Ang inaasahang spark ni Qiao Anhao ay agad nawala dahil sa sinabi ni Lu Jinnian.
Sandaling naniwala siya kay Zhao Meng. Paano ba niya nakalimutan na best screen aktor si Lu Jinnian ng maraming taon. Isa siyang one-take aktor at nang sinagip siya nito. Dahil para sundan ang act niya. Hindi dahil nag-alala ito aa kanya.
Nababad sa malamig na tubig si Qiao Anhao kaya sobrang maputla ito. Ngunit, kalmado pa rin siya pero hindi maiwasan mabalisa ni Zhao Meng.
"Mr. Lu, Hindi ginusto ni Qiao Qiao na mahulog sa tubig. Nawalan siya ng balanse dahil sinira ang heels niya, kaya siya na hulog sa pool. Nagdesisyon siya na dagdagan ang eksena para hindi na ulitin ang buong eksena..."
Bahagyang na tigilan si Lu Jinnian sa sinabi ni Zhao Meng at tumingin sa mga paa ni Qiao Anhao wala nga itong suot na sapatos. Nangunot ang noo nito at kakilakilabot ang mga mata. Umalis na siya bago matapos ni Zhao Meng ang sasabihin.
Ngumuso nalang si Zhao Meng ng umalis si Lu Jinnian.
"Ang bastos!"
Nanatiling tahimik si Qiao Anhao at kumuha ng tuwalya para pahiran ang luha sa mukha. Nagpalit siya ng damit at umalis ng set kasama si Zhao Meng.
Nagbunggo ni Qiao Anhao ang isang babaeng crew member, bata pa ito. Ngumiti ito sa kanya at binati siya "Ate Qiao." Bahagyang ngumiti si Qiao Anhao at tumango.
Nang bumalik siya sa hotel room, naalala niya ulit ang babae pero dahil sa dami ng crew, hindi niya malaman kung sino siya. Gabi na habang kumakain ng makita niya ulit ang babae katabing kumakain ang assistant ni Lin Shiyi. Binulong niya ito kay Zhao Meng, "Sino yung babae katabi ng assistant ni Lin Shiyi? Para pamilyar siya, saan ba natin siya nakita?"
Tinignan ni Zhao Meng ang batang babae habang ngumunguya. Bigla niyang naalala at sinabi, "Qiao Qiao, Naalala ko na! Siya yung babaeng lumabas ng dressing room kaninang hapon, Naalala mo? Tumakbo pa nga siya, nagpalit lang siya ng damit."
Hindi pa sigurado si Qiao Anhao tungkol sa babae ng makumpirma ito ni Zhao Meng, tumango siya at sinabi, "Oo, siya nga."
"Siya yung bagong assistant ni Lin Shiyi. Nung hapon na pumasok siya sa changing room mo at nasira yung heels..." Hindi natapos ni Zhao Meng ang sasabihin niya at tumingin kay Qiao Anhao bago ngumiti ng walang bahala, "Hindi ko inaasahan na gagawin niya yun sa unang araw pa lang!"
Ngumisi ng tahimik si Qiao Anhao.
Wala ng shoot na gagawin pagdating ng gabi, kaya matapos ng hapunan, Nagpunta ang crew sa baba doon sa lounge para magpahinga, mag-laro ng baraha, kumanta, o work out.
Habang naghahapunan nagdesisyon ang isa sa mga minor actor na magkita ng 8 pm para mag-laro ng baraha. Naglakad sina Zhao Meng at Qiao Anhao matapos ang hapunan sa likod ng hotel at ng malapit na ang oras. Pumunta sila lounge.
Hindi lahat ng tao nasa recreational room ng dumating siya kaya nakipagusap siya sandali sa mga ilang tao, bago pumunta ng banyo.
Maganda ang palikuran ng lounge, may maganda ito palamuti kasama ng malaking lamesa.
Nang pumasok si Qiao Anhao sa stall narinig niya ang hakbang na may parating na ilang tao.
Handa na mag-flush ng toilet si Qiao Anhao, narinig niya ang boses sa labas, "Ang sama ni Mr. Lu, ang sakit niya magsalita..."
Tumigil si Qiao Anhao at nakinig.
"Tama? Kahit siya ang best screen actor. Wala siyang respecto!"
"Lalo na wala namang ginawang masama sa kanya si Shiyi. Lahat kasi kumakanta kaya ng makita ni Shiyi si Mr. Lu mag-isa. Naisip kasi niya na tanongin din si Mr. Lu, pero anong nangyari sinabihan siya ng masasakit na salita. Ang sakit kaya pakinggan!"
Naupo si Qiao Anhao sa toilet seat ng marinig ang pangalan ni Lin Shiyi. Ang saya niya nang marinig ito kaya lalo siyang nakinig.
"Tama? Paano niya na sabi na ang hilig ni Lin Shiyi sa lalaki at dapat daw sa nightclub siya nagtrabaho hindi sa entertainment industry!"
"Grabe na nga yung sinabi niya! Bakit sinabihan pa niya yung direktor na kumuha ng 'sensible' na mga aktor kesa daw sa kahina-hinala na escort. Sinabi din niya na ang mga katulad niya ang hihila pababa sa buong crew at sa harap pa ng maraming tao!"
"Marami pang tao sa loob ng kuwarto at sa labas naman may ilang investors! Wala siyang konsiderasyon ng tawagin niyang escort si Shiyi!"
"Pero girls napansin niyo ba parang kakaiba si Mr. Lu ngayon? Dati hindi siya napunta sa mga singing events at group events pero ngayon nandito siya! Nakakairata nga lang yung sinabi niya ngayon. Ano kaya sumira ng mood niya."
"Ano naman kung wala siya sa mood! Hindi naman pwede na basta-basta nalang siya mang-insulto ng tao!"
"Okay lang yan, Sister Shiyi, huwag ka nang malungkot..."
Mangiyak-iyak si Lin Shiyi nagsalita ng marinig niya ang mga sinabi nila, "Okay lang, tara na umalis na tayo."
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES