Narealize ni Qiao Anhao pagkatapos magtanong ni Lu Jinnian na na hindi ito maysadong nakakaipagusap sakanya noon. Nilunok niya muna ang pagkain na nasa kanyang chopsticks at mahinang sinabi, "Umakyat ako sa bintana"
Umakyat sa bintana…Nakagat ni Lu Jinnian ang kanyang labi. Kinuha niya ang kanyang chopsticks at kumuha ng random na ulam at isinubo para pigilan ang kanyang ngiti. Itinuloy niya ang kanyang pagkain at hindi nagsasalita.
Pagkatapos ay dahan dahang tinignan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian. Mukhang wala naman itong balak na pagusapan ang mga naging pagtatalo nila noon. Dahil dito, nagpatuloy siya sa kanyang pagkain habang nakayuko at sinimot ang kanyang kanin.
Sobrang tahimik ng dining room. Kumakain sila ng magkaharap pero hindi manlang naguusap.
Noong malapit na silang matapos kumain, biglang nagsalita si Lu Jinnian at nagsabi ng anim na number.
Nagulat si Qiao Anaho at tinignan si Lu Jinnian. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil wala siyang kaalam alam sa sinasabi nito.
Bago magpatuloy sa kanyang pagkain, sumulyap muna si Lu Jinnian si Qiao Anhao at noong naramdaman niyang busog na siya, inilapag niya ang kanyang chopsticks at inulit ang anim na number, bigla niyang tanong, "Kuha mo?"
Ano yun? Tumango si Qiao Anhao para sabihing naalala niya pero bigla rin siyang umiling.
Biglang kumunot ang mga kilay ni Lu Jinnian at sa kagustuhan niyang makuha ito ni Qiao Anhao, tumayo siya at umalis ng dining room para kumuha ng papael. Pagbalik niya, inilagay niya ito sa harap ni Qiao Anhao.
Isinulat niya sa papel ng nakacursive writing ang anim na number na sinabi niya.
Tinignan ni Qiao Anhao ang papel. Tapos tumingin siya ulit kay Lu Jinnian.
Tinignan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao mula sa itaas at ang kanyang napaka gwapong mukha ay walang reaksyong itinuro ang papel. Kumatok siya ng dalawang beses at sinabi ang limang salita, "The passcode to the mansion."
Tumalikod siya at umalis ng dining room.
Biglang may pumasok sa isip ni Lu Jinnian at huminto siya sa may pintuan, pagharap niya ay sinabi niya, "Mula ngayon ay huwag ka ng aakyat sa bintana. Kapag nahuli ka ng security system, tatawag yun ng pulis. At kapag nangyari yun, wag mo akong ituturo para piyansahan ka sa police station."
Pagkatapos sabihin niyang sabihin ang gusto niyang sabihin ay umalis na siya agad.
Pagkaakyat niya, nakita niyang hindi nakasara ng maayos ang kanyang floor-to ceiling window.
Hindi niya pa nasasabi sa kanyang assistant ang tungkol sa kanyang mansyon sa Mount Yi dahil kapag hindi maganda ang mood niya o kaya ay may sakit siya, kadalasan mas gusto niyang mapag-isa. Dahil dito, hindi siya nakahanap ng part-time na tagalinis kaya sa ngayon ay siya lang ang nagaasikaso ng mansyon. Noong pumunta siya rito few months ago, diniligan niya ang mga halaman at binuksan ang bintana para makapasok ang sariwang hangin, siguro doon niya nakalimutang isara ito.
Habang inaabot ni Lu Jinnian ang kanyang floor-to-ceiling window para maisarado ito, bigla niyang naisip yung taong nasa dining room na kumakain. Napatigil siya at sa huli ay hinayaan niya nalang na nakabukas ang bintana at patuloy siyang umakyat sa taas.
Ang passcode na may anim na numero. Pagkatapos niya itong sabihin ng dalawang beses, hindi pa rin ito maintindihan ni Qiao Anhao at ang isinulat niya sa papel, sinong nakakaalam baka bigla niya iyong mawala. Kapag bumalik siya…at kailangan nanaman niyang umakyat sa bintana… dahil mahilig naman talaga siyang umakyat sa binta, mas mabuti ng hayaan niya nalang itong nakabukas.
Pagkatapos kumain ni Qiao Anhao, inilagay niya ang mga natirang pagkain sa basurahan, inilabas ito sa entrance hall at umakyat.
Nakaupo si Lu Jinnian sa kanyang sofa habang may nakapatong na notebook sa kanyang tuhod. Kumatok ng mabilis si Qiao Anhao itong gamit ang kanyang dalawa kamay.
Ang katok ay para paalalahan si Lu Jinnian, pumasok si Qiao Anhao sa kwarto nito at kinuha ang gamot na binili niya sa pharmacy at inabot ito kay Lu Jinnian na nasa sofa.
Itinuro nito ang anti-inflammatory pills at sinabi, "Ito ang mga anti-inflammatory pills. Wag mong kakalimutang inumin ito. Kilangan mong uminom ng apat" Pagkatapos ay itinuro niya nag rubbing ointment, "Ito ay inaapply sa balat. Kapag kailangan mo nito, babalik ako bukas para lagyan ka. Kung hindi naman, pwede mong tawagin ang assistant mo."
Kinuha ni Lu Jinnian ang kanyang computer, at bahagyang napatigil dahil sa mga sinabi ni Qiao Anhao at tumango.
Pagkatapos ay tumango rin si Qiao Anhao at tumahimik ng sandali, sinabi niya, "So gumagabi na, aalis muna ako."
Hindi nagsalita si Lu Jinnian. Naghintay ng ilang sandali si Qiao Anhao bago muling magsalita, "Paalam" kinuha niya ang kanyang bag at lumabas ng kwarto ni Lu Jinnian.
Si Lu Jinnian ay nakaupo lang sa sofa, hindi gumagalaw. Dati, lagi lang siyang mag-isa sa villa, pero kahit kailan ay hindi siya nakaramdam ng lungkot. Pero noong umalis si Qiao Anhao, pakiramdam niya biglang nawalan ng laman ang kanyang villa.
Habang naririnig niyang nagsstart ang sasakyan sa baba , kinuha ni Lu Jinnian ang kanyang laptop. Tumayo siya at naglakad papunta sa kama at hinanap ang kanyang phone.
May tinawagan siya at sinabing, "Yeah, pakisara ang exit, at pagpahingahin muna ang mga nakaduty ng isa't kalahating oras. Yeah, salamat."
Pagkababa niya ng kanyang phone, kalmadong naglakad si Lu Jinnian pabalik sa sofa. Umupo siya at agad na kinuha ang kanyang laptop upang magpatuloy kanyang kailangang gagawin na urgent documents na kakapadala lang ng company ngayong araw.
Sa bawat letra na kanyang tinatype, sinusulyapan ni Lu Jinnian sa kanyang phone na nasa tabi niya. Sa ikalabing limang beses niyang pagsulyap, biglang umilaw ang kanyang phone dahil sa isang tawag na galing kay Qiao Anhao.
Hindi agad sinagot ni Lu Jinnian at nagpatuloy sakanyang pagtatype pagkatapos ay unti-unti niyang inabot ang kanyang phone at sinagot ang tawag ni Qiao Anhao at nagtanong, "Anong meron?"
"Sarado ang gates villa mo at walang kahit sinong nakaduty. May access card ka ba?" Malumanay na tanong ni Qiao Anhao.
"Yeah", sagot ni Lu Jinnian. Tumayo at nagkunwaring tumitingin-tingin. Gumawa rin siya ng mga ingay para marinig ni Qiao Anhao. Pagkatapos ay hinanap niya ang kanyang access card, medyo matagal niya rin itong hinanap, at nagsinungaling over the phone, "Oh, ngayon ko lang naalala. Two days ago, naiwan ko pala yunsa hotel doon sa set noong nagpalit ako ng damit at hindi ko pa nakukuha ulit."
"Ah?" napasigaw sa gulat si Qiao Anhao. "So paano ako lalabas?"
Hindi nagsalita si Lu Jinnian, sa totoo lang nag-iisip siya isang plano. Pagkatapos ng ilang sadlit, sinabi niya ang planong naisip niya, "Bumalik ka muna. Kung hindi
ka makakaalis ngayong gabi, dito ka nalang muna."
Si Qiao Anhao, na hindi makalabas ng villa, ay naisip na rin pala ito pero naghihintay lang siya na sabihin ito ni Lu Jinnian, kaya sumagot siya ng "oh"
Hindi nagsalita si Lu Jinnian at agad na ibinaba ang phone.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES