App herunterladen
7.5% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 73: Pang-Blockbuster na Pag-arte (5)

Kapitel 73: Pang-Blockbuster na Pag-arte (5)

Redakteur: LiberReverieGroup

Madali kay Lu Jinnian ang umarte sa isang TV series at madali rin bumalik sa dati. Sanay na ang mga naka trabaho niyang aktor sa ganito pagtratrabaho niya. Matapos ng eksena, aalis siya ng wala sinabi sa kapwa niya aktor.

Tumigil ang mga kamera ng sumigaw ang direktor ng cut at dahil malayo ang lahat sa kanila wala ang mga ito napansin na kakaiba sa pagitan nila.

Tinignan ng direktor ang nakuhanang eksena bago tumayo at unang pinuri ang pagganap ni Lu Jinnian. Lumingon ito kay Qiao Anhao at namangha sa tinamo ng isang baguhan.

Pinuri niya si Qiao Anhao, "Xiao Qiao, perpekto ang pagganap mo! Ito ang unang beses, matapos kong makatrabaho si Lu Jinnian ng maraming taon, maliban kay Song Xiangsi na sumabay sa pag-arte niya. Lahat ng aktor naka trabaho niya hindi siya kayang sabayan at ikaw nakuha mo sa unang take! Ang mga dinagdag mo maganda! Napakaganda!"

Respeto at pagkamangha ang nararamdaman ng mga nakapanood kay Qiao Anhao at ang iba ay pinupuri siya.

"Hindi ko inaasahan sa isang baguhan ang kamangha-mangha na pagganap!"

"Oo, kaya pala nakuha niya ang papuri ni Mr. Lu ng salu-salo."

"Hindi lang maganda si Qiao Anhao, magaling din siyang umarte. Kapareha pa niya si Lu Jinnian sa TV series, pagkatapos nito sikat na siya!"

Hindi mapigilan ni Lin Shiyi ang tumingin sa direksyon ni Qiao Anhao habang naririnig ang papuri sa kanya.

Hindi niya inaasahan makuha sa kanya ng baguhan ang role ay magaling umarte. Iniisip niya walang experience ang baguhan at nakuha ang role dahil sa itsura. Sinong makakapagsabi na kaya umarte kasabay si Lu Jinnian, ang best screen aktor ng ganoon.

Gaya nga ng sabi ng iba. Kung magpapatuloy siya, maaring sikat na siya pagkatapos.

Sa movie industry laging si Song Xiangsi ang humahadlang kay Lin Shiyi. Matapos ng maraming taon wala ng masyadong kinukuhang roles si Song Xiangsi. Naisip niya na may pagkakataon na siya maging best screen actress pero ngayon... Si Qiao Anhao naman?!

Nagdilim ang paningin ni Lin Shiyi. Hindi niya mapapayagan na may humadlang pa sa kanya patungo sa best screen actress.

Tumalikod siya at umalis gamit ang high heels.


Kapitel 74: Pang-Blockbuster na Pag-arte (6)

Redakteur: LiberReverieGroup

"Magaling!" masayang sigaw ng direktor dahil tagumpay natapos ang eksena. "Sa susunod na eksena, ibang damit naman. Crew, paki asikaso ng mga aktor," utos ng direktor habang naka tingin sa susunod na schedule.

Handa na ang isusuot ni Qiao Anhao sa dressing room. Sa utos ng direktor, dinala agad ni Zhao Meng ang damit ni Qiao Anhao sa dressing room.

Nang bubuksan ni Zhao Meng ang pinto ng dressing room, bigla itong bumukas mula sa loob. Isang babae ang nababahalang lumabas at hindi tumingin kay Qiao Anhao, yumuko siya saka binati si Qiao Anhao "Qiao Jie" bago umalis.

Dahil sa mahigpit na schedule hindi na nila ito inisip at pumasok agad sa dressing room para magpalit ng damit at high heels, handa na bago bumalik sa lokasyon ng filming.

Para ra susunod na eksena, nalaman ng second male lead na ang second female lead ang sumira ng relasyon niya at nagpunta ito para maghiganti.

Ang unang eksena ay naupo si Qiao Anhao sa tabi ng pool sa ilalim ng parasol habang nagbabasa ng libro.

Dahil sa static shoot ito kailangan manatili ni Qiao Anhao sa kanyang puwesto habang kinukuhanan ng kamera sa magkakaibang angulo.

Nang mapili ang tamang angulo, suminyales ang direktor, dumating si Lu Jinnian sakay ng kanyang sport car. Bago niya mabunggo si Qiao Anhao, tumigil ito at lumabas, padabog na sinara ang pinto.

Nang makita ni Qiao Anhao si Lu Jinnian ngumiti siya. Ngunit, bago pa niya maisigaw ang pangalan ng second male kinuha nito ang libro, binato sa lupa at sinigawan si Qiao Anhao.

Maganda ang daloy ng TV series hanggang sa sumunod na eksena ng sinabi ni Lu Jinnian kay Qiao Anhao na ayaw niya na ito makita at saka umalis. Nataranta si Qiao Anhao hihilahin niya sana ito ng marahas siya nitong tinulak.

Nawala si Qiao Anhao sa balanse at nahulog.

Hindi gumamit ng lakas si Lu Jinnian, umarte lang siya na malakas ang tulak niya. Sumunod si Qiao Anhao at bumitaw sa braso ni Lu Jinnian.

Nang handa siya mahulog biglang nasira ang high heels niya at dahil sa bigat niya nawala siya ng balanse at nalaglag sa swimming pool.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C73
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES