App herunterladen
20.45% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 199: Bakit hindi na lang ako? (9)

Kapitel 199: Bakit hindi na lang ako? (9)

Redakteur: LiberReverieGroup

Maliban sa paminsan-minsan tunog ng ibon, tahimik ang bundok.

Tumatama ang sinag ng araw sa mansyon, nagbibigay ito ng tila gintong ilaw sa mansyon.

Nang pangalawang beses dumating si Qiao Anhao. Hindi niya maiwasan na mamangha na tila nasa lugar sila ng Taoyuan.

Tulad ng huli bukas ang gates ng mansion, kaya pumasok si Qiao Anhao. Nakita niya nakaparada ang sasakyan na ginamit nito malapit sa pool.

Dito pala siya nagtatago mag-isa… Tinigil ni Qiao Anhao ang sasakyan, bumaba ng sasakyan at naglakad papunta sa gate ng mansion.

Pinindot niya ang doorbell pero walang nagbukas. Lalong nag-alala si Qiao Anhao. Umikot siya ng mansion tulad dati. Nakita niya ang isang bintana na bukas kaya pinasok niya ito at pumasok sa mansyon.

Pumunta sa second floor si Qiao anhao kung saan kuwarto ni Lu Jinnian. Nang bubuksan niya ang pinto, bumukas ang pinto mula sa loob.

-

Nang magising si Lu Jinnian ng kinabukasan, medyo nahihilo pa siya nang makita niya si Qiao Anhao na yakap niya.

Nang gising na siya saka niya naalala na umalis siya mag-isa sa The Royal Palace. Hindi siya uminom ng marami pero nagmaneho siya sa kalsada ng Beijing. Umikot ang isip niya sa sinabi ni Qiao Anhao, "Ang first love ko hindi siya kasing saya o kasing interesante ng tulad sa inyo. Crush ko siya at mahal ng maraming taon, nag-aral ako para makasama siya sa first class. Nag-aral uli ako para maka pasok sa A college."

Pakiramdam niya may humawak ng mahigpit sa puso niya. Ang sakit na tila na bugbog ang katawan niya. Tapos pumunta siya sa bar para lunurin ang kalungkutan niya.

Matapos na umalis sa bar, malinaw na ang utak niya. Kontrolado na niya ang bilis ng kanyang sasakyan. Humihinto siya sa pulang ilaw, umaandar sa berdeng ilaw pero sa kung anong rason bumalik siya sa Mian Xiu Garden.

Malinaw niya naalala ang lahat ng ito sa kanya. Kahit ang mga sinabi niya sa kanyang puso, hindi siya nagkaroon ng pagkakamali.

Malalim huminga si Lu Jinnian dahil sa sakit niya sa likod. Tila lumala ito dahil sa pag-inom niya.

Simula ng bata pa sila gusto niya na mayakap ito. Tuwing magkakasakit o may sugat siya, sanay siyang mag-isa. Kaya umalis siya sa kama at sinuot ang damit at umalis.

Pinilit niyang magmaneho papunta sa mansyon sa Mount Yi. Balik tayo sa kwarto. uminom siya ng dalawang anti-inflamatory na tablets bago dumapa sa kama at na tulog. Hanggang sa marinig niya ang mahinang tunog ng doorbell.

Nang umalis siya ng kama nalimutan niya na magpalit ng tsinelas kaya naglakad siya yakap papunta sa pinto. Nang buksan niya ang pinto na kita niya si Qiao Anhao.

Nagulat si Lu Jinnian na tila isa itong ilusyon.

Gulat din si Qiao Anhao kay Lu Jinnian sa pagbukas nito ng pinto. Mabilis niyang inayos ang sarili at tinignan ang maputlang lalaki sa harap niya.


Kapitel 200: Bakit hindi na lang ako? (10)

Redakteur: LiberReverieGroup

Nangunot ang noo ni Qiao Anhao at inabot ang noo ni Lu Jinnian kung may lagnat ito o wala.

Biglang nagulat si Qiao Anhao sa biglaang kilos ni Lu Jinnian. Naalala niya ang sugat sa likod niya at mabilis na hinawakan ang braso ni Qiao Anhao, "Sino nagpapasok sayo dito?"

Nagulat si Qiao Anhao sa kilos ni Lu Jinnian. Tinignan niya ito at dapat may sasabihin. Nang magsalita ito at sinabi, "Umalis ka sa mansyon ko!"

Nang matapos siyang magsalita, agad niya sinara ang pinto. Agad din na inabot ni Qiao Anhao ang pinto para itulak ang pinto pero dumulas siya at tumama sa door frame.

Pinigilan ito ni Lu Jinnian. Tinignan niya ang mga kamay ni Qiao Anhao na halos madurog na sa pinto. Tumaas ang boses ni Lu Jinnian at tila galit na ito, "Ang sabi ko umalis ka sa mansyon ko!"

Sinara ulit ni Lu Jinnian ang pinto pero hinarang ulit ni Qiao Anhao ang kamay sa door frame. Bandang huli, binuksan niya ang pinto at hinala palabas ng mansyon si Qiao Anhao.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Qiao Anhao. Agad na binuksan ni Lu Jinnian ang harapang pinto at pinaalis siya. Bago pa sumagot si Qiao Anhao sumara na ang pinto.

Kinalabog ni Qiao Anhao ang pinto pero walang sumagot. Kita niya sa bintana na umakyat pa taas si Lu Jinnian. Kaya pumunta ulit siya sa dinaanan niya kanina na bintana. Ito ang unang beses na pinaalis siya kaya maingat siyang naglakad.

Nang mapansin niya na hindi sarado ang pinto at nakadapa sa kama si Lu Jinnian. Maingat na lumapit si Qiao Anhao.

Nang malapit na si Qiao Anhao saka na pansin ni Lu Jinnian na parang may mali. Lumingon siya at bago pa niya makita ang mukha ni Qiao Anhao sumakay na ito sa beiwang niya.

Nagtaka si Lu Jinnian. Sinubukan niyang alisin si Qiao Anhao pero na una ito sa kanya at tinaas nito ang damit niya. Nakita niya ang sugat nito sa likod.

Tumigil si Lu Jinnian ng tumaas na ang kamay niya at hindi gumalaw ang katawan niya.

Ang maputi niyang likod ay may malaking galos. Dahil napabayaan, may ilang parte na may impeksiyon. Lalo ang malapit sa balikat niya na talagang namumula at namamaga.

Namutla si Qiao Anhao ng makita ang sugat at nagtanong, "Ikaw ba ang nagligtas sa akin? kaya ka ba na sugatan?


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C199
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES