
"Not for awile. Do it permanently." Mula noong si Lu Jinnian na ang namahala ng Huan Ying Entertainment, ito ang kauna-unahang pagkakataon na may binoycott siyang artista. Bilang artista, naiintidihan niya ang mga hirap na pinagdadaanan nila kaya kadalasan ay pinapalampas nalang niya ang mga pagkakamali nito. Ito ang first time na may pinarusahan siya ng ganoon katindi.
"Pero mahirap ng palitan ang kanyang role sa 'Alluring Times' ngayon…"
"Sabihin mo sa script crew na bawasan screen time niya."
"Yes, Mr. Lu."
Pagkababa ni Lu Jinnian, tumayo muna siya sa hagdan at huminga ng malalim. Sinubukan niyang kalamahin ang kanyang sarili na parang sasabog na sa sobrang galit. Nang tuluyan ng kumalma agad siyang bumalik sa kwarto.
Sumilip si Lu Jinnian sa screen at nakita niya na kiss scene na pala nila ni Song Xiangsi. Tinignan niya si Qiao Anhao, na lalo pang tumutok sa screen kumpara noong bago siya lumabas ng kwarto.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES