Maagang nagising si Lu Jinnian noong sumunod na umaga para pumunta sa Mount Yi Villa. Hindi siya masyadong nakatulog dahil may konting lagnat siya kaya rin noong nagsasalita si Qiao Anhao ay tumutungo na lang siya.
Naging mahimbing na tulog ang akala niyang idlip lang. Madilim na nang bigla siyang magising mula sa kalagitnaan ng kanyang tulog at sobrang dilim din dahil nakapatay ang lahat ng ilaw sa kanyang kwarto.
Kinapa ni Lu Jinnian ang kanyang remote control para buksan ang mga ilaw sa villa. Dahil mag-isa lang siya sa kwarto, sinubukan niyang hawakan ang kanyang bandage sa likod at nakumpirma niya na nanggaling nga doon si Qiao Anhao. Agad siyang tumayo sa kama at lumabas ng kwarto.
Sobrang tahimik ng villa at bukod sa kanyang yabag, wala ng iba pang maririnig. Hindi naisara ang kanyang floor-to ceiling na bintana kaya naman nililipad ng malamig na hangin ang mga kurtina.
Naglibot siya sa buong villa pero hindi niya makita si Qiao Anhao. Hindi niya naiwasang malungkot. Umalis na ito… Matagal ding nakatayo si Lu Jinnian sa malaki pero walang laman niyang living room bago siya umakyat ulit. Inikot niya muli ang buong kwarto niya at saka siya uminom ng pills na galing sa cabinet na nasa kanyang headboard.
Napatigil si Lu Jinnian at medyo matagal na nakatulala. Kumuha siya ng sigarilyo galing sa kanyang side-drawer at habang nakaupo ay sinindihan niya ito pero hindi agad hinithit at bigla siyang may narinig na hindi maintindihang boses na hindi niya na nanggagaling sa baba.
Kumunot ang kanyang mga kilay at nakinig ng mabuti. May narinig siyang yabag ng mga paa kaya agad niyang ibinaba ang kanyang sigarilyo sa ash tray na hawak niya. Siya ay tumayo at lumabas ng kwarto, at nang malapit na siya sa hagdan ay nakita niya si Qiao Anhao na hinihingal habang may dalang malaking bag papuntang dining room.
Bumaba si Lu Jinnian papunta sa dining room.
Nakabukas ang pintuan sa dining room at nakita niya si Qiao Anhao na inilalabas ang mga pagkain at inilalatag ang mga ito sa dining table.
Tahimik na nakadungaw si Lu Jinnian sa dining room at hindi siya nagsalita ng kahit ano para hindi niya maistorbo si Qiao Anhao.
Pagkatapos ayusin ang lahat, tinignan ni Qiao Anhao ang lamesa na puno ng pagkain at pumalakpak sa saya. Tatawagin na sana niya si Lu Jinnian nang makita niya itong nakasandal sa may pintuan. Napatalon siya sa gulat pero agad rin namang ngumiti. "Gising ka na pala? Maghugas ka na ng mga kamay mo para makapagdinner na tayo."
Hindi gumalaw si Lu Jinnian habang at nanatiling napatingin sa mga mata ni Qiao Anhao at nagtanong, "Lumabas ka ngayon para lang magtake-out?"
Tumango si Qiao Anhao at sumagot ng medyo pagalit, "Ang layo ng bahay mo. Hindi sila nagdedeliver dito, kaya kinailangan kong magdrive papunta roon para makabili."
So hindi pala siya umalis…medyo kumalma si Lu Jinnian at tumayo siya ng maayos para pumunta sa communal bathroom sa first floor at maghugas ng kanyang mga kamay. Pagbalik niya, nakaupo na si Qiao Anhao na naghihintay sakanya sa dining table.
Habang papasok siya, sinabi nito, "Hindi ako marunong magluto at hindi ko rin alam kung anong gusto mong kainin kaya bumili nalang ako ng mga murang pagkain.
Hinila ni Lu Jinnian ang silya sa harap ni Qiao Anhao at umupo. Tinignan niya ang higit sa limang ulam at isang sabaw… Bagay ang karne sa gulay at ang nutrition ng mga ito ay well balanced. Tumungo siya kay Qiao Anhao at kinuha ang chopstick na inihanda nito para sakanya at nagumpisa ng kumain.
Pagkatapos ng ilang subo, tumingin si Lu Jinnian kay Qiao Anhao na kumakain ng tahimik. Napatigil siya ng sandali habang nagiisip ng topic na pwede nilang mapagusapan. Tinanong niya ito, "Paanao ka nakapasok?"
Narealize ni Qiao Anhao pagkatapos magtanong ni Lu Jinnian na na hindi ito maysadong nakakaipagusap sakanya noon. Nilunok niya muna ang pagkain na nasa kanyang chopsticks at mahinang sinabi, "Umakyat ako sa bintana"
Umakyat sa bintana…Nakagat ni Lu Jinnian ang kanyang labi. Kinuha niya ang kanyang chopsticks at kumuha ng random na ulam at isinubo para pigilan ang kanyang ngiti. Itinuloy niya ang kanyang pagkain at hindi nagsasalita.
Pagkatapos ay dahan dahang tinignan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian. Mukhang wala naman itong balak na pagusapan ang mga naging pagtatalo nila noon. Dahil dito, nagpatuloy siya sa kanyang pagkain habang nakayuko at sinimot ang kanyang kanin.
Sobrang tahimik ng dining room. Kumakain sila ng magkaharap pero hindi manlang naguusap.
Noong malapit na silang matapos kumain, biglang nagsalita si Lu Jinnian at nagsabi ng anim na number.
Nagulat si Qiao Anaho at tinignan si Lu Jinnian. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil wala siyang kaalam alam sa sinasabi nito.
Bago magpatuloy sa kanyang pagkain, sumulyap muna si Lu Jinnian si Qiao Anhao at noong naramdaman niyang busog na siya, inilapag niya ang kanyang chopsticks at inulit ang anim na number, bigla niyang tanong, "Kuha mo?"
Ano yun? Tumango si Qiao Anhao para sabihing naalala niya pero bigla rin siyang umiling.
Biglang kumunot ang mga kilay ni Lu Jinnian at sa kagustuhan niyang makuha ito ni Qiao Anhao, tumayo siya at umalis ng dining room para kumuha ng papael. Pagbalik niya, inilagay niya ito sa harap ni Qiao Anhao.
Isinulat niya sa papel ng nakacursive writing ang anim na number na sinabi niya.
Tinignan ni Qiao Anhao ang papel. Tapos tumingin siya ulit kay Lu Jinnian.
Tinignan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao mula sa itaas at ang kanyang napaka gwapong mukha ay walang reaksyong itinuro ang papel. Kumatok siya ng dalawang beses at sinabi ang limang salita, "The passcode to the mansion."
Tumalikod siya at umalis ng dining room.
Biglang may pumasok sa isip ni Lu Jinnian at huminto siya sa may pintuan, pagharap niya ay sinabi niya, "Mula ngayon ay huwag ka ng aakyat sa bintana. Kapag nahuli ka ng security system, tatawag yun ng pulis. At kapag nangyari yun, wag mo akong ituturo para piyansahan ka sa police station."
Pagkatapos sabihin niyang sabihin ang gusto niyang sabihin ay umalis na siya agad.
Pagkaakyat niya, nakita niyang hindi nakasara ng maayos ang kanyang floor-to ceiling window.
Hindi niya pa nasasabi sa kanyang assistant ang tungkol sa kanyang mansyon sa Mount Yi dahil kapag hindi maganda ang mood niya o kaya ay may sakit siya, kadalasan mas gusto niyang mapag-isa. Dahil dito, hindi siya nakahanap ng part-time na tagalinis kaya sa ngayon ay siya lang ang nagaasikaso ng mansyon. Noong pumunta siya rito few months ago, diniligan niya ang mga halaman at binuksan ang bintana para makapasok ang sariwang hangin, siguro doon niya nakalimutang isara ito.
Habang inaabot ni Lu Jinnian ang kanyang floor-to-ceiling window para maisarado ito, bigla niyang naisip yung taong nasa dining room na kumakain. Napatigil siya at sa huli ay hinayaan niya nalang na nakabukas ang bintana at patuloy siyang umakyat sa taas.
Ang passcode na may anim na numero. Pagkatapos niya itong sabihin ng dalawang beses, hindi pa rin ito maintindihan ni Qiao Anhao at ang isinulat niya sa papel, sinong nakakaalam baka bigla niya iyong mawala. Kapag bumalik siya…at kailangan nanaman niyang umakyat sa bintana… dahil mahilig naman talaga siyang umakyat sa binta, mas mabuti ng hayaan niya nalang itong nakabukas.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES