Tinignan ni Lu Jinnian ang message, lalong siyang nainis. Hinagis niya sa gilid ang telepono pero lumipas ang ilang sandali, kinuha niya ito at sumagot ng isang salita: "ok"
Agad naman nagpasalamat si Qiao Anhao.
Hinagis ulit ni Lu Jinnian ang telepono sa kama. Pagod siyang Humiga sa kama at pinikit ang mata.
Noon, mahirap pa siya, nang hindi pa siya nababagay dito, hindi siya umamin sa kanya, pero ng magkaroon siya ng buwang dalaw, dinala niya ito sa nurse office at nanatili sa tabi niya buong hapon. Noon, Nang malaman niya nawala ang wallet nito, nag-travel siya ng matagal para sunduin ito bago patuluyin sa bahay niya ito. Pero ngayon, nang mayaman na siya at maibibigay na niya na buhay na gusto niya, nawalan siya ng karapatan mahalin ito.
Mula sa simpleng atensyon hanggang sa naging malalim na pagmamahal, ang babaeng one true love niya na hindi niya pwedeng mahalin. Paano nangyari ito?
Ngayon magagamit niya lang ang kasunduan nilang para manatili sa tabi ng babaeng gusto niya protektahan habang buhay, ang babaeng gusto niya protektahan buong buhay niya.
Namuo ang luha sa gilid ng mata niya. Tinago niya ito at matapos ng mahabang panahon, tumayo siya. Kinuha nag jacket papunta sa filming set.
Nang makarating siya sa set, katatapos lang ng filming ni Song Xiangsi, tanggal na din ang makeup nito at handa ng pumasok sasakyan.
Mabilis itong pinigilan ni Lu Jinnian. Tingnan siya ni Song Xiangsi bago lumingon sa manager at assistant niya. "hintayin niyo ako sa labas."
Agad itong mga umalis.
Tinignan ni Song Xiangsi si Lu Jinnian. Binaba nito ang kamay niya para makapasok siya sasakyan. Sumunod itong pumasok at sinara ang pinto.
"Mr. Lu, Bakit ka na rito?" Tanong ni Song Xiangsi nang buksan niya ang mineral water. Nang matanto niya na hindi niya mabuksan pinasa niya ito kay Lu Jinnian. "Tulong naman na buksan ito."
Hindi siya pinansin ni Lu Jinnian, tinignan lang siya nito. Ginalaw niya ang bibig niya bago pilit na sinabi, "Tulungan mo ako at papayag ako sa isang hiling mo."
Ginamit na ni Song Xiangsi ang ngipin niya para buksan ang bote bago ngumiti kay Lu Jinnian, "Kahit ano? Magtabi tayo sa kama?"
"Hindi!" Agad na sinabi ni Lu Jinnian.
"Hmph, para namang gusto ko." Ngumuso si Song Xiangsi. Uminom ito ng tubig bago lumingon kay Lu Jinnian. "Paano kung sabihin ko na gusto ko ng 10% ng shares sa Huan Ying Entertainment? Ibibigay mo ba?"
"Payag ako," Agad sumagot si Lu Jinnian ng walang pagdadalawang-isip.
"Mr. Lu, alam mo ang ibig sabihin ng 10% share ng Huan Ying Entertainment? May opinion na ang investors sa productions sa hinaharap, tama ba ako?" Kalmado ng tanong ni Song Xiangsi.
"Tama." Agad na sagot ni Lu Jinnian.
"At ikaw ang pag-aari mo lang ay 50% ng shares sa Huan Ying Entertainment, tama? Kung binenta mo sa akin ang 10%, magbabago ng CEO ang Huan Ying Entertainment. Ilang taon mong tinayo ang company ito. Sigurado ka bang hindi mo pag-isipan ito?"
Nangunot ang noo ni Lu Jinnian iniisip niya na tila bahagyang naka inis si Song Xiangsi. "Bakit ang dami mong sinasabi? Isang sagot, payag ka ba o hindi!"
Tinignan ni Song Xiangsi ang mga mata ni Lu Jinnian. Matapos ng mahabang panahon, uminom ulit siya. Nagsalati na ito at walang ng paligoy-ligoy. "Lu Jinnian, sa naalala ko, maraming taon natin kilala ang isa't is. Mula ng una kang pumasok sa entertainment industry hanggang ngayon, hindi ka humingi ng tulong sa iba."
Wala ng sinabi si Lu Jinnian.
Tumawa sandali si Song Xiangsi. Naalala ko ng una kita makilala, may isang boss ng coal company na gusto kang maging sugar daddy. Hindi ka pumayag, kaya ginamit niya ang posisyon bilang investor para pahirapan ka. Habang filming, malinaw ang usapan na peke ang fight scene, pero ng nasa filming na, malakas ang suntok nila sayo, sunod-sunod ang tama sayo, hanggang sa naratay ka ng 1 buwan.
Kahit noon, kita ko na ang pride na dala mo. Ang nasa isip ko, sinong tao sa mundo ang magagawang payukuin ang aroganteng taong ito. Sino nga naman ang maiisip, na para sa kanya, handa kang isuko ang lahat at para sa kanya handa kang humingi ng tulong sa iba. Maari mo pang ibigay ang Huan Ying Entertainment, ang company na tinayo mo. Lu Jinnian, hindi ko inaasahan ito. Ang cold-blooded na katulad mo, kasabay ng init ng ulo at pagiging dominante mo... "
Hindi naging comfortable si Lu Jinnian. Nang may sasabihin siya, " Song Xiangsi, kakaiba ka ang dami mong walang kuwenta ng sinabi."
Binuksan na ni Lu Jinnian ang sasakyan at lumabas.
"Sige, sige!" Tinawag ni Song Xiangsi Si Lu Jinnian. "Hindi ko gusto ang shares ng Huan Ying Entertainment, wala rin akong hihingin sa iyo. Sagutin mo lang ang tanong ko. Totoong sagot. Kung maganda ang sagot mo, tutulungan kita."
Bumalik sa pag-upo si Lu Jinnian. "Anong tanong?"
Tinanong siya ni Song Xiangsi. "Una sa lahat, lilinawin ko lang hindi ako interesado sayo kahit bahagya, hindi rin kita gusto. May gusto na ako. Nagtataka lang ako, ang rason kung bakit ko ito itatanong."
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES