App herunterladen
10.17% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 99: Ang malalim, ngunit pinagbabawal na pagibig (5)

Kapitel 99: Ang malalim, ngunit pinagbabawal na pagibig (5)

Redakteur: LiberReverieGroup

Sino si Qiao Anhao para sayo?

Nagpabagal ito kay Lu Jinnian, maikling siyang tumawa at sinabi ang salitang - "Baliw." Mabilis na iniwan si Song Xiangsi sa kaarawan niya.

Baliw?

Nagtiim ang labi ni Song Xiangsi. "Pft." Tinawag ba siya nitong baliw? O si Miss Qiao Anhao ang tinutukoy niya?

-

Malakas ang ulan ng umalis si Lu Jinnian sa kaarawan ni Song Xiangsi.

Umuwi si Lu Jinnian sa lungsod ng mag-isa dahil busy ang assistant niya. Sumakay siya ng sasakyan, saglit pinagmasdan ang ulan bago nito pinaandar ang sasakyan at nagmaneho.

Ang malakas na ulan ay tila tumatama sa puso ni Lu Jinnian dahilan para maiinis siya. Binuksan niya ang radyo dahil dito.

Ang show sa radyo ang paborito ng assistant niya habang nagmamaneho - tungkol ito sa pag-ibig at mga relasyon.

Sa totoo lang, hindi maintindahan ni Lu Jinnian kung ba

. {pambabaeng shows. Papatayin niya sana ang radyo ng marinig niya ang paos na boses ng lalaki, "Paano ba nagagawa ng pag-ibig na magtrabaho ang tao para kumita ng pera?"

Tinamaan si Lu Jinnian sa tanong at tinigil ang sasakyan para makinig sa walang kwentang show.

"Madalas na wala tayong pera pero may karapatan tayong magmahal. Dahil mahal mo siya at karapat-dapat para sa kanya ang magagandang bagay sa mundo. Ibibigay mo ang lahat para sa kanya."

"Hindi ang pera ang sukatan kung gaano mo siya kamahal pero ang kawalan nito. Ang pagkabigo mo sa pag-ibig."

"Kaya dapat magtrabaho tayo ng mabuti bago tayo magmahal ng taong mahal natin."

Magtrabahong mabuti bago magmahal ng taong mahal natin...

Hindi pa nagtatagal ngunit parehas ito ng naramdaman niya.

Hindi na niya na pakinggan ang sinabi ng lalaking broadcaster. Dahil naalala niya ang malabot na bahagi ng kanyang puso kung saan nakatago ang mga alaala ng nakaraan. Nagpadala siya daloy ng kanyang alala.


Kapitel 100: Ang malalim, ngunit pinagbabawal na pag-ibig (6)

Redakteur: LiberReverieGroup

Ang sinasabi ng lahat, anghel ang lahat ng bata.

Kahit naisip ni Lu Jinnian na isa siyang anghel, isa siyang invisible na anghel.

Ang iba pinanganak sa tunay na kaligayahan, ang iba naman ay panggulo lamang. Tulad niya na hindi dapat nabuhay sa mundo.

Ang Xu family ang noble family ng kapitolyo. Malawak ang negosyo nila at sa likod ng marangyang pamilya ang hindi maiwasang arranged marriage.

Nang kinasal si Xu Wanli at Han Ruchu para sa negosyo. Nagkaroon ng one night stand si Xu Wanli sa isang third-rate na artista. Dahil sa impluwensya ng alak ng mga oras na iyon.

Tila isang drama ang nangyari. Matapos ng 2 buwan naging scandal ito ng malaman na buntis ang isang artista. Ilang araw ang lumipas nasa dyaryo na buntis din si Han Ruchu. Lumipas ang 8 buwan nanganak ito ng sabay. Ang isa sa first-rate hospital at ang isa sa third-rate hospital. Unang nanganak ang third-rate na artista sa hospital ng 2 oras bago si Han Ruchu.

Hindi maintindihan ni Lu Jinnian kung bakit hindi pina-abort ng artista ang bata ng malaman na buntis siya at kung anong dahilan para isilang ang bata. Marahil dahil sa pera or para sa katayuan, pero anuman ang dahilan pinatunayan nito na mahina ang isang babae. Ang gusto ng artista ay ipanganak ang bata ng October at maging mapagmahal na ina. Ngunit dahil sa takot na mapalayo sa bata hindi niya ito pinaalam sa Xu family, kaya nagtrabaho siya para sa bata ng hindi nalalaman ng Xu family na ito ay anak niya.

Marahil kung ito ang nangyari, natapos agad ito. Nagkasakit ang anak ng artista ng 3 taon na ito. Nagkaroon ito ng hematopoietic stem cell kaya kailangan ng bone marrow transplant.

Naisip na din ng artista na magbigay ng HLA pero hindi sila parehas ng bata. Kaya sa bandang huli hinanap niya ang Xu family.

Nang mga oras na iyon, kahit ang relasyon nila Xu Wanli at Han Ruchu ay para lang sa benepisyo. Matiwasay silang namuhay matapos ikasal. Naging mapagmahal na asawa si Xu Wanli. Ngunit, nasira ang lahat ng dumating ang artista sa buhay nila.

Hindi mahal ni Xu Wanli ang artista at ang nangyari sa kanilang dalawa ay dahil sa mahalay na kalasingan. Ito lang ang dumi sa buhay niya kaya sa loob niya hindi niya gustong mabuhay si Lu Jinnian.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C99
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES