App herunterladen
9.04% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 88: Sino ba ako para sayo? (4)

Kapitel 88: Sino ba ako para sayo? (4)

Redakteur: LiberReverieGroup

Lahat sila sabay-sabay sa shooting ng 'Alluring Times' kaya lahat ng script nila parehas lang.

Nagulat si Qiao Anhao ng magtanong ito ng... Maayos. Tinaas niya ang kanyang ulo at nakita niya na bahagya na itong kalmado, bahagya nalang galit. Unti-unti lumuwag ang hawak niya sa script at naisip niya, "Mauna na ko, Iwan ko nalang sayo yung script. Sabihan mo nalang ako kung may kopya ka na. Tapos kunin ko nalang."

Tinignan ni Lu Jinnian ang yukong ulo ni Qiao Anhao. Kinuha niya ang script sa kamay ni Qiao Anhao at tinuro ang sofa sa living room.

"Maghintay ka dito."

Dinala ni Lu Jinnian ang script sa kuwarto kay hindi naka tutol si Qiao Anhao.

Habang naka upo, nakita ni Qiao Anhao sa uwang ng pinto si Lu Jinnian na kinopya ang script gamit ang photocopier ng hotel. 

Matapos ma-kopya bumalik si Lu Jinnian sa living room.

Agad nag-iwas ng tingin si Qiao Anhao.

Binigyan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao ng baso ng tubig ng makita niya na tahimik ito.

Nagulat si Qiao Anhao dahil dito at tinanggap ang baso at nagpasalamat.

Naupo naman si Lu Jinnian sa tabi ni Qiao Anhao at binuksan ang TV.

Paboritong variety show ito ni Qiao Anhao. Ngunit, kabado siya at katabi niya si Lu Jinnian. Naamoy niya ang mabangong katawan at hininga nito. Dahilan para bumilis ang tibok ng kanyang puso. Wala siya sa mood manood kaya nag-relax nalang siya at inom ng inom ng tubig.

"Gusto mo pa?" Tanong ni Lu Jinnian ng mapansin wala ng laman ang baso.

Nagulat si Qiao Anhao at umiling saka nilagay sa lamesa ang baso.

Sa tagal na umupo ni Qiao Anhao napansin niya na pawis na ang palad niya at tanging baso ng tubig ang nagtago nito. Ngayon wala na ito at katabi niya si Lu Jinnian, hindi na siya gumagalaw.


Kapitel 89: Sino ba ako para sayo? (5)

Redakteur: LiberReverieGroup

Kahit tahimik Si Lu Jinnian, ang kanyang atensyon ay naka tuon kay Qiao Anhao. Nang may hawak na baso si Qiao Anhao mukhang maayos ito pero nung wala na ito. Ramdam niya ang pagka-balisa at pagka-bahala. Maging ang paghinga nito ay ingat.

Pakiramdam ni Lu Jinnian ay natalo siya dahil dito. Matapos sandaling manood, tumayo siya, " Titignan ko lang kung tapos na yung pag-kopya."

Sumandal si Qiao Anhao sa sofa ng umalis si Lu Jinnian. Tinapik niya ang dibdib niya at huminga ng maluwag. Nanood ng TV.

Pigil na tumawa si Qiao Anhao ng magbiro ang presenter sa TV.

Kita ni Lu Jinnian ang bawat kilos ni Qiao Anhao habang naka upo sa desk. Bahagya itong nagulat at umiwas ng tingin. Tinuon niya nalang ang tingin sa photocopier.

-

Takot si Qiao Anhao na bumalik si Lu Jinnian kaya umarte siya ng tulog. Ang utak niya puno ng maruming pag-iisip hanggang sa naka tulog siya.

Matapos kopyahin ang script. Bumalik si Lu Jinnian sa kuwarto, nakita niya na tulog na ito. Natigilan si Lu Jinnian matapos kumuha ng kumot ito inilagay sa kanya.

Hindi ito Naramdaman ni Qiao Anhao, sa lalim ng tulog.

Pinagmasdan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao. Hahawakan niya sana ito pero tumigil siya. Saglit siya nag-isip, Dahan-dana at maingat na hinawakan ang temple nito. Mabilis na inalis at bumalik sa kanyang kuwarto.

Nagising si Qiao Anhao matapos ang 1 oras dahil sa hindi ayos na tulog niya sa sofa. Pag-gising niya tumingin siya paligid at nagbalik sa kanya nasa kuwarto siya ni Lu Jinnian.

Dahan-dahan siya tumayo.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C88
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES