Nang malapit na si Lu Jinnian sa kanya sumenyas siya na umalis ang mga tao sa paligid niya.
Kalmado syang lumapit kay Lu Jinnian at sinabi, "Dumating ka ng mas mabilis sa inaasahan ko!" Tinignan ni Song Xiangsi si Lu Jinnian mula taas hanggang baba. "Ah. Mr. Lu, gaano ka nag-aalala nang papunta ka dito... pawis ka pa, at... Tumakbo ka ba? Ang gulo ng buhok mo..."
Walang paki-alam sa mga sinabi ni Song Xiangsi si Lu Jinnian. Tinignan niya lang ang set bago tinignan si Qiao Anhao, na nagpapahinga. Lumingon ito kay Zhao Meng at tila may pinag-uusapan. Maganda ang ngiti nito at tila hindi mukhang nag-agrabiyado.
Agad niyang napagtanto ni Lu Jinnian na pinaglalaruan siya ni Song Xiangsi. Tinignan niya lang ito ng masama at pa alis na sana siya.
"Aye, Mr. Lu, Huwag ka munang umalis!"
Sinabayan ni Song Xiangsi sa paglalakad si Lu Jinnian. Hindi ito na tatakot, na tuwa pa ito sa itsura nito, "Mr. Lu, pawis na pawis ka. Bakit ka naman tumakbo papunta dito? Yeesh, marahil na gulo yan sa pagtakbo mo... pero gwapo ka pa rin..."
Alam na ni Lu Jinnian ang personalidad ni Song Xiangsi. Kung papansinin mo siya mamasayang lang ang lakas mo sa pakikipag-usap sa kanya. Kaya mabilis siyang naglakad.
Hindi na siya na habol si Song Xiangsi kay tumigil na siya. Napansin niya nalang na ang layo na ng nilakad niya mula sa set.
Pero para hindi makinig ang ibig tao sa usapan nila, bahagya niya lang tinaas ang boses niya ng paalis. Maingat niyang sinabi, "Mr. Lu, hindi kita niloloko. Nakipag-talo siya pero sa tingin ko na talo niya ito. Hindi lang ako sigurado kung kailan gaganti ang naka-away."
Tumigil ang sa paglalakad si Lu Jinnian. Ngumisi si Song Xiangsi at agad na bumalik sa set.
Sakto rin naman na kumuha na ng tao ang direktor para hanapin si Song Xiangsi. Nang bumalik na ito nang simula na ang third take.
Hinanap ni Song Xiangsi si Lu Jinnian sa set na dapat paalis na. Sinong makapagsasabi kung maaring nasa paligid lang ito malapit sa set.
-
Napansin ng manager ni Lin Shiyi na wala siya sa maayos na condition. Kaya bago siya sumabak sa eksena pinayuhan niya ito na umayon sa kanyang karekter. Wala na siyang sinabi pero tumatango nga siya. At sa huli, nakita niyang muli si Qiao Anhao sa harap niya.
Malumanay lang ang ekspresyon ni Qiao Anhao at kita rin ito sa kanyang mga mata. Nang makita niya si Lin Shiyi ngumiti lang siya.
Si Lin Shiyi nama tuwing ngumingiti si Qiao Anhao nagbibigay ito sa kanya ng galit. Ngunit kalmado lang si Qiao Anhao na parang pinanganak niya para matalo sa kanya.
Pakiramdam ni Lin Shiyi kahihiyan ito sa kanya, at ang kanyang emosyon pa iba-iba.
Lalong lumala ang pag--ganap ni Lin Shiyi sa filming. "Cut! Lin Shiyi, kaya mo pa bang umarte? Ang simpleng ng eksena, ang dami mo ng NG?
" Cut! Lin Shiyi, Pinagsabihan na kita. Huwag mong pansinin si Qiao Anhao! Naiintindahan mo ba yung 'huwag pansinin'?"
" Cut! Lin Shiyi, may sinasabi ka ba? Hindi malinaw ang mga linya mo!"
"Cut! Lin Shiyi, Hindi ka pa binati ni Qiao Anhao, pero sinabi mo na agad ang mga linya mo. Nagmamadali ka ba?"
Kung gaano kalala ang pagganap ni Lin Shiyi ganon naman ka ganda ang kay Qiao Anhao.
"Anong bang problema mo Lin Shiyi? Simpleng eksena hindi mo maarte."
"Tama? Sa simula palang ng TV series wala pa tayo eksena na maraming NGs!"
"Tama! Marunong ba siyang umarte? Hindi siya makumpara kay Qiao Anhao..."
"Ang simple ng eksena pero lahat ng tao nasasayang ng oras sa kanya. Sigurado gabi na tayo matatapos! Kainis!"
Nabahala si Lin Shiyi sa usapan ng mga tao. Kaya sa sumunod na sumubok niya. Dali-dali siyang pumasok at na sabi ang mga maling linya. Galit na galit na ang direktor kaya na ibato niya ang microphone.
Agad tumahimik ang buong set. Galit na tumignin ang direktor kay Lin Shiyi. Wala siyang masabi sa kanya kaya tinaas niya agad ang kamay niya kay Lin Shiyi ng "1", ibig sabihin huling chance na niya ito.
Marahil dahil sa galit ng direktor kay Lin Shiyi, wala na siyang masyadong pagkakamali kaya lang hindi pa rin ang maganda ang pag-ganap niya o dahil maraming oras na ang nasayang kaya binaba na ng direktor ang standards niya na kahit ano pa ang ginawang eksena ni Lin Shiyi at galit na siya sumigaw siya ng "Pass!"
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES