Lumapit si Lin Shiyi at hinila ang mataas na parte ng tali at bahagya niyang tinaas ang mga bulaklak sa paligid nito. Ginamit niya ang bato para sirain ang tali.
Hindi tumigil si Lin Shiyi hanggang sa manipis na ang tali. Binalik niya sa dati ang mga bulaklak at sinigurado na hindi ito mapapansin at saka umalis.
Matapos nito natanto niya na hawak pa rin niya ang bato kaya binato niya ito sa lawa.
-
Nang oras na para sa eksena ni Qiao Anhao ay malapit ng mag-gabi. Sakto naman nasa kanluran ang araw kaya na balot ang bundok ng kulay pula.
Si Qiao Anhao lang ang kailangan sa eksenang ito. Matapos malaman na hindi maari siyang mahalin ng secong male, nagpunta siya sa swing na tinayo nito para sa kanya at umupo siya dito para alalahanin ang nakaraan nila.
Walang mga linya sa eksenang ito at tanging ekspresyon lang ng mukha at emosyon sa kanyang mga mata nagpapakita ng sakit na hindi mo makuha ang taong gusto mo. Hindi ito mahirap para kay Qiao Anhao. Tinignan muna ng direktor ang monitor at sinigurado na wala ng problema, saka sumenyas na magsimula na si Qiao Anhao.
Naglakad papunta si Qiao Anhao na tila infatuated. Dahan-dahan niya hinawakan ang swing at naupo.
Sinabihan siya ng director na pagtuunan ang eksena bago magsimula ang filming, kaya tahimik naupo sa swing si Qiao Anhao, bahagyang tulala. Tahimik lang siya nasa swing matapos ang sandali dinuyan niya ito.
"Magaling! Maganda! Ganyan nga!"
Ang sumunod na eksena dinuyan niya ang swing at pinikit ang mata at ngumiti sa hangin.
Mag-isa lang si Qiao Anhao swing kaya mahirap sa kanya i-duyan ito ng mataas, kaya humingi nagsabi ang direktor na itulak si Qiao Anhao mula sa likod.
Nang una siyang tinulak hindi ito malakas, kaya hindi ito mataas. Sinubukan nilang muli mataas ito pero nakuhanan ang staff na tumulak kay Qiao Anhao. Kaya ginawa nila sa ika-3 beses.
Sinunod nila ang senyas ng direktor sa ika-3 beses, dinuyan muli si Qiao Anhao. Nang malayo na siya tumakbo na ang staff papalayo.
Agad naman sinara ni Qiao Anhao ang mata niya na kailangan sa eksena.
Nang nasa taas na ang swing, nagpakita ng bahagyang ngiti si Qiao Anhao.
tinitignan ng direktor sa monitor ito, kontento itong tumango at pinuri siya. Nang mataas na siya biglang na putol ang tali. Nawalan ng balanse si Qiao Anhao at hindi naiwasan tumili. Lumipad ang katawan niya at nalaglag sa lupa.
Nang mataas na siya biglang na putol ang tali. Nawalan ng balanse si Qiao Anhao at hindi naiwasan tumili. Lumipad ang katawan niya at nalaglag sa lupa.
Nang makita ito ng direktor nawala ang ngiti sa mukha niya na gulat siya.
Nagulat ang lahat ng nasa set. Tumingin lang sila ng makita sumigaw si Qiao Anhao.
Kahit si Song Xiangsi na naka sandal sa puno at hawak ang kanyang telepono ay agad na tumayo. Nabitawan niya ang telepono. Agad niyang tinignan si Lu Jinnian. Bago pa siya magsalita, nanonood ito sa malapit kaya agad itong pumunta.
-
Hindi lumagpas ng 2 meters ang taas nito kaya ilang segundo babagsak na si Qiao Anhao, pakiramdam niya ang bagal niyang mahulog.
Pakiramdam niya wala siyang bigat. Pinikit niya ang kanyang mata sa takot. Ang naiisip niya ay katapusan niya na.
Nang dumating sa pinakatutok ang swing, agad siyang na hulog. Masuwerte siya kung hindi siya masyadong ma sasakyan, hindi niya maiiwasan ang a sugat. Second female lead ang role niya, kakaunti pa lang ang eksena niya. Kung masasaktan siya uurong ang buong proseso ng filming. Panigurado ng magrereklamo sila.
Narinig na ni Qiao Anhao ang pagdaan ng hangin. Kaya naghanda na siya sa sakit na mararamdaman niya.
Nang malapit ng bumagsak si Qiao Anhao sa lupa may sumalo sa kanya bago siya bumagsak. Ito ang sumalo sa kanya at ito rin sumalo ng pinakamasakit na tama. Lahat ng tao ay na tigilan, tinitigan lang ang aksidente.
Bahagyang tulala pa si Qiao Anhao, ang inaasahan niyang sakit ay hindi niya naramdaman. Akala niya isa itong panaginip. Matagal niyang pinikit ang mata niya at hindi gumalaw.
Hindi mabigat si Qiao Anhao, pero mataas ang binagsakan niya. Bumagsak siya kay Lu Jinnian, bahagya pa itong nahihilo. Matagal siyang naka higa sa lupa. Bigla niyang naalala si Qiao Anhao agad na ngayon ay nasa ibabaw niya.
Magulo ang buhok niya, naka higa lang ito at pikit ang mga mata. Tila hinimatay ito.
Nag-alala si Lu Jinnian at agad namutla.
"Qiao Anhao?"
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES