Gustong lumapit ni Qiao Anhao kay Lu Jinnian pero lagi siyang kinakabahan at naiilang sa kanya. Matapos ng scandal ng nakaraang araw, ang pagpirma niya ng contract kahapon... Ang pagiging mainipin nito. Halu-halo emosyon ang nararamdaman ni Qiao Anhao sa loob niya.
Sakto rin naman na may nakita siyang pamilyar na actress sa malapit. Binati niya ang actree at nakipag-usap. Nag-usap silang dalawa.
Matapos ang sandali, tumunog ang telepono niya. Naalala niya nasa upuan niya ito. Gusto niyang makita ang mga notifications sa telepono niya pero kung pupunta siya, makakasalubong niya si Lu Jinnian. Bandang huli, inutusan niya si Zhao Meng na kunin ito para sa kanya.
Binati ni Zhao Meng si Lu Jinnian at Song Xiangsi bago kinuha sa bag ni Qiao Anhao ang telepono at umalis.
Binigay ni Zhao Meng ang telepono kay Qiao Anhao, Tinignan ni Song Xiangsi ang ekspresyon ni Lu Jinnian ngunit wala itong pagbabago. Kalmado lang itong naka tingin sa set.
Handa na siyang tumawa ng malakas kay Lu Jinnian at sabihin sa kanya, "Iniiwasan ka niya", pero binaba ni Lu Jinnian ang mga braso niya at kita naglalabas ang mga ugat nito.
Agad sinara ni Song Xiangsi ang bibig niya. Agad siyang lumingon kay Qiao Anhao kung saan ito may kausap. Tapos tinignan niya si Lu Jinnian... Hindi siya sigurado sa nakikita niya pero ang kalmado nito itsura ay tila tinatago ang pagiging lungkot nito
-
Mabilis na shoot ang 2 mga eksena. Maganda ang mga ito, bumuti ang pakiramdam ng direktor matapos ng 10 beses na sunod-sunod na NG. Masaya na ito na paminsan-minsan pinupuri niya ng kaunti ang mga actors.
Nabahala si Lin Shiyi sa pagpuri ng direktor. Naalala niya kung paano siya naging ka tawa-tawa kanina. Hindi lang siya sinigawan nito maging si Lu Jinnian din. Napahiya siya sa harap ng maraming tao.
Habang nakikita ito ni Lin Shiyi lalong lumala ang ekspresyon niya. Bandang huli, gumawa siya ng dahilan para umalis ng set.
Nagkaroon din naman siya ng NG, pero hindi ito katulad ngayon na napahiya siya. Lalo pa ang dahilan nito ay si Qiao Anhao!
Mula ng pumasok ito sa entertainment industry, madalas na siya ang umaapak sa ibang aktor para makarating sa tuktok. Hindi niya na mabili ang kung ilang actors ang ginawa niya nito. Maraming tao ang pag-iisip nila ay pigilan ang galit nila at iwasan ang gulo.
Kung titingnan ito ang unang beses sa buhay niya na talo siya. Ang malala pa talagang na talo siya nito.
Ah, Mali pala. Hindi ito ang una.
Ito na ang pang-4 na beses.
Ang 1 beses ay ang kinuha nito saa kanya ang role ng second female actress sa "Alluring Times".
Ang 2 beses ay ang scandal na kasama si Lu Jinnian hindi ito ang sumira sa kanya, bagkus na tulungan pa siya nito.
Ang 3 beses ay ang kinuha sa kanya ang guest role sa variety show na pinapangarap niya.
At ika-4 na ngayon.
Natalo siya ng isang tao ng 4 na beses! Ang malala pa sa dami ng NGs niya ngayon, natatakot siya na baka siya na ang usap-usapan ng mga tao sa hapag kainan sa entertainment industry.
Lalo itong na iisip ni Lin Shiyi ay lalo niya rin nararamdaman matatapos na siya. Gusto niyang tumakbo at Nagngitngit siya sa galit.
Hindi niya alam kung saan siya na punta pero ng marating niya ang dulo, nakita niya ang damuhan at may ilang taong gumagawa.
Tinignan niya ito hanggang sa matapos sila sa ginagawa nila.
Kahit anong mangyari isa pa rin siyang 1st tier celebrity, kaya kilala siya ng mga tao, at lahat ng batang babae binabati siya, "Sister Shiyi."
Kahit wala sa mood ngumiti si Shiyi, pilit siyang ngumiti. Ngumiti siya at nakita niya may ginagawa silang magandang swing na puno ng bulaklak. Maganda ito kaya nagtanong siya, "para ba ito sa filming mamaya?"
Hindi naisip ng batang babae na makikipag-usap sa kanya si Lin Shiyi. Kaya agad itong tumgano at sinabi, "Oo. Filming para kay Qiao Anhao mamaya."
Qiao Anhao? Tumaas ang kilay ni Lin Shiyi at ngumiti. "Oh."
"Sister Shiyi maari bang humingi ng pirma mo?"
Naglabas ng maliit na notebook ang babae at binigay kay Lin Shiyi.
Kinuha ni Lin Shiyi pen at pinirmahan ito.
Natuwa ang batang babae at nagpaalam kay Lin Shiyi, saka ito pumunta sa iba niyang kasama.
Tumayo lang si Lin Shiyi. Hanggang sa umalis ang lahat ng staff ng maayusan ang swing. tinignan niya itong maigi at tumitig sa tali ng swing.
Itong ang setting sa susunod na eksena ni Qiao Anhao... Sinubukan niya itong talunin ng 2 beses pero bigo siya... Pero ngayon...
Biglang sumama ang tingin ni Lin Shiyi, nag-isip, at naglakad sa bawat gilid nito. Nakita niya ang isang matulis na bato at bumalik sa swing.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES