Hindi ito iniisip ni Qiao Anxia at sumagot siya, "Si Qiao Qiao may sipon siya. Hindi maganda pakiramdam kaya hindi niya gustong pumunta."
Kalmado lang itong tumango pero sa puso niya nasasaktan ito.
Nang mga oras na iyon, alam niya na ito ang taong hindi niya pwedeng mahalin, kahit nag-aalala siya, wala siyang karapatan na dalawin ito. Sa bandang huli, Nagmaneho siya papunta sa mansion ng Qiao family, nagbantay siya doon hanggang umaga bago umalis.
Alam niya na si Qiao Anhao ang taong hindi niya pa kayang pasanin pero hindi niya ito magawang pakawalan.
Kahit hindi na sila nag-uusap. Gusto niya malaman kung paano ang pamumuhay nito.
Tulad ng ginawa niya nakipag-usap siya kay Qiao Anxia para makakuha ng kaunting impormasyon... Ng hindi nalalaman, Nagtagal ito ng 4 na taon. Hanggang sa araw na lumapit ang magulang ni Xu Jiamu na si Han Ruchu sa kanya. gusto nito na magpanggap siya bilang si Xu Jiamu at pakasalan si Qiao Anhao... Titigil din siya makipag-usap kay Qiao Anxia.
Mula ng mangyari ang incident 5 na taon nakalipas, Alam niya na si Qiao Anhao ang babaeng hindi niya pwedeng mahalin. Kaya naging cold siya dito pero hindi nawala ang pag-ibig niya. Hindi niya naisip na magmahal ng iba o kumuha ng mas bagay sa kanya.
Gayumpaman, Nang marinig niya na kinausap ni Qiao Anxia si Qiao Anhao na interesado siya sa kanya at maaring maging boyfriend. Hindi lang siya na galit pero nag-alala.
Nag-alala si kay Qiao Anhao na magkaroon ito ng maling pagkakaintindi na gusto niya ang kapatid niya.
Nang araw din yun bumalik siya sa set at naghintay sa hotel. Yung pinuntahan ni Qiao Anhao, sumakay siya agad sa sasakyan ni Qiao Anxia.
Galit na galit siya, nakapag-sabi ito ng masama sa kanya. Pero para ito sa ikakabuti ng niya. Lininaw na hindi magiging sila.
"Knock! Knock! Knock!"
Nawala sa pagkatulala si pag-iisip si Lu Jinnian tumayo ito at binuksan ang pinto.
Tumango si Qiao Anhao, naintindihan nito ang sinabi niya, pero ng umalis ang assistant ni Lu Jinnian nawala ang ngiti niya.
Buong hapon magulo ang isip niya tungkol kay Lu Jinnian at Qiao Anxia. Ayon sa sinabi ng kapatid niya maganda ang relasyon nila ni Lu Jinnian.
Nang simula, sumang-ayon siya sa hiling ni Han Ruchu, na sana magkasama sila ng mahabang panahon na magkaroon sila ng pagkakataon siya at si Lu Jinnian, pero sa huli si Qiao Anxia, hindi siya nagkaroon ng pagkakataon...
Nalungkot siya. Matagal siyang nasa harap ng hotel bago pumasok sa kuwarto. Matapos mahanap ang telepono niya. Naghanda na siya. Nang dumating ang assistant ni Lu Jinnian, nang sabihan siya, tumawag siya sa hotel ng restaurant at nag-order ng hapunan.
Ito ang oras kung saan maraming crew ang nasa elevator, kaya mataas ang pagkakataon na makakita siya ng kakilala niya. Takot siyang makita pinili ni Qiao Anhao ang hagdan kahit mainit ang pagkain.
Nang oras din iyon, may natanggap na tawag si Lin Shiyi galing sa producer pero nasa isa itong maliit na pagpupulong, kaya umalis siya para sagutin ang tawag. Nag-uusap silang dalawa.
Maraming taong naglalakad sa emergency staircase pero ng itulak niya ang pinto nakita niya si Qiao Anhao sa maliit na salamin. Hawak ang food tray papunta sa taas.
Nagduda si Lin Shiyi, sino ang dadalhan niya ng pagkain?
Nagdalawang-isip siya kung susudun ito pero pinatay niya ang telepono at sinundan si Qiao Anhao ng tahimik.
Binuksan ni Lu Jinnian ang pinto ng makita niya si Qiao Anhao.
-
Huminga ng malalim si Qiao Anhao. Malalaki ang hakbang niya ng pumasok sa kuwarto at sinara ang pinto.
Mukhang pumasok sa shower si Lu Jinnian dahil sa agoos ng tubig. Nilagay sa coffee table ni Qiao Anhao ang hapunan harap ng sofa. Inabot niya ang mga naka ayos na documents sa lamesa. Itatabi niya sana ito ng lumabas sa banyo si Lu Jinnian.
Mahigpit ang hawak niya sa documents at malumanay nagpaliwanag "Sinabi ng assistant mo na hindi ka pa kumakain ng kaya kinuha kita ng hapunan."
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES