Naging usap-usapan ito sa eskwelahan pero mabilis din itong nawala.
Nagkaroon ng maraming boyfrinedds si Qiao Anxia pero lahat hindi nagtagal, pinaka matagal na ang 2 buwan.
Ginamit niya ang ganda niya at nagpapalit-palit ng boyfriend, nang siya ay high school.
Hindi calculative na tao si Qiao Anxia at hindi ito nagtanim ng sama ng loob kay Lu Jinnian kahit ni-reject siya nito. Tuwing lumalabas sila trinato niya pa rin ito ng normal.
Si Qiao Anhao na mahal pa rin si Lu Jinnian, nagtanong kay Qiao Anxia kung mahal pa rin niya ito matapos niyang ma-reject.
Ngayon tumawa lang si Qiao Anxia at arogante na sinabi, "Matagal ko na tinigil magustuhan niya. Infatuated na lang ako sa itsura niya."
Matapos nito naging tahimik ang relationsyon nila.
Nang nasa University pa sila, nagsama pa sila ng isang tagapagmana sa Shanghai pero hindi rin nagtagal ng kalahating buwan. Tapos nag-date siya ng isang Chinese-American businessman.
Maraming taon ang lumipas. Hindi na masyado nagka-usap sina Lu Jinnian at Qiao Anxia. Gayumpaman, sinabi ni Qiao Anxia na kilala niya maraming taon niya ng kilala ang lalaki kung sino ang boyfriend nito. Hindi pa rin lubos na kilala ito kahit may parehas silang ng mga kilala nila.
Kaya ng sinabihan sila ng serbidor ng Nong Jia Cai Restaurant, "Miss Qiao, dumating na ang kasama niyo", Ngumiti si Qiao Anhao at lumingon ng malaman niya na si Lu Jinnian ito.
Nawala ang mga ngiti sa labi niya at nalunok ang dapat na sasabihin.
Ngumiti si Qiao Anxia ng marinig ang sinabi ng serbidor.
"Jinnian, nandito ka na."
Tumango ni Lu Jinnian at walang kibong umupo sa harap nila.
Umaga nang magising siya ng makita ang text ni Qiao Anxia sa kanya. Hindi niya sana ito papansinin.
Pero nang lumabas siya ng shower may nakita pa siya na ilang text galing sa kanya.
[Hindi ba magkasama kayo ni Anhao sa isang drama? Magkikita kami ng tanghalian, gusto mong sumama?]
Tinignan ni Lu Jinnian ang text, bago nagdadalawang-isip na sumagot, [Anong oras?]
Mabilis sumagot si Qiao Anxia, [11:30am, sa Xiao Nong Jia Le Yuan.]
Matapos umupo ni Lu Jinnian. Tinawag agad ni Qiao Anxia ang serbidor. Siya rin mismo ang nag-abot ng menu kay Lu Jinnian ng binigay ito ng serbidor sa kanya.
"Jinnian, mag-order ka na."
Simula ng pumasok si Lu Jinnian sa kuwarto hindi ito sumulyap kay Qiao Anxia at kahit binigay nito ang menu sa menu lang ito tumingin saka sumulyap kay Qiao Anhao na katabi ng kapatid niya.
Hawak ni Qiao Anhao ang antiseptic towel, Naka tingin sa lamesa at tila may iniisip.
Nangunot ang noo ni Lu Jinnian bago sinabi, "Pwede ako kumain ng kahit ano, kayo na ang magpasya."
Hindi na nahiya pa si Qiao Anxia. Binuksan niya ang menu sa pagitan niya at si Qiao Anhao. Mabait na sinabi, "Qiao Qiao, mag-order na tayo."
Na tulala si Qiao Anhao at tila na blangko. Nagising siya ng marinig ang sinabi ng kapatid niya. Tinignan niya ito, nagtanong siya, "Uh?"
"Tumigil ka nga sa panaginip mo!" Asar sa kanya ni Qiao Anxia bago tinuro ang menu. "Mag-order ka ng kahit anong gusto mo, ang maglilibre ngayon ang Best Screen Actor Lu!"
Ililibre ni Lu Jinnian si Qiao Anxia?
Bahagyang sumulyap si Qiao Anhao kay Lu Jinnian, nasa harap niya ngayon bago binaba agad ang mata. Naging kamao ang mga kamay niya, magulo ang puso niya. Nag-order siya ng 2 vegetable dishes.
Hindi na siya pinilit pang mag-order ni Qiao Anxia. Bagkus kinuha nito ang menu att nag-order ng ilang signature dishes. Panghuli, nag-order siya ng freshly squeezed orange juice.
Wala pang 10 minuto halos nasa hapag na ang pagkain nila. Kinuha ni Qiao Anxia ang chopsticks, kumain. Nang makita niya na walang kinakain si Qiao Anhao binigyan niya ito ng manok sa mangkok. "Yung hinanda nilang manok galing sa farm yun. Organic na at masarap pa."
Pilit ngumiti si Qiao Anhao at nagsimulang kumain.
Kung sina Lu Jinnian at Qiao Anhao lang, tahimik ang buong kain nila pero dahil kasama si Qiao Anxia. Hindi ito naging tahimik.
Tahimik lang naka upo si Qiao Anhao sa isang gilid. Wala siyang gana kumain at mabagal kumain.
Relaxed lang si Lu Jinnian. Wala itong masyadong sinabi pero minsan sumagot ito ito kay Qiao Anxia ng "uhm" na tunog. Tuwing sasagot, tinataas niya ang kanyang ulo at susulyap kay Qiao Anhao.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES