Ang akala niya si Lu Jinnian lang ang pagkakamali niya.
Tinanggap niya ang pagkakamaling ito.
Hanggang nakalipas na 4 na taon. Tuwing magkikita sila ni Lu Jinnian ay mag-uusap sila.
Kahit hindi niya ito maintindihan, sa mga taong na kilala niya ito, masasabi niyang malapit siya sa kanya. Hindi pa lumihis ng daan si Lu Jinnian para kumausap ng babae.
Ang akala niya masyado lang siya nag-iisip pero naging isa, dalawa, hangang sa tatlong beses... Sa loob ng 4 na taon, laging makikipag-usap sa kanya si Lu Jinnian... Kaya nagsimula siyang mag-isip na interesado ito sa kanya.
Ang totoo, nang bata pa sila hinabol niya ito dahil sa gwapong itsura. Lahat ng nakita niya mukha ito dito siya tinamaan. Kaya gusto niya itong maging boyfriend.
Ang pakiramdam niya noon, meron siyang limited edition na handbag sa mundo. Gusto niya na mainggit ang lahat sa kanya.
Kaya naisip niya na ang maging boyfriend si Lu Jinnian ang magbibigay nit sa kanya.
Sumuko na siya dati sa kanya pero nabuhay it at tila interesado sa kanya.
Ngayon na si Lu Jinnian ang best screen actor sa loob ng 6 na taon, ang CEO ng Huan Ying Entertainment, at ang titulo na 'Nation' s Husband'.
Gayumpaman, siya lang pala ang nag-iisip na gusto siya ni Lu Jinnian na hanggang ngayon ay hindi siya gusto.
Dahil sa kanya nawala ang Qiao Anxia na nakukuha ang lahat ng gusto niya mula pagka-bata.
Gusto niya malaman kung sino ang babaeng gusto nito - amg babaeng na gawang committed si Lu Jinnian, ang taong hinihintay niya ng mahigit sa 10 na taon.
Tinignan niya si Lu Jinnian na palabas na ng sasakyan. Nagtanong siya dahil gusto niya malaman kung sino, "Lu Jinnian, sino ba ang babaeng gusto mo?"
Binuksan niya ang sasakyan ng bigla siyang tumigil. Matapos ng ilang segundo sumagot siya, "Hindi ka karapat-dapat na malaman kung sino siya!"
Umalis na siya ng sasakyan. Hindi ito tumigil at umalis na.
Nasa sasakyan si Qiao Anxia. Kita niya sa salamin ang malayong anyo ni Lu Jinnian. Hindi niya mapigalan na maiyak.
-
Nang dumating sila sa top floor lumabas si Lu Jinnian.
May dalang documents ang assistant niya at naghihintay sa pinto, Nagsabi, "Mr. Lu sa hapon, magbibigay ng ilang documents ang vice president ng company. Ang sabi importante daw maari po sana na tignan niyo. Kung wala po kayong tanong maari niyo na itong pirmahan agad at mabalik sa company."
Tumango si Lu Jinnian at kinuha ang key card ng kuwarto. Kinuha niya ang documents, naupo sa sofa at binasa ito.
Mga 7 documents ang binasa niya at pinirmahan. Gabi na ng matapos siya.
binigay na ni Lu Jinnian ang documents sa assistant niya at sumenyas na bumalik na sa company.
Nakita ng assistant niya 8 na at hindi pa kumakain si Lu Jinnian, kaya nagtanong ang assistant niya, "Mr. Lu, gusto niyo tumawag ako sa kitchen para sa hapunan niyo?"
Marahil dahil sa pagbabasa ng maraming documents saka lang naramdaman ni Lu Jinnian ang pagod. Sumenyas lang ito na hindi na kailangan.
Nakuha agad ito ng assistant niya. Habang yakap ang documents, mahina nito sinabi, "Mr. Lu, kung wala na kayong kailangan, aalis na ako."
Minasahe ni Lu Jinnian ang pagitan ng kilay niya saka tumango.
Tumalikod na ang assistant niya ng biglang nagsabi si Lu Jinnian, "Maya-maya, Dumaan ka sa kuwarto ni Miss Qiao at sabihin mo dumaan siya dito."
"Opo," Mahinang sagot ng assistant. Tahimik itong umalis.
Si Lu Jinnian ang naiwan sa suite niya. Humiga siya sa sofa, tumingin ito sa langit sa may bintana. Naisip niya ang mga sinabi ni Qiao Anxia nung nasa restaurant pa ito.
Nang bata pa si Qiao Anxia bigo ito makuha siya, kinikita niya lang ito dahil kina Qiao Anhao at Xu Jiamu. Pero hindi niya ito masyado kinausap.
Hanggang sa 4 na tao na lumipas. Nang mga oras na iyon hindi niya na kausap si Qiao Anhao ng 7 buwan o narinig na balita sa kanya.
Nang gabi iyon nagpunta sa Royal Palace ang mga kaibigan ni Xu Jiamu para kumanta. Na huli si ng kaunti. Kaya ng dumating siya ang naiwan na upuan ay sa tabi ni Qiao Anxia. Kaya doon siya nagpunta at naupo.
Nung una, Hindi si Qiao Anxia ang nakipag-usap sa kanya, ni hindi rin siya nakipag-usap. Maya-maya, nang naglalaro na ang lahat nagbigay ito sa kanya ng seive at may sinabi.
Nag-usap sila ng maikli at saka nagtanong si Lu Jinnian, "Ano ng nangyari kay Qiao Anhao? Bakit hindi siya pumunta?"
Hindi ito iniisip ni Qiao Anxia at sumagot siya, "Si Qiao Qiao may sipon siya. Hindi maganda pakiramdam kaya hindi niya gustong pumunta."
Kalmado lang itong tumango pero sa puso niya nasasaktan ito.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES