Hinintay ni Lu Jinnian madala ang mensahe saka hinagis ang telepono sa lamesa.
Si Qiao Anhao ang nanalo laban sa kanilang apat. Tuwing nanalo siya nasa harap niya si producer Sun at ang dalawang iba ay dagdag lang.
-
Kaya para mapalapit kay producer Sun, pinalalo nila ito para maganda ang mood nito dahilan para magkaroon sila ng bagong role. Gayumpaman, nanalo si Qiao Anhao ng maraming beses at lahat galing kay producer Sun, kaya hindi niya alam kung dapat pa siyang maglaro.
Hindi na pinilit ni producer Sun Maglaro si Qiao Anhao at tumingin nalang sa orasan. Sinabi, "Ang tagal nating naglaro, hindi kayo napagod, gusto niyo maghapunan?"
Sumagot agad ang dalawang aktress bago sumagot si Qiao Anhao, "Ako!"
"May seafood stall na masarap kainan dito, Tara punta tayo."
Tumawag sa assistant niya si producer Sun. Habang si Qiao Anhao nag-iisip ng dahilan para makaalis ng makita niya ang mensahe ni Lu Jinnian. "Pumunta ka dito, dalhin mo script mo."
Kahit hindi ni Qiao Anhao naintindihan ang sinabi nito nagpapasalamat ito sa kanya. Hinintay ni Qiao Anhao matapos sa tawag si producer at humingi ng pasyensya, "Mr. Sun, pasyensya na hindi ako makakasama. Gusto ni Mr. Lu na pumunta ako dala ang script. Gusto niya pagusapa ang mga eksena namin bukas."
Gusto ni producer Sun na ilibre sila ngunit, ang pakay niya ay si Qiao Anhao. Mula nang unang araw sila nagkita na humaling siya dito. Kaya binibigyan niya ito ng atensyon ng makuha niya ito.
Ngunit, sino ang makakapagsabi na tatanggap Huan Ying Entertainment ng cosmetic endorsement para sa kanya bago niya pa ito magawa. Gusto sana niya na gamitin ang bagong role para pumayag ito at habang nagiinuman ay magawa niya ang deal pero sinira ni Lu Jinnian ang plano niya.
Ito na ang pangalawang beses na sinira ni Lu Jinnian ang plano niya pero dahil ayaw niya na ma-offend ito pilit siyang ngumiti na tila ayos lang ito sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ni Qiao Anhao. "Xiao Qiao, kung may gagawin ka pwede tayo na maghapunan sa ibang araw."
Hindi gumawa ng anumang hakbang si Lu Jinnian mula ng kasal nila. Ito palang ang una.
Ang intuition ni Qiao Anhao hindi siya tinawagan ni Lu Jinnian para sa script pero hindi niya maisip kung para saan.
Nalilitong bumalik si Qiao Anhao sa hotel, kinuha niya ang script at naglakad papunta sa elevator. habang papaakyat naalala niya ng pumunta siya sa kuwarto ni Lu Jinnian para ibigay ang script. Naalala niya ang masamang pangyayari dahilan para kabahan siya.
Nang makalabas ng elevator tahimik ang pasilio. Tumigil sandali si Qiao Anhao at mahigpit na hawak ang script sa harap ng pinto ni Lu Jinnian. Huminga siya ng malalim at kabadong pinindot ang doorbell.
-
Nang marinig ni Lu Jinnian ang doorbell, hindi ito pumunta sa pinto, bagkus kinuha niya ang script at pumunta sa banyo saka pinilas ang tatlong pahina ng script. Nilagay sa toilet ang pahina at nag-flush ng toilet. Nang siguradong wala na ito saka lang niya binuksan ang pinto.
-
Matapos pindotin ang doorbell matagal bago na buksan ang pinto. Nang huminga ng maluwag si Qiao Anhao saka ito bumukas.
Natigilan si Qiao Anhao maging ang paghinga ay pigil tumingin siya kay Lu Jinnian nasa harap niya, yumuko, at mahinang sinabi, "Mr. Lu pinapunta niyo ako dala ang script . May kailangan po ba kayo?"
Hindi pinansin ni Lu Jinnian ang sinabi niya, tumabi siya para bigyan ng daan si Qiao Anhao at sinabi, "Pasok."
Sinara ni Lu Jinnian ang pinto nang pumasok si Qiao Anhao at hindi maiwasan na manginig. Kaya tumigil siya at humarap kay Lu Jinnian, unilit ang tanong, "Mr. May kailangan po ba kayo?"
Hindi sinagot ni Lu Jinnian si Qiao Anhao. Tahimik lang ito at ramdam ni Qiao Anhao ang Inis. Takot si Qiao Anhao na gawin nito ang nangyari sa kanila.
Lumipas ang kalahating minuto at kalmado nagsalita si Lu Jinnian, "Hindi ko maghanap yung script ko, pahiram ako ng sayo. Gagawan ako ng kopya."
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES