Nang lumabas sila ng elevator. Hindi napigilan na matanong ni Qiao Anhao kay Qiao Anxia. "Sis, yung lalaking sinasabi mong baka maging boyfriend mo ay si Lu Jinnian?"
Tumango si Qiao Anxia at mahinang sinabi, "Ang totoo, medyo magulo kasi. Nung una, akala ko walang namamagitan sa amin ni Lu Jinnian - na magkaibigan kami habang-buhay. Pero nitong mga ilang taon, nagkakasalubong kami sa mga parties tapos mag-uusap ng konti. Qiao Qiao, Alam mo naman na suplado at arrogant si Lu Jinnian. Sinabi niya na dati na wala pang babae nakakuha ng atensyon niya. Hindi ko masyado iniisip yun pero ngayong mga ilang taon na. Pakiramdam ko interasdo siya sa akin..."
-
Nang binayaran ni Lu Jinnian ang bill, nakita niya si Qiao Anhao at Qiao Anxia palabas ng elevator. Kinuha niya agad ang card niya, hinabol niya ang dalawa, nang marinig niya ang boses ni Qiao Anhao. Hindi siya nagsalita at nakinig sa paliwanag ni Qiao Anxia.
Masama ang ekspresyon agad niya at tumigil.
-
Umalis ng restaurant sina Qiao Anxia at Qiao Anhao ng restaurant. Hindi nila na pansin si Lu Jinnian, nang tatawag na si Qiao Anxia at para malaman kung na saan ito, pero umalis ito ng hindi nagpapaalam ng dumaan ito sa kanila. Dumiretso ito sa kanyang sasakyan at umalis.
-
Binaba ni Qiao Anxia si Qiao Anhao sa hotel. Nang makapasok na ito sa loob. Handa na siya umalis ng biglang bumukas ang pinto ng sasakyan.
Nagulat siya at nakita ang masamang tingin ni Lu Jinnian naka upo sa sasakyan.
Bago pa siya makapagsalita. Nagturo agad si Lu Jinnian ng direksyon at sinabi, " Magmaneho at tumigil ka doon."
Hindi mahulaan ni Qiao Anxia bakit pumasok si Lu Jinnian sa sasakyan niya, pero hindi na siya nagdalawang-isip at tahimik na nagmaneho.
Pinatay niya ang makina at ngumiti kay Lu Jinnian. "Hinahanap mo ba ako..."
Hindi niya natapos ag sasabihin ng magsalita si Lu Jinnia, " Qiao Anxia."
Tinawag na siya nito sa buong pangalan pero ngayon masama ang pakiramdam ni Qiao Anxia dito. Tinignan niya lang ito at walang sinabi.
"Hindi ko maalala na binigyan kita ng impresyon na interesado ako sayo..."
"Hindi ko maalala na binigyan kita ng impresyon na interesado ako sayo..." Tinignan ni Lu Jinnian ng masama si Qiao Anxia. Ang mga sumunod niyang sinabi malinaw na humihingi ito ng tawad pero masakit itong pakinggan. "Kung ginawa ko, humihingi na ako ng tawad. Sana tigilan mong lokohin ang sarili mo. Huwag kang magsabi ng bagay na walang katotohanan!"
Diresto itong sinabi ni Lu Jinnian. Bahagyang na bigla si Qiao Anxia at tinignan si Lu Jinnian. Dahan-dahan namutla ang mukha niya at nagtiim bangang. Matagal bago siya nagtanong,"Narinig mo ba ang pag-uusap namin ni Qiao Qiao?"
Hindi sinagot ni Lu Jinnian ang tanong. Masama siyang tumingin. "Ang rason kung bakit ako naka upo dito ay simple lang, ito ang sabihin sayo na ang mga bagay na ayoko na dati, hindi ko na ulit pinupulot!"
Lalong namutla ang mukha ni Qiao Anxia, bahagyang namula ang mata niya pero huminga siya ng malalim. Pinigilan ang lungkot na bubuo sa loob niya, pinilit niyang maging kalmado.
Tinignan niya si Lu Jinnian saka nagtanong," Bakit?" Hindi siya naghintay sa sagot nito. "Dahil ba sa babaeng gusto mo?"
Hindi maiwasang ngumiti si Qiao Anxia. " Maraming taon na ang lumipas at mag-isa ka pa rin, nagpapakita na hindi kayo pwede ng babaeng mahal mo. Mahigit 10 taon - 10 taon! Hindi ka pa rin sumusuko?"
Kahit masama ang tingin ni Lu Jinnian ramdam mo ang determinasyon. Direkta na tumama sa puso ni Qiao Anxia.
"Huwag kang mag-alala. Kahit sumuko ako. Hindi ako mahuhulog sayo?"
Mahigpit na hinawakan ni Qiao Anxia ang manilbela at nagtiim ng labi.
Tinignan ni Lu Jinnian ang windshield ng ilang segundo bago nagsalita ulit. Kahit masakit itong sabihin, "Saka, hindi ko maisip na sumuko sa kanya."
Ilang taon, marami siyang naka date na lalaki, pero kahit ang lalaki ang maghabol o siya ang maghabol sa lalaki. Lagi niyang nakukuha ang lalaking gusto niya.
Maliban kay Lu Jinnian.
Nung una, bata siya at loko-loko at sinantabi ang pagiging arogante at pride niya para habulin siya. Bandang huli si Lu Jinnian na mismo ang nagtakwil sa kanya.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES