Gusto na din umalis ni Qiao Anhao matapos batiin si producer Sun. Ngunit, bago pa siya may sabihin, mariin na tumititig sa ngiti niya si producer Sun.
"Xiao Qiao, gusto mo dumaan sa kuwarto na booked ko kanina? May ilang crrew kasama doon."
"Producer Sun pasyensya na pero maglalaro kasi kami ni sister Yang ng baraha. Maaring naghihintay na ito sa akin." Malamunay na tinanggihan ni Qiao Anhao ang imbitasyon.
"Baraha? Kung baraha pag-uusapan, gusto ko ang laro yan. Mamaya daan ako at para ipakita ang galing ko." Sandaling tumigil si producer Sun, at sinabi, "Sakto nga pala meron akong hinahandang bagong drama. Magsisimula ang shooting sa susunod na taon. Kung gusto mo Pag-usapan natin habang naglalaro ng baraha."
Mahirap tanggihan ang imbitasyon kaya ilang na ngumiti si Qiao Anhao bilang pagsangayon.
-
Umiiyak na umalis si Lin Shiyi ng KTV room. Kinuha din ni Lu Jinnian ang jacket niya at tumayo para umalis, "Magsaya lang kayo at may gagawin pa ako" saka ito umalis.
Agad na sumunod ang assistant ni Lu Jinnian habang nakikipag biruan. Matapos sabi ng "sorry" sa maraming tao.
Mabilis naglakad si Lu Jinnian kasunod sa kanyang likod ang assistant niya nang may tamang diatansya. Nang malapit na sila sa elevator saka lang ito nauna at pinindot ang button.
Matapos pumasok sa elevator ni Lu Jinnian na blanko ang expresyon, naka hinga ito ng maluwag ng sumara ang pinto.
Pito o walong taon na kasama ni Lu Jinnian ang assistant niya. Alam nito na hindi maganda ang mood nito.
Bakit? Kahit siya walang ideya pero alam niya na umuwi ito ng hotel na basa ang damit. Agad pinakuha ang filming material. Bumalik ang assistant dala ito at pinanood. Ngunit, matapos nito lalong nakakatakot ang ekspresyon nito.
Anuman ang social events laging iniimbitahan si Lu Jinnian maging ang araw na ito. Ang direktor ang nag-entertain sa ilang investors sa baba, at siya mismo ang nagimbita dito pero alam nito na hindi ito pumunta sa social events, pero matapos tumawag ni Lin Shiyi. Nagsabi si Mr. Lu na pupunta ito.
Nagulat ang assistant ni Mr. Lu sa biglang pagbago ng isip nito, naisip niya na kailan niyang sumama dahil parte ito ng trabaho niya.
Hindi pumunta si Mr. Lu para sa hang out. Sadyang pumunta ito para sirain ang party. Tahimik lang itong umupo at masama ang tingin kaya nawala ang mood sa room.
Sa mga nakakaalam ilang babae na rin ang sumubok makuha si Lu Jinnian at may tsismis na kung sino man ang makuha kay Mr. Lu ay magiging queen of entertainment industry.
Gayumpaman si Mr. Lu ay may impression na hindi maaring malapitan. Ang ilang babaeng artista ay hindi na nagtangka. Ngunit merong matatapang pero dahil bihira makita si Mr. Lu sa social events o kahit sa labas ng shooting wala silang pagkakataon. Ngayong gabi ay meron na silang pagkakataon na gawin ito.
Marahil dahil sa tama ng alkohol matapang si Lin Shiyi para pumili ng kanta at tumingin kay Mr. Lu saka alokin para mag-duet.
At sakto namang sumigaw si Mr. Lu kay Lin Shiyi, hindi ito naging cold at tahimik gaya ng dati.
Ang masayang paligid ng kuwarto ay nawala bigla. Lahat sila ay nagulat at napalingon. Tanging tunog ng KTV ang maririnig. Matapos sigawan diretso umalis si Lin Shiyi na mapupula ang mata.
Nang bumukas ang elevator katabi ni Lu Jinnian ang assistant niya, Hinintay nito pumasok si Lu Jinnian saka sumunod.
Naalala ng assistant ni Lu Jinnian na tumalon ito sa pool ng makabalik sila sa hotel. Kaya agad ito nag-order ng ginger tea. Dahil sa takot na sipinun si Lu Jinnian at maapektuhan nito ang filming.
Nang madala ito. Dala-dala niya itong hinatid sa kuwarto ni Lu Jinnian saka kumatok. Nang marinig niya ang "enter" saka lang siya pumasok.
Nang mabukasan ang pinto at naamoy ang sigarilyo. Nangunot ang noo nito ng makita niya si Lu Jinnian naka tayo sa bintana at tahimik. Wala ang galit nito kanina sa KTV room.
Maraming beses na ito na kita ng assistant ni Lu Jinnian, ang gantong eksena, madalas sa gitna ng gabi. Naninigarilyo habang tulala at tila may iniisip na tao o bagay.
Mukha itong payapa pero madalas ito ay malungkot at mag-isa.
Sanay na ang assistant niya sa ganito pero, lagi niya iniisip kung sino ang taong o bagay na kayang gawin ganito si Mr. Lu at hindi nito magawang pa kawalan limang taon na.
Kahit napapaisip ito hindi ito nagtanong bagkus dala nito nito ang ginger tea at binasag ang katahimikan sa kuwarto.
"Mr. Lu na basa ka Ngayong araw. Uminom kayo ng ginger tea para maiwasan niyo ang sipon."
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES