Masakit ang sinabi ni Lu Jinnian. Binato niya ang ointment kay Madam Chen at hindi tinignan si Qiao Anhao.
Sina lo ito ni Madam Chen at ngumiti ng sinabi, "Handa na ang hapunan. Mainit pa kaya pumasok na kayo at kumain." Hindi umalis ng sasakyan si Lu Jinnian, nagtanong si Madam Chen, "Mr. Lu hindi kayo uuwi ngayon?
"Hindi," sigaw na sinabi ni Lu Jinnian.
Niliko niya ang sasakyan at pinaandar ang sasakyan pa alis ng Mian Xiu garden.
Malungkot si Qiao Anhao habang tinitignan ang umalis na sasakyan. Nagpanggap si Madam Chen na walang nangyari at ngumiti, "Pasok na tayo."
Matapos ang hapunan binigay ni Madam Chen kay Qiao Anhao ang ointment na binigay ni Lu Jinnain. "Madam, ang ointment ni sir."
Tinanggap ni Qiao Anhao ang ointment saka umakyat sa taas.
Buong araw na busy si Qiao Anhao kaya natural na pagod siya kaya matapos maligo, umakyat siya sa kama at dapat papatayin niya na ang ilaw. Nang makita niya ang ointment kinuha niya ito saka nag kumot. Ngunit hindi siya inaantok kahit anong gawin niya.
Bakit siya niligtas ni Lu Jinnian? Nag-aalala ba ito kanina?
Pero matapos nito hindi siya pinansin nito at masakit din ang sinabi nito.
Tinignan ni Qiao Anhao ang boteng hawak niya. Binigay niya ba ito dahil sa takot na magkaroon siya ng scar sa mukha at maka-apekto sa paningin niya? O marahil ayaw nito magkaroon ng scar ang mukha?
Lalong nalito si Qiao Anhao tuwing iniisip niya ito.
Mahigit 5 taon na ang lumipas. Nang bumalik siya sa Hangzhou ito ang unang beses na magkasama sila sa isang kuwarto. Ang akala niya interesado ito sa kanya pero siya lang pala ang nag-iisip nito.
Mahigit 5 taon na rin, nang sinabi nito na hindi siya magugutuhan nito.
Kaya bakit niya iisipin ang gantong pantasya? Siya lang naman ang masasaktan sa huli. Pinikit ni Qiao Anhao ang mata niya saka niyakap ang bote.
-
Nagpunta si Lu Jinnian sa mansyon sa Yi Mountain. Pumapasok si Lu Jinnain sa mansyon uminom siya ng tubig pagpasok bago inalis ang jacket niya. Inalis ni Lu Jinnian ang shirt niya gamit ang ngipin naalaman niya na may sugat siya.
Basta lang tinapon ni Lu Jinnian ang damit niya sa lalagyan ng labahan. Naglakad siya sa taas at hinanap ang kahon ng gamot sa gilid ng changing room. Buong lakas ni Lu Jinnian inunat ang braso niya para linisin ang sugat sa likod niya.
Masakit ito para kay Lu Jinnain at may mga parte na hindi niya abot kaya matapos ilang beses subukan sumuko siya. Sinara niya ang kahon ng gamot saka tumayo sa harap bintana na walang pang itaas.
Maganda ang kalangitan sa bundok kita ang mga kumikinang na bituin.
Matagal tinignan ni Lu Jinnian ang langit hanggang sa makita ang mukha ni Qiao Anhao gamit ang mga bituin na tulala siya hanggang sa tumunog ang telepono niya. Bumalik siya realidad na ilusyon lang pala ito.
Pumunta siya sa bedroom, kinuha ang telepono at nakita tumawag ang direktor ng "Alluring Times". Tinanggap niya ang tawag.
"Mr. Lu tungkol dun sa swing nang hapon nag-imbestiga kami. Nagkaroon ng pagkakamali sa stage pop crew ng hinahanda ang props. Hindi nila na pansin na manipis na ang tali. Pinagpalitan ko na sila. Paamo ang gagawin ko sa kanila?"
Bahagyang walang awang sinabi ni Lu Jinnian," Sigurado kang nag-imbestiga ka ng mabuti?"
"Ang stage props crew na ang nagsabi?"
Tumahimik si Lu Jinnian pero ramdam ng direktor ang pressure sa mga sinabi niya.
Pinagpawisan ang direktor dahil dito sa kaba ramdam ng direktor ang puso niya. Maingat itong nakipag-usap, "Agad ko silang tatanggalin agad din akong kukuha ng bago, Ano sa tingin niyo Mr. Lu?
"Ikaw na bahala diyan. Sana lang hindi na ito maulit pa," marahas na sinabi ni Lu Jinnain bago binaba ang telepono.
-
Naka hinga ng maluwag ang direktor ng marinig nito ang 'doot doot' sa telepono.
Lumingon siya at tinignan sila producer Sun at Lin Shiyi na nasa kanyang kuwarto. Pinunasan niya ang pawis sa kanyang ulo. Tinignan niya si Lin Shiyi at na traumang sinabi, "Parang hindi niyo kilala si Mr. Lu ayaw niya ang gulo sa crew. Kaya para kay Chief Sun, tinulungan kita pero kung mangyayari ulit ito hindi na kita tutulungan."
Matamis na ngumiti si Lin Shiyi at sinabi. "direktor maraming salamat sa inyo."
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES