Hinawakan ni Qiao Anhao ang noo niya kung saan siya nasaktan. "Galos lang naman ito. Maghihilom din ito ng 2 araw. Hindi ko na kailangan pumunta sa ospital."
Hindi makapagpasya ang direktor kaya tinignan niya si Lu Jinnain para sa opinion nito.
Tinignan ni Lu Jinnain ang bahid ng dugo sa noo ni Qiao Anhao. Nagpahiwatig ng "hindi" sa boses ni Lu Jinnian nang sumagot siya, "Pumunta ka ospital!"
"Hindi ka na dapat pang mag-abala..."
Hindi natapos ni Qiao Anhao ang sasabihin niya dahil pinutol siya ni Lu Jinnian, "Miss Qiao, na aksidente ka at parte ka ng cast kung saan kami nag-invest. Maari mong sabihin na ayos ka lang at hindi ka pumunta sa ospital pero kung magkaroon ng problema sa check-up at may na hanap na problema at manghuthot ka - anong gagawin namin?"
Nagpaliwanag si Qiao Anhao na hindi niya gagawin ito pero hindi siya pinagbigyan ni Lu Jinnian, "Saka, huwag mong ka kalimutan na pumirma ka bilang artista ng Huan Ying Entertainment. Kung hindi ka pupunta sa ospital matapos ang aksidente. Ayoko na magkaroon ng scandal ang kompanya ko dahil inabuso sila!"
Kasabay ng pagsasalita ni Lu Jinnian kinuha niya ang susi ng sasakyan sa direktor at hinawakan sa braso si Qiao Anhao. Agad silang nagpunta kung saan naka park ang sasakyan.
Matapos ng dalawang hakbang. Biglang may naisip si Lu Jinnain at masamang tinignan ang direktor, dahilan para matakot ito. Tinuro ni Lu Jinnian ang nasirang swing at sinabi, "Gusto ko pag-balik ko, Bigyan mo ako ng rason kung bakit na sira ang swing ng walang dahilan?"
Matapos nito umalis siya kasama si Qiao Anhao
-
Mabilis na pumunta si Lu Jinnian sa ospital. Hindi sila nag-usap mula sa villa hanggang sa lungsod. Dalawang oras ang biyahe pero narating ito ni Lu Jinnian ng isang oras at kalahati.
Hindi na tinanong ni Lu Jinnian ang opinion ni Qiao Anhao. Hinila niya itosa emergency ward at sinigawan ang doktor "Gusto ko ng full body check-up para sa kanya!"
Umalis siya ng hindi tinitignan si Qiao Anhao.
-
Matagal ang full body check-up. Tumayo sa hallway si Lu Jinnian at naghintay.
Paminsan-minsan pinipindot niya ang kaliwang likod niya. Nangunot ang noo niya at tila may tinitiis ito.
Bandang huli, hindi na niya kaya. Kumuha siya ng sigarilyo para mag-iba ang kanyang atensyon. Gayumpaman, nakita niya ang sign na "No Smoking". Galit niyang binalik ang sigarilyo sa bulsa niya.
Tumayo si Lu Jinnian sa harap ng bintana ng ospital sa hallway. Tinignan niya ang madilim na langit, iniisip niya ang nangyari sa noo ni Qiao Anhao. Hindi ito malala pero nasa mukha nito ang sugat. Tinawagan niya ang assistant niya.
Nasa lunsod na ang assistant niya at pumunta sa ospital dala ang maliit na bote ng gamot matapos ng kalahating oras dumating ito at binigay sa kanya.
"Mr. Lu halos ubos na ang gamot. Isang bote nalang po ang naiwan. Kung ibibigay niyo ito kay Miss Qiao, wala ng maiiwan para sa inyo."
Binili ni Lu Jinnian ang scar removal ointment sa traditional Chinese doktor dahil sa hirap ng fight scenes niya sa historical drama. Kaya kahit malala ang sugat niya basta ipahid niya lang ito walang scar na maiiwan.
Walang reaksyon si Lu Jinnian sa sinabi ng assistant niya. Kinuha niya ang ointment at binulsaat at sinabi, "Kung may pagkakataong pumunta tayo sa Yunnan, bumili ka ng marami sa dun sa traditonal Chinese doktor."
Walang sinabi ang assistant pero sa inisip ay isang beses niya lang nakilala ang traditional Chinese doktor, maraming taon na rin ang lumipas. Sino hahanapin niya para bumili ng gamot?
-
Alas 9 na ng gabi na ng matapos ang check up ni Qiao Anhao at ang resulta ay wala naman problema. Nilinis ng doktor ang sugat niya gamit ang alcohol dahil nang mahulog siya maaring na galusan ang balat niya.
Kahit sinabi ng doktor na wala naman problema nanigurado pa rin si Lu Jinnian at ginawan ng iba't ibang pagsusuri si Qiao Anhao. Nang sigurado na siya binalik niya ito sa kanya saka siya umalis ng ospital. Kinuha ni Qiao Anhao ang resulta at tinago saka siya sinundan.
-
Hindi dinala ni Lu Jinnian si Qiao Anhao sa pa balik sa crew bagkus sa Mian Xui Garden niya ito dinala saka tinigil ang sasakyan.
Lumabas si Madam Chen ng marinig ang sasakyan.
Nang lumbas ng sasakyan si Qiao Anhao upang batiin si Madam Chen. Bumaba ang bintana ng sasakyan ni Lu Jinnian at binigay kay Qiao Anhao ang bote ng ointment. Tinignan nito ang sugat niya at sinabi, "para hindi magkaroon ng scar."
Hindi ito kinuha ni Qiao Anhao saka sinabi, "Hindi daw ito magkakaroon ng scar sabi ng doctor..."
Tinanggihan niya ang ointment na bigay ko? Hindi niya pinatapos si Qiao Anhao at sinabi, "Kung mag-iwan ng scar yan, sino ba magiging responsable? Maging professional ka naman! Actress ka, mukha mo ang gamit mo sa trabaho. Ayaw ng mga manonood ang taong may scar sa mukha!"
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES