App herunterladen
13.46% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 131: Huwag kang magsabi ng bagay na walang katotohanan (5)

Kapitel 131: Huwag kang magsabi ng bagay na walang katotohanan (5)

Redakteur: LiberReverieGroup

Matapos umupo ni Lu Jinnian. Tinawag agad ni Qiao Anxia ang serbidor. Siya rin mismo ang nag-abot ng menu kay Lu Jinnian ng binigay ito ng serbidor sa kanya.

"Jinnian, mag-order ka na."

Simula ng pumasok si Lu Jinnian sa kuwarto hindi ito sumulyap kay Qiao Anxia at kahit binigay nito ang menu sa menu lang ito tumingin saka sumulyap kay Qiao Anhao na katabi ng kapatid niya.

Hawak ni Qiao Anhao ang antiseptic towel, Naka tingin sa lamesa at tila may iniisip.

Nangunot ang noo ni Lu Jinnian bago sinabi, "Pwede ako kumain ng kahit ano, kayo na ang magpasya."

Hindi na nahiya pa si Qiao Anxia. Binuksan niya ang menu sa pagitan niya at si Qiao Anhao. Mabait na sinabi, "Qiao Qiao, mag-order na tayo."

Na tulala si Qiao Anhao at tila na blangko. Nagising siya ng marinig ang sinabi ng kapatid niya. Tinignan niya ito, nagtanong siya, "Uh?"

"Tumigil ka nga sa panaginip mo!" Asar sa kanya ni Qiao Anxia bago tinuro ang menu. "Mag-order ka ng kahit anong gusto mo, ang maglilibre ngayon ang Best Screen Actor Lu!"

Ililibre ni Lu Jinnian si Qiao Anxia?

Bahagyang sumulyap si Qiao Anhao kay Lu Jinnian, nasa harap niya ngayon bago binaba agad ang mata. Naging kamao ang mga kamay niya, magulo ang puso niya. Nag-order siya ng 2 vegetable dishes.

Hindi na siya pinilit pang mag-order ni Qiao Anxia. Bagkus kinuha nito ang menu att nag-order ng ilang signature dishes. Panghuli, nag-order siya ng freshly squeezed orange juice.

Wala pang 10 minuto halos nasa hapag na ang pagkain nila. Kinuha ni Qiao Anxia ang chopsticks, kumain. Nang makita niya na walang kinakain si Qiao Anhao binigyan niya ito ng manok sa mangkok. "Yung hinanda nilang manok galing sa farm yun. Organic na at masarap pa."

Pilit ngumiti si Qiao Anhao at nagsimulang kumain.

Kung sina Lu Jinnian at Qiao Anhao lang, tahimik ang buong kain nila pero dahil kasama si Qiao Anxia. Hindi ito naging tahimik.

Tahimik lang naka upo si Qiao Anhao sa isang gilid. Wala siyang gana kumain at mabagal kumain.

Relaxed lang si Lu Jinnian. Wala itong masyadong sinabi pero minsan sumagot ito ito kay Qiao Anxia ng "uhm" na tunog. Tuwing sasagot, tinataas niya ang kanyang ulo at susulyap kay Qiao Anhao.


Kapitel 132: Huwag kang magsabi ng bagay na walang katotohanan (6)

Redakteur: LiberReverieGroup

Busog si Qiao Anxia sa dinner nila. Binaba niya ang chopsticks at sinabi, "Ang sarap ng pagkain dito." Nang sinabi niya ito, lumingon siya kay Qiao Anhao, na binaba na ang chopsticks nito. "Qiao Qiao, Bakit may problema ba? Okay ka lang?"

Tumango lang si Qiao Anhao.

Tumingin si Qiao Anxia kay Lu Jinnian. Kita ang tuwa sa mata nang sinabi, "Si Lu Jinnian ang nagsabi sa akin ng restaurant na ito."

Pilit ngumiti si Qiao Anhao habang kanyang mga daliri ay bumabaon sa kanyang kamao.

Tiningnan ni Lu Jinnian ni Qiao Anhao sa mga sinabi ni Qiao Anxia. Kalmado itong tignan kahit inimbitahan siya nito na maghapunan na kasama siya tila wala itong paki.

Bahagyang nalungkot si Lu Jinnian. Matapos ng ilang segundo sumagot ito, "Kung tama ang pagkakaalala ko, kami ni Jiamu at ako ay dating nangingisda sa bundok. Nag-hiking ka kasama mga kaibigan mo at nagka-salubong tayo sa restaurant na ito kay dito sinabi ni Jiamu na kumain."

Alam niya na walang paki si Qiao Anhao tungkol sa flirting na ginawa ni Qiao Anxia. Kahit na magpanggap siya na walang namagitan sa kanila ni Qiao Anxia para sa kanya gusto niya itong linawin. Ayaw niya ito magkaroon ng maling pagkakaintindi.

Hindi makapaniwala si Qiao Anxia na nilantad ni Lu Jinnian ang totoong nangyari. Kaya kahit awkward, nagpanggap nalang siya at binago ang pag-uusap. "Hindi ba may filming kayo mamayang hapon? Maaga pa naman, manood tayo ng bagong labas na Hollywood movie..."

Pasakit na kay Qiao Anhao ang maghapunan. Nang marinig niya ang sinabi ng kapatid niya, agad siyang umiling at sinabi, "Huwag na, busy ako ngayong hapon. Kayong dalawa nalang. Hindi na ako sasama."

Hindi na naagpumilit pa si Qiao Anxia lumingon siya kay Lu Jinnian at ngumiti, "Ikaw Mr. Lu? May oras ka ba?"

Gustong tumanggi ni Lu Jinnian pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataon nang marinig niya ang sinabi ni Qiao Anhao.

Hindi na ako sasama... Ha...

Bahagyang nainis si Lu Jinnian. Sinabi niya agad na hindi siya interesado." Hindi ako interesado. " Tumayo siya, sinapa ang upuan at tinawag ang waiter. "Cheque please!"

Tapos kinuha niya agad ang jacket niya at umalis sa private room.

Nagtaka sina Qiao Anhao at Qiao Anxia kung bakit biglang nainis si Lu Jinnian.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C131
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES