App herunterladen
17.78% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 173: Galit na si Mr. Lu (5)

Kapitel 173: Galit na si Mr. Lu (5)

Redakteur: LiberReverieGroup

Nang mataas na siya biglang na putol ang tali. Nawalan ng balanse si Qiao Anhao at hindi naiwasan tumili. Lumipad ang katawan niya at nalaglag sa lupa.

Nang makita ito ng direktor nawala ang ngiti sa mukha niya na gulat siya.

Nagulat ang lahat ng nasa set. Tumingin lang sila ng makita sumigaw si Qiao Anhao.

Kahit si Song Xiangsi na naka sandal sa puno at hawak ang kanyang telepono ay agad na tumayo. Nabitawan niya ang telepono. Agad niyang tinignan si Lu Jinnian. Bago pa siya magsalita, nanonood ito sa malapit kaya agad itong pumunta.

-

Hindi lumagpas ng 2 meters ang taas nito kaya ilang segundo babagsak na si Qiao Anhao, pakiramdam niya ang bagal niyang mahulog.

Pakiramdam niya wala siyang bigat. Pinikit niya ang kanyang mata sa takot. Ang naiisip niya ay katapusan niya na.

Nang dumating sa pinakatutok ang swing, agad siyang na hulog. Masuwerte siya kung hindi siya masyadong ma sasakyan, hindi niya maiiwasan ang a sugat. Second female lead ang role niya, kakaunti pa lang ang eksena niya. Kung masasaktan siya uurong ang buong proseso ng filming. Panigurado ng magrereklamo sila.

Narinig na ni Qiao Anhao ang pagdaan ng hangin. Kaya naghanda na siya sa sakit na mararamdaman niya.

Nang malapit ng bumagsak si Qiao Anhao sa lupa may sumalo sa kanya bago siya bumagsak. Ito ang sumalo sa kanya at ito rin sumalo ng pinakamasakit na tama. Lahat ng tao ay na tigilan, tinitigan lang ang aksidente.

Bahagyang tulala pa si Qiao Anhao, ang inaasahan niyang sakit ay hindi niya naramdaman. Akala niya isa itong panaginip. Matagal niyang pinikit ang mata niya at hindi gumalaw.

Hindi mabigat si Qiao Anhao, pero mataas ang binagsakan niya. Bumagsak siya kay Lu Jinnian, bahagya pa itong nahihilo. Matagal siyang naka higa sa lupa. Bigla niyang naalala si Qiao Anhao agad na ngayon ay nasa ibabaw niya.

Magulo ang buhok niya, naka higa lang ito at pikit ang mga mata. Tila hinimatay ito.

Nag-alala si Lu Jinnian at agad namutla.

"Qiao Anhao?"


Kapitel 174: Galit na si Mr. Lu (6)

Redakteur: LiberReverieGroup

Nang marinig ni Qiao Anhao ang boses ni Lu Jinnian, nangunot ang kanyang noo. Napagtanto niya na kaya wala siyang naramdaman na sakit at dahil may taong sumalo sa kanya mula sa pagkakahulog sa swing.

Si Lu Jinnian... ang sumagip sa akin?

Kinabahan ang puso ni Qiao Anhao.

Pikit pa rin ang mata ni Qiao Anhao, hindi gumalaw si Lu Jinnian. Nang tinapik niya ang mukha nito saka niya nalaman na may dugong tumulo mula sa ulo ni Qiao Anhao.

Pakiramdam ni Lu Jinnian sumikip ang kanyang puso at nanginig ang mga daliri niya. Nabahala at nataranta siya pero wala siyang salitang masabi.

Ang tula lang direktor ay na gising at agad na pumunta kay Lu Jinnian at Qiao Anhao. Nagising rin ang lahat sa ginawa ng direktor. Agad na lumapit ang lahat sa pinangyarihan ng aksidente.

Nang malapit na sa tabi nila Qiao Anhao ang direktor. Agad niyang tinignan si Qiao Anhao na pikit pa rin ang mata. Bahagyang na guluhan ito at direktang sinabi kay Lu Jinnian, "Lu..."

Biglang tinaas ni Lu Jinnian ang ulo niya at kita ang sama ng tingin at matinding galit sa mata niya. Galit niyang sinabi sa direktor, "Lu Anong Lu! Kayong lahat anong ginagawa ninyo? Bilisan ninyo at kumuha kayo ng sasakyan papunta sa ospital!"

Napaurong ang direktor sa galit ni Lu Jinnian at agad na tumango. "Sige..."

"Bilis!"

Ang tahimik na si Lu Jinnian agad nawalan ng pasyensya. Bago pa sumagot ang direktor sumagot ulit ito. Nakakatakot ang ekspresyon niya. Kung mabagal ang direktor ng isang segundo, maaring pumatay na siya ng tao.

Sa takot ng direktor hindi na muli ito sumagot. Nalimutan niyang utusan ang mga tao at siya mismo ang kumuha ng sasakyan.

Nang makita ng mga tao ang itsura ni Lu Jinnian, lahat ng taong malapit sa kanila ay natakot sa kanya.

Nagising si Qiao Anhao at gulat siyang 2 beses na sumigaw si Lu Jinnian ng galit.

Hindi naman siya nasaktan kaya, bakit siya dadalhin sa ospital?

Unti-unti minulat ni Qiao Anhao ang mata niya. Magsasalita sana siya pero na gulat siya sa nakita niya.

Ang Lu Jinnian na nasa harap niya ay hindi niya pa nakita ganito - maputla, nag-aalala at nababahala, tila takot na may mawala sa kanya.

Pakiramdam ni Qiao Anhao na wasak ang kanyang puso. Makita ng ganito si Lu Jinnian.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C173
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES