Una nilang gabi, sinabi niya kay Lu Jinnian na hindi siya magiging hadlang sa lifestyle nito at hindi makakarating sa publiko ang relasyon nila.
Dinagdag niya na walang pwede mangyari sa kanila dahil hindi sila totoong kasal. Inaasahan niya na ito.
Tinignan lang siya ni Lu Jinnian bago sinabi, "Tandaan mo ang mga sinabi mo" at nagpunta sa banyo.
Coma ang totoong Xu Jiamu at maiintindahan ng Xu family kung hindi madalas haharap si Lu Jinnian. Maliban kung kailangan. Hindi magpapakita si "Xu Jiamu" sa publiko at hindi rin kailangan na tumira sila sa isang bahay at magtatapo sila bilang isang couple.
Hindi alam ng Qiao family ang tungkol sa sikreto pagpapakasal niya at matapos ng kasal umalis siya sa bahay ng tito niya. Hindi rin payag si Qiao Anhao na manatili pa sa Xu mansyon at mag-rent ng bahay dahil maari may maghinala at dahil dito pinayagan siya ni Lu Jinnian na tumira sa Mian Xiu garden.
Bumili ng bahay sina Xu Jiamu at Lu Jinnian malapit sa isa't-isa sa Mian Xiu garden noong nagbukas ito kaya ang akala ng lahat umuuwi si Qiao Anhao sa bahay ni Xu Jiamu at tuwing umuwi si Lu Jinnian umaarte siya bilang si Xu Jiamu.
Gayumpaman, nababahala si Qiao Anhao sa loob ng bahay ni Lu Jinnian dahil isa lang ang kama ngunit may pagka-sabik.
Ang ibang kuwarto naman walang laman o ginagamit para sa ibang bagay kaya tuwing babalik si Lu Jinnian isang kama lang ang hinihigaan nila.
Matagal ito inisip ni Qiao Anhao hanggang makatulog. Ngunit konti lang ang naalala niya tungkol dito kaya kinabukasan nagising siya dahil sa malakas na ingay sa baba.
--
Nagising siya sa malakas na pag-uusap ng babae at lalaki. Agad niya kinuha ang jacket at natanto niya na iaa itong delivery ng kama. Sa instruksyon ni Madam Chen kaya na first floor ang kama.
Caretaker si Madam Chen na kinuha ni Lu Jinnian at dahil ayaw ni Lu Jinnian nang ibang tao sa bahay naglilinis lang ito tuwing umaga.
Hindi nito alam ang tunay na relasyon nila ni Lu Jinnian. Kaya ng dumating si Qiao Anhao, tinawag niya itong, "Mrs. Lu."
Agad na ngumiti at bumati si Madam Chen nang makita si Qiao Anhao, nagtanong ito, "Mrs. Lu, gising na kayo?"
Tumingin si Qiao Anhao sa kama na pinasok.
"Pina-order po yan ni Mr. Lu, ang sabi po sa akin parehas po kayo busy sa filming kaya walang laman ang bahay. Gusto niya na alagaan ko ang bahay." pagpapaliwanag nito, tinuro nito ang kusina at sinabi, "Mrs. Lu, gumawa ako ng almusal. Ngayong gising na kayo maari ka pong kumain matapos maligo."
"Pina-order po yan ni Mr. Lu, ang sabi po sa akin parehas po kayo busy sa filming kaya walang laman ang bahay. Gusto niya na alagaan ko ang bahay." pagpapaliwanag nito, tinuro nito ang kusina at sinabi, "Mrs. Lu, gumawa ako ng almusal. Ngayong gising na kayo maari ka pong kumain matapos maligo."
Kalahating taon ng naninirahan sa mansyon ni Lu Jinnian si Qiao Anhao at ang tatlong buwan naman ay filming ng "To the End of Time, " bihira siya bumalik ng Mian Xiu garden. Bakante rin ito ng tatlong buwan pero hindi kumuha si Lu Jinnian ng katulong... Bakit gusto niya na manatili si Madam Chen ngayon?
Nagtataka si Qiao Anhao pero dahil sa pagdating ni Madam Chen hindi na bakante ang fridge puno na ito ng mga sariwang gulay, prutas, at karne.
Hindi lang magaling maglinis si Madam Chen, magaling din itong cook. Nang marinig nito ang boses ni Qiao Anhao gumawa agad ito ng herbal soup para sa kanyang sipon. Madaling rin gumaling si Qiao Anhao at bumalik sa filming dahil sa alaga ni Madam Chen.
Dahil sa sipon kaya wala si Qiao Anhao. Ngayon na magaling na ito mas masigla ito habang kumakain ng almusal. Tumignin siya sa labas at naglakad dahil maganda ang panahon.
Hindi malakas ang sinag ng araw at hindi rin autumn. Ngunit agad na lumabas si Madam dala ang parasol ng walang dala si Qiao Anhao, "Mrs. Lu, magdala kayo ng parasol proteksyon sa araw."
Maputi si Qiao Anhao na kahit maarawan ay hindi siya umiitim pero ng makita niya ang sinag ng araw kinuha niya ito.
Bumalik ng mansyon si Madam Chen at nagsimulang maglinis ng kusina. Habang nag-mop ng sahig narinig niya bumukas ang pinto ng mansyon at inisip na bumalik na si Qiao Anhao. Hindi niya tignan kung sino at sumigaw, "Mrs. Lu, bumalik na kayo?"
Sumimangot si Lu Jinnian habang inalis ang sapatos sa pintuan at nagtanong, "Saan nagpunta si Mrs. Lu?"
Natigilan si Madam Chen at agad na pumunta upang batiin si Lu Jinnian bago sinagot ang tanong, "Si Mrs. Lu nagpunta po sa hardin upang maglakad."
Hindi na sumagot si Lu Jinnian at iniwan ang susi ng kotse sa shelf at pumunta sa elevator ng magtanong si Madam Chen, "Mr. Lu, tatawagin ko po ba si Mrs. Lu?"
Tumigil sandali si Lu Jinnian at sianbi, "Hindi na kailangan."
Dumiretso ito papunta sa elevator.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES