Sadyang hiningi ni Qiao Anhao kay Lu Jinnian ang variety show. Dahil ito ang paraan ni Lin Shiyi para sa publicity. Kung kukunin ito ng pinaka-ayaw niyang tao... hindi ba sira-sira ka nito?
Naghanap ng magandang pagkakataon na sabihin ni Qiao Anhao ang balita kay Lin Shiyi. Bago pa niya ito magawa may opportunities na dumating agad sa kanya.
Sa TV series, si Song Xiangsi at Lin Shiyi ay mag-karibal sa pag-ibig, at si Qiao Anhao ang dating kaibigan pa Song Xiangsi. Ang eksena nila ngayon ay magkakasama silang tatlo.
Ang eksena, tungkol kay Song Xiangsi at Xiao Anhao na magkita para mag-kape at dahil mag-kaaway sila at tadhanang magkita, nakita nila si Lin Shiyi. Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ni Song Xiangsi at Lin Shiyi. Para naman kay Qiao Anhao isang lang siyang background na wala masyadong gagawin.
Ang eksena at kinuhanan ng 3 ng hapon sa isang magandang cafe kaya nag-set up agad ang crew.
Unang pumasok si Song Xiangsi sa eksena. Umupo ito at hinintay ssi Qiao Anhao sa cafe.
Ang cameraman ang nag-filming ng eksena ni Lin Shiyi, Qiao Anhao at Lin Shiyi ay nasa isang gilid hinihintay ang signal ng direktor.
Hindi magawang pigilan ni Zhao Meng ang inis niya. Kahit alam niya kung sino ang gumawa nito, hindi niya maaring sabihin ito ng walang ebidensya. Kaya ng makita niya si Lin Shiyi na malapit sa kanila, hindi niya maiwasan na sabihin kay Qiao Anhao, "Qiao Qiao, Tingin mo sino kaya ang nagpakalat ng ganon klaseng tsismis tungkol sayo? Grabe ang sama!"
Tumingin si Qiao Anhao kay Lin Shiyi, na malapit lang. Ngumiti siya at sinabi, "Pwedeng kahit sino iyon... Pero dapat pasalamatan natin siya. Kung hindi dahil sa kanya, wala sana tayo dito ngayon, isa sa mga top 10 na searched sa Weibo."
Kahit galit si Zhao Meng hindi siya tanga. Nang marinig niya ang sinabi ni Qiao Anhao, agad siyang tumango at sinabi, "Tama ka... Ngayon, kasi kahit gaano mo pasikatin ang isang tao, hindi lahat nagtatagumpay. Samantalang ngayon dati ilang libo lang ang followers mo sa Weibo pero dahil sa doon nagawang mong umabot ng million..."
Kinuha ni Zhao Meng ang telepono niya at binuksan ang Weibo, at tinuro ang profile pic ni Qiao Anhao. Sinabi niya," Tignan mo malapit ka nang umabot ng 10 million!"
Hindi na sumagot si Qiao Anhao. Lumingon lang siya kay Lin Shiyi at ngumiti, na malapit sa kanila. Maganda ang ngiti ni Qiao Anhao na tila nang aasar at panghahamak.
Nitong mga araw, masama ang mood ni Lin Shiyi. Matapos kuhanan ang mga litrato, dapat katapusan na ni Qiao Anhao, pero hindi niya inaasahan na sasali si Song Xiangsi.
Sa bandang huli, para tangang nagpakahirap si Lin Shiyi para tulungan si Qiao Anhao. Hind niya ito na siraan, bagkus tinulungan niya pa itong sumikat.
Puno siya ng galit at walang paraan para ilabas ito. Kinabukasan naka tanggap siya ng tawag sa station na pinalitan siya bilang guest sa variety show. Pero, sino? Panandaliang confidential pa ito.
Para makuha niya ito kailangan niya gamitin ang katawan niya para sa chief ng Station, ang matabang at matandang lalaki. Para sa wala rin ang pag-gamit niya ng katawan niya.
Malungkot na siya ngayon, sina Qiao Anhao at ang assistant nito ay lumapit pa sa kanya para lang ipakita ang tungkol sa scandal, kasabay ng pagyayabang nila.
Pansin na ni Qiao Anhao kung gaano kainis si Lin Shiyi kaya ngumiti siya, na tila sinasabing, "Salamat sa tulong mo."
Agad naman na nginig sa galit si Lin Shiyi. Nang handa na siyang balikan si Qiao Anhao, tinawag ng direktor ang pangalan nito.
Hindi masabi ni Lin Shiyi ang gusto niyang sabihin. Galit na galit niyang tinignan si Qiao Anhao na pumunta sa tabi ni Song Xiangsi.
Nag-usap ng maikli sina Song Xiangsi at Qiao Anhao bago pumasok sa eksena si Lin Shiyi, hindi nila nakita ang isa't isa sa loob ng cafe kaya tahimik ang lahat. Nang pumunta sa banyo si Song Xiangsi nakasalubong sila ni Lin Shiyi.
Ayon sa script dapat si Lin Shiyi ang unang magagalit kasunod ni Song Xiangsi na magsasabi ng magagaan na salita sa galit na si Lin Shiyi. Nang oras na iyon pumasok si Qiao Anhao at binati si Lin Shiyi, titignan niya lang ito. Pero hindi nito sadya na gulohin siya, at nagpapatuloy siya sa pakikipag-away kay Song Xiangsi.
Maganda ang pag-ganap nilang tatlo sa mga nakaraang eksena. Beteranang aktress na si Song Xiangsi kaya wala ng magiging problema sa kanya, pero hindi gustong magpatalo ni Qiao Anhao kay Lin Shiyi. At hindi papayag si Lin Shiyi na matalo ni Qiao Anhao. Kaya para parehas nilang ginawa ang makakaya nila, pagdating sa acting skills nila.
Gayumpaman, ng babatitiin na ni Qiao Anhao si Lin Shiyi, lumingon ito at binati siya ng may ngiti.
Ang ginawa nito ay gaya ng ngiti na ginawa ni Qiao Anhao kanina sa set.
Agad naalala ni Lin Shiyi ang napag-usapan ni Qiao Anhao at ng assistant nito bago nag-simula ang filming. Kasama ng mga nangyari ng nakaraang araw nakaka wala ito ng pagiging mahinahon niya. Masama na ang tingin niya kay Qiao Anhao.
Hindi nagtagal sumigaw ng direktor ng, "Cut!" pinagsabihan niya si Lin Shiyi, "Lin Shiyi, bakit ang sama ng tingin mo kay Qiao Anhao? Dapat kay Song Xiangsi!"
Agad humingi ng tawad si Lin Shiyi sa direktor.
Hindi na siya sinisi ng direktor, pero sinabi nito, "Sige ulit." Pumunta ang make up artist para ayusan sila.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES