Naging masama ang tingin ni Qiao Anhao nang sinabi niya, "Ang taong gagawa nito ay pinipigilan akong sumikat, dahil na haharangan ko siya. Tingin mo ang comments, siya lahat ang nakinabang."
Tinignan ni Zhao Meng ang comments. "Si Lin Shiyi! Marami sa comments nagrereklamo na kinuha mo ang role niya..." Mukhang naintindihan na rin ni Zhao Meng ang lahat, "Sigurado akong siya yun! Ang rason kung bakit siya nakilala sa industriya ay dahil sa pag-arte niya ng inosente at paninira inya sa iba!!"
"Oo, siya nga. Pero hindi ko hahayaan na gamitin niya ako ng ganyan!"
"Qiao Qiao, may naisip ka ng paraan?"
Maaga pa lang, nang hinanap si Lu Jinnian ng assistant niya, na kita nito ang masamang mood nito kaya naging maingat nito.
Nang hapon, maraming dalang documents ang assistant niya sa office. Kailangan pirmahan ni Lu Jinnian ito, maingat siya ng tumayo sa gilid, takot na baka mainis si Lu Jinnian.
Ang bigat ng pakiramdam sa buong kuwarto. Nasa loob ng ilang minuto, pinagpawisan ang assistant, at matapos pirmahan ito ni Lu Jinnian at pirmahan ang mga documents, paalis na ito ng kuwarto, pero bigla nito naalala ang balita sa 'Weibo' tungkol kay Lu Jinnian at Qiao Anhao.
Nagdalawang - isip ang assistant bago i-ulat ang balita, "Mr. Lu, may balita tungkol sa inyo sa Weibo ngayon."
Hindi na bago kay Lu Jinnian ang balita sa 'Weibo.' kaya humithit siya na lang siya ng sigarilyo.
Nagpatuloy ang assistant niya, "Ang balita ay tungkol sa scandal sa inyo ni Miss Qiao."
Miss Qiao... Natigilan si Lu Jinnian, humithit siya ng sigarilyo. Tinignan niya ang assistant niya, senyales na magpatuloy ito.
"Nang pumasok sa kuwarto niyo si Miss Qiao Anhao kahapon, may kumuha ng litrato sa inyo at pinost sa 'Weibo.' Ngayon lahat ng tao galit sa kanya..." agad sinara ng assistant ni Lu Jinnian ng makita ang sama ng itsura niya.
Tinigil agad ni Lu Jinnian ang paninigarilyo bago pinindot ang keyboard. Matapos ng ilang segundo na sa 'Weibo' na siya.
Gaya ng sinabi ng assistant nasa balita ang scandal ni Qiao Anhao.
Pinindot agad ni Lu Jinnian ang link. Tinignan niya ang litrato bago tignan ang comment section. Lahat ng comments puno ng reklamo kay Qiao Anhao, at ang sumunod na pangyayari, binato niya ang mouse sa sahig.
Nagulat ang assistant ni Lu Jinnian sa reaction niya at nanginig sa takot. "Bang!" biglang kalabog ng malakas, Lumingon ang assistant niya kita nito kung paano na wasak ang mouse.
Maingat siyang tumignin ka Lu Jinnian. Ang frosty ang ekspresyon nito habang naka upo at tuktok sa screen. Kahit tahimik ito, kita mata nito ang galit.
Nang makita ito ng assistant niya alam na nito na galit ito, kahit gamo hindi nito mabasa ang iniisip nito ng oras na iyon, pero alam niya kung paano ito pakalmahin ito. Huminga ito ng malalim at mahinang nagsalita, " Mr. Lu, gusto niyo bang kumuha ako ng tao para kumausap sa Weibo officials? maari nilang burahin ang post."
Patuloy lang tinignan ni Lu Jinnian ang screen ng matagal. Pigil niyang sinabi, "Maari ka ng umalis, ako ng bahala dito."
Mabilis na tumango ang assistant niya at sinabi "Opo". Mabilis at maingat itong umalis ng kuwarto dala ang documents, ingat na baka lalong mainis si Lu Jinnian.
Nang umalis ang assistant ni Lu Jinnian, hinawakan ni Lu Jinnian ang touch pad ng laptop. Ilang minuto lang lumipas marami ng tao pinagsasabihan si Qiao Anhao.
Sinara na lang ni Lu Jinnian ang laptop.
Paano kung nakita ni Qiao Anhao ang mga messages...
Nawalang ang pagiging kalmado ni Lu Jinnian. tumayo siya ng kuwarto at pabalik-balik ito sa kuwarto. Sa bandang huli, naupo siya at kinuha ang telepono at tinawagan si Qiao Anhao.
-
"Qiao Qiao, may naisip ka na?"
Umiling si Qiao Anhao ng dahan-dahan, at ng sasabihin na nitong "Hindi pa", biglang tumunog ang telepono niya.
Umalis ng kama si Zhao Meng at kinuha ang telepono ni Qiao Anhao sa loob ng bag niya. Nang makita niya si ang Caller, agad niya itong binigay kay Qiao Anhao. "Tumatawag si Lu Jinnian."
tuktok ang atensyon ni Qiao Anhao sa taong gumawa. Nalimutan niya na kasali si Lu Jinnian sa scandal na ito. Nang kasal nila nangako siya na hindi malalaman ng publiko ito, pero ngayon alam na ng laha. Pagsasabihan ba siya nito?
Nagtiim ang bagang niya. Kinuha ang telepono at naglakad papunta sa bintana at huminga ng malalim bago sumagot.
"Hello?"
Nang marinig ni Lu Jinnian ang boses ni Qiao Anhao, naging kalmado it. Sa galit niya, halos mawala siya sa sarili niya at ng tawagan niya ito...
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES