App herunterladen
6.06% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 59: Mga Alaala Ng Ating Kabataan (7)

Kapitel 59: Mga Alaala Ng Ating Kabataan (7)

Redakteur: LiberReverieGroup

Matapos nilang maghapunan hinanda ni Lu Jinnian ang kama bago siya bumalik sa hostel.

Ngunit, hinawakan ni Qiao Anhao ang kamay niya. Naisip ni Lu Jinnian na maaring takot si Qiao Anhao kaya tahimik itong naupo sa tapat ng kanyang computer.

Tahimik ang buong kuwarto maliban sa buzzing ng computer habang si Qiao Anhao ay nakahiga naglalaro ng kanyang telepono.

Mabilis lumipas ang oras, 11 pm nang mahiga si Lu Jinnian sa nilatag niyang kutson sa sahig at si Qiao Anhao ang nahiga sa kama. Bumilis ang tibok ng puso ni Qiao Anhao, ang gamit niyang kumot ay balot ng amoy ni Lu Jinnian.

Ninanamnam nila ang katahimikan ng gabi habang nakikinig sa paghinga ng isa't-isa hanggang sa sila ay naka tulog.

Sa gitna ng gabi, bumuhos ang ulan sa Hangzhou na may kasamang kulog at kidlat. Ngunit, kahit masama ang panahon hindi apektado si Qiao Anhao bagkus naka tulog pa ito ng mahimbing.

Kinabukasan kumuha ng temporary ID si Qiao Anhao at sinamahan siya ni Lu Jinnian bumili ng plane ticket saka hinatid sa airport. Bago siya umalis pilit siyang binigyan ni Lu Jinnian ng ilang hundred dollars. Lumapit ito sa kanya at bumulong na mag-ingat at tumawag dumating na ito sa Jingcheng.

Nang mga oras na iyon tila may pasibol na relasyon sa pagitan nilang dalawa.

Ngunit matapos ng araw na iyon bilang nagbago ang lahat.

Matapos makarating sa Jingcheng kumuha ng bagong ID si Qiao Anhao at agad na kumuha ng ticket papauntang Shanghai at sinama si Qiao Anxia papuntang Hangzhou at gaya ng dati tinawagan niya si Lu Jinnian.

Sinabi ni Lu Jinnian na hindi siya makakapunta dahil nasa Hengdian ito. Hindi pwede ang outsiders ang sinabi ni Lu Jinnian ng mag-alok si Qiao Anhao na pumunta sa Hengdian.

Bahagyang nalungkot si Qiao Anhao at pinaniwalaan na busy nga ito kaya umalis na siya matapos ng dalawang araw.

Isang buwan ang nakalipas, binisita niya ulit ang Hangzhou pero ang sabi ni Lu Jinnian nasa filming ito kasama si Xi An.

Matapos ulit ng kalahating buwan, nasa Hangzhou siya ulit ngunit, tinanggihan siya ulit nito sa parehas na dahilan.

Nang mga oras na iyon, lalong sumisikat si Lu Jinnian matapos gawin ang ilang roles. Maging ang mga kasama ni Qiao Anhao sa hostel ay pinapantasya ito.

May pakiramdam si Qiao Anhao na iniiwasan siya nito. Ngunit, hindi niya alam kung bakit.

Naisip niya na baka dahil sa pagmamahal kaya kung ano-ano ang iniisip niya.

Gayumpaman, nalaman niya na may na gugustuhan ito kaya tinanong niya ito bilang isang kaibigan.


Kapitel 60: Mga Alaala Ng Ating Kabataan (8)

Redakteur: LiberReverieGroup

Tumulo ang luha niya nang maalala niya ito. Tila isa itong bangungot, "Kahit sino pa ang gusto ko, hindi magiging ikaw yun."

Hindi magiging ikaw yun...

Hanggang sa sandaling, ang dala niyang pag-ibig mula highschool hanggang 4th year sa university. Ang walong taon na minahal, nagpakahirap, nagpakatanga, pinangarap, inisip at ginugol ang buhay at kaluluwa para sa kanya. Hanggang sa sandali na sinabi nito na kahit sino pa ang gusto ko, hindi magiging ikaw yun. Pero ang sinabi ng lalaking ito ay kahit sino pa ang gusto ko, hindi magiging ikaw yun.

Namatay na ang one sided love niya bago pa sumibol.

Nilihim niya ang kanyang pag-ibig para sa kanya, simula ng araw na iyon.

Sinimulan niya itong iwasan hanggang sa hindi na sila nagtagpo. Minsan mababanggit ito ni Xu Jiamu. Alam niya na maayos ang kalagayan nito sa industriya, alam niya rin na nanalo ito ng best screen actor award at ang pagbili nito ng Huan Ying Entertainment.

Madali niya itong malalaman kahit hindi sabihin sa kanya ni Xu Jiamu. Kilala siya sa buong mundo na kahit ang maliit na detalye sa buhay niya ay pangunahing balita.

Pagkaraan, iniiwasan niya na ito pero kahit saan siya mapunta nakikita niya ang posters ng endorsements niya.

Malinaw sa kanya na hindi siya nito gusto pero tuwing may makikita siyang poster hindi niya maiwasan matulala at tignan ang pagbabago sa mukha nito.

Nalulungkot siya sa tuwing naalala niya ito at magsisimulang umiyak. Nagising siya sa kanyang iyak.

Nagising siya sa pamilyar na bedroom at tumitig sa dingding saka niya napagtanto na ito ay isang panaginip at basa ang unan niya dahil sa luha.

Patuloy na tumitig sa dingding si Qiao Anhao hanggang 12 am. Nang makabalik siya sa bahay, uminom siya ng gamot at natulog.

Matapos matulog umalis ito sa kama at hinugasan ang mukha saka kinuha ang gamot at kumuha ng tubig saka inimon ang gamot sa may kusina.

Nilabas niya sa freezer ang frozen dumplings, pinainit at kumain mag-isa sa dining table.

Habang kumain narinig niya ang tunog ng sasakyan. Lumingon siya sa bintana at nakita niya si Lu Jinnian. Yumuko siya at tumingin sa kanyang pagkain. Maya-maya narinig niya ang pagbukas ng pinto.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C59
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES