Habang kumakain, narinig niya ang tunog ng sasakyan. Lumingon siya sa bintana at nakita niya si Lu Jinnian. Yumuko siya at tumingin sa kanyang pagkain. Maya-maya narinig niya ang pagbukas ng pinto ni Lu Jinnian.
Sinilip niya ito habang nagpapalit ng sapatos si Lu Jinnian sa pintuan saka tinuon ang kanyang pagkain.
Umarte siya gaya ng mag-isa pa siya sa mansion pero sa kanyang loob alam niyang pinagpapawisan na ang kanyang palad.
Pumasok si Lu Jinnian sa living room at hinagas sa sofa ang jacket niya. Nakita niya bukas ang ilaw sa kusina habang niluluwagan ang necktie niya. Kumakain mag-isa si Qiao Anhao sa mahabang dining table na kasya ang 10 tao.
Napasimangot si Lu Jinnian ng makita niya sa orasan na 1am na ng umaga. Dalawang hakbang na ang nagagawa niya matapos hinagis ang necktie sa sofa. Bumalik siya at nagtungo sa kusina na tila may nakalimutan.
Hindi tumingin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian pero dinig niya na may kinakalikot ito. Nang bigla itong dumating sa dinning area si Lu Jinnian habang kumakain si Qiao Anhao. Nanikip ang puso ni Qiao Anhao.
Nang nasa living si Lu Jinnian hindi niya makita ang kinakain ni Qiao Anhao pero ng makarating ito sa dining area. Sumimangot ito ng makita na malamig na dumplings ang kinakain nito. Gusto ni Lu Jinnian magtanong pero hindi niya ginawa. Bagkus, nalakad ito papunta sa fridge at nakita na maliban sa mineral water, frozen dumplings at instant noodles wala na itong ibang laman.
Kumuha ng mineral water si Lu Jinnian, uminom at sumandal sa dingding sala
Nababahala si Qiao Anhao sa presensya ni Lu Jinnian kaya mabilis siyang kumain at hinagusan ang plato saka bumalik sa taas.
Galing si Qiao Anhao sa banyo at si Lu Jinnian nama'y papunta nang mabunggo sila sa isa't-isa. Nabigla si Qiao Anhao at wala siyang lakas na tumingin kaya sa bandang huli bumalik siya agad sa bedroom.
Saglit tumingin si Lu Jinnian kay Qiao Anhao bago pumasok sa banyo.
Pagod na nahiga si Qiao Anhao sa kama at balak ng matulog. Ngunit, narinig niya ang daloy ng tubig sa banyo at napagtanto na sa mansyon ito matutulog.
Umalis si Qiao Anhao sa kama at dahan-dahan pumunta sa dressing room para kunin ang bear.
Malapit na sa kama si Qiao Anhao yakap niya ang bear nang sakto lumubas si Lu Jinnian galing sa banyo habang balot ng tuwalya ang kanyang bewang at may hawak na tuwalya pang tuyo sa ulo.
Nakita ni Lu Jinnian si Qiao Anhao yakap ang bear kaya tumigil ito sandali at nagtuloy papunta sa vanity table para magpatuyo ng buhok.
Kita ni Lu Jinnian sa salamin na nilagay ni Qiao Anhao ang bear sa gitna ng kama at nahiga na ang harap ng likod ay sa puwesto kung saan nahiga si Lu Jinnian.
Masama ang tingin ni Lu Jinnian dahil dito kaya bumilis ang pagpapatuyo niya ng buhok gamit ang blow dryer. Pagkatapos, iniwan ang blow dryer at tumingin sa kama.
May bear sa gitna ng kama pero malapit sa dulo ng kama humiga si Qiao Anhao.
Ramdam ni Qiao Anhao na tumititig sa kanya si Lu Jinnian. Binaon niya sa unan ang ulo niya. Natigil ito sa ilalim ng kumot dahil naalala niya na umiiyak siya kaya basa ito.
Takot si Qiao Anhao na malaman ni Lu Jinnian na umiyak siya kahit alam niya na wala ito pakialam. Kaya hinila niya ito papunta sa loob ng kumot.
Matagal na tumingin si Lu Jinnian kay Qiao Anhao at napansin niya na parang umiiwas ito sa kanya kaya umalis siya ng kuwarto.
Nang umalis si Lu Jinnian, binuksan ni Qiao Anhao ang mga mata niya at humiga ng ayos sa kama. Ngunit, nakalipas ang 5 minuto bumalik ito na may dalang papeles, tumingin kay Qiao Anhao at hinagis ito sa bedside table katabi ni Qiao Anhao.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES